Alden Richards compares MMFF 2013 entry 10,000 Hours to Hollywood movie Bourne Legacy

Alden Richards is glad that their action film 10,000 Hours was chosen as an entry to MMFF 2013. "Bihirang-bihira pong magpasok ng action films sa Manila Film Fest since, puro bata po ang audience, pang-family," observes Alden.



Halos taon-taon, simula nang pasukin ni Alden Richards ang pag-aartista ay nakakasama na siya sa mga movies ng Metro Manila Film Festival.

Ngayong 2013, kasama siya sa action film na 10,000 Hours na pinagbibidahan ni Robin Padilla.

Hindi mai-give-away ng tahasan ni Alden kung ano ang koneksiyon ng karakter niya sa karakter naman ni Robin sa pelikula.

Sabi lang ni Alden, “Isa po akong batang pulis sa past na, yung character ko po ron, very essential sa character ni Kuya Binoe [palayaw ni Robin] sa pelikula. Kasi, malaking portion yung ginampanan kong role para sa kanya sa present.”

Hindi nga lang daw sila nagkaroon ng pagkakataon na magkasama sa mga eksena sa pelikula nila.

“Wala po kaming magkasama, pero, nagkita po kami noong storycon.

“Actually, noong ini-offer sa akin ang project, sabi ko, wow, gaganap ako na... of course, it’s an honor na mapili ni Kuya Binoe na gumanap sa pelikula. Namili rin po siya ng konting artista na gusto niyang maisama.

“Masarap po ang pakiramdam na malaman ko na parang napili niya ako at ni Direk Joyce Bernal po, ang sarap po ng pakiramdam.”


Nakasama na si Alden noon sa mga MMFF entries tulad ng Sossy Problems (2012); Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako (2012); at Ang Panday 2 (2011).

“Sa awa po ng Diyos, halos every year, since I started, nakakasama po. Thank you po Lord.”

Ano naman ang nararamdaman niya sa 10,000 Hours pagdating sa box-office appeal?

“Without bias, nakikita ko siya na mala-Bourne Legacy. The way they shot it, sa Amsterdam at saka sa mga scenes rito, ang humawak po kasi, yung humawak din sa Bourne Legacy noong mag-shoot sila rito.

“Iba ang feel niya. Ako po kasi, hindi po ako masyadong mahilig. Bihira akong ma-catch ang attention ko ng isang action film. Pero, trailer pa lang nito, panalo na. Usually kasi, ako, as an actor, may feel, e. Kahit action, since bihirang-bihira pong magpasok ng action films sa Manila Film Fest since, puro bata po ang audience, pang-family.

“Pero ito po, worth it,” sabi niya.

Sa palagay niya, pang-ilan kaya sila sa box-office hits?

“Tingin ko po, may laban naman po. Baka maglaro po kami sa second or third po,” sabi niya.

Positibo ba siya sa bagay na yun?

“Opo at sabi nga po sa amin at kahit ako po, kini-claim ko rin po na runaway Best Picture for this year. Sana po,” sambit ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN