BLIND ITEM: Batu-bato ng PEP, ang tamaan 'wag magaleeet! (MMFF 2012 Edition)


  • Isang director daw ang sinisisi kung bakit nagka-delay-delay ang shooting ng kanilang pelikula para sa MMFF. Pero ang sabi ng isang source, isa sa mga reasons daw ay ang Poging Cameraman. Nagpapaka-OC raw kasi kahit baguhan pa lang. Magaling naman daw. Mabagal nga lang. Eto pa, bet na bet ng girls and pa-girl na staff ng pelikula si Poging Cameraman kaya siya naging part ng pelikula.
  • Gaano katotoo na si Aktres ang reason kung bakit na-delay-delay ang shooting ng kanilang pambatong pelikula sa 2012 MMFF? Busy-bisihan daw kasi siya sa kanyang love life kaya hindi matapus-tapos kunan ang kanyang mga eksena kasama ang iba pang cast ng pelikula! Maging sa promo ay halos hindi raw maasahan si Aktres. Marami raw kiyemeng alibis ito pag sinasabihan na ng schedule ng shooting at promo.
  • Si Scriptwriter, gustong ipatanggal ang kanyang pangalan sa credits ng isang 2012 MMFF entry. Dahilan niya, hindi naman daw siya ang bumuo ng istorya. Ilang araw lang niya itong tinignan para mapagbigyan ang kaibigang direktor. Marahil, napagmuni-muni raw ni Scriptwriter na hindi makakadagdag ng prestige ang paglalagay ng kanyang pangalan sa credits.
  • Malaki ang expectation kay Direk dahil kilalang magaling naman ang lola mo. Pero lingid sa kaalaman ng madlang people, aba, aba, e, isang linggo na lang bago ang Parade of Stars ay 'di pa finish ang pelikula. Tensiyonada siyempre si Producer pero walang magawa dahil mas gerera sa kanya si Direk. Malamang habang pumaparada ang floats ng entries noong December 23 ay ine-edit pa ang obra ni Direk para umabot sa opening day noong Pasko. Whew!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN