Shaina Magdayao says Pagpag aims to educate the youth about superstitions surrounding funerals



Si Shaina Magdayao ay bahagi ng Metro Manila Film entry ng Star Cinema, ang horror movie na Pagpag: Siyam Na Buhay.

Kahit hindi pa man daw niya ginagawa ang pelikula, naniniwala na si Shaina sa pamahiin na pagpapagpag pagkagaling sa patay. Ang pagpag ay pamahiin na hindi dapat dumiretso sa bahay matapos makiramay at bumisita sa isang burol dahil maaring sumunod ang malas at masasamang espiritu.

“Dumadaan lang naman ako sa gasoline station,” nakangiting sabi niya.

“Lumaki talaga ko sa pamilya na kahit saan pumunta, nagpapagpag talaga. Miski gasoline station lang. Kinalakihan ko ‘to, itong pamahiin na ito. In all fairness din naman.”

Mag-asawa sila ni Paulo Avelino sa MMFF 2013 entry na Pagpag.


Paulo Avelino and Shaina Magdayao


“I play the role of Lucy. At magkikita-kita kami ng mga bagets sa isang burol. Meron silang hindi masusunod na pamahiin at doon na mangyayari ang lahat ng kaguluhan, doon na magsisimula.”

Nakikita ba niyang malakas naman ang laban nila na mag-top grosser ngayong Kapaskuhan?

“Sana,” saad niya.

“Sino-showcase rin naman niya ang culture nating mga Pinoy. Actually, mae-educate rin naman, siyempre, ang mga bagong henerasyon ngayon, hindi na nila sinusunod ‘yun, ‘di ba? Pero ako mismo, while reading the script, parang na-familiarize ako dun sa iba pang pamahiin.

“Kasi, ang tina-tackle namin dito is not just pagpapagpag. While watching the film, makikita niyo na, meron pa palang ibang pamahiin. Dito ko lang nalaman na hindi pala puwedeng tuluan ng luha yung kabaon.

“Hindi ako familiar ron.

“So, definitely, mae-educate rin ang mga kabataan doon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN