Boy2 Quizon opens up about challenges of producing action film 10,000 Hours

Boy2 Quizon (left) is one of the producers of the Metro Manila Film Fest entry 10,000 Hours, starring Robin Padilla.



Inilahad ng aktor na si Boy2 Quizon na hindi ganoon kadali ang pinagdaanan niya upang maging film producer. Isa si Boy2 sa mga producer ng Metro Manila Film Festival entry 10,000 Hours na pinagbibidahan ng action superstar na si Robin Padilla.

Sa ilalim ng direksiyon ni Joyce Bernal, mapapanood ang 10,000 Hours
simula Disyembre 25.

"Actually, nag-form kasi kami ng bagong group ni Neil Arce. Nag-umpisa 'to dahil galing kami sa maliit na pelikula, e, yung Coming Soon. Meron kaming ginawa, e, parang laru-laro lang, yung kami- kami lang ang gumawa noon. Yung director noon kaibigan namin, bago, non-showbiz.

"Then, we decided to do another one where it started with Neil and I, at saka si Bella [Padilla] coming up with an idea. And from the idea, lumaki ng lumaki. Eventually, nakuha namin si Direk Joyce to direct the movie," kwento ni Boy2 nung makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng 10,000 Hours.

Right after ng Coming Soon, sinimulan na raw nila agad ang 10,000 Hours.

"Kumbaga, nasa wish list namin yun, e, na sana makagawa tayo ng isang movie na pang-Metro Manila Film Festival. So, naging domino effect nung nakagawa kami ng magandang idea tapos from the idea nakakuha kami ng magagaling na writers. Tapos nakakuha kami ng ideya.

"Unang-una, yung isang writer, yung creative director namin na si Peter Serrano, actually, very close to Direk Joyce rin. And then, umupo kami kay Direk Joyce, bonding-bonding muna, ganyan, and then, eventually nagustuhan niya yung script.

"Actually, yung idea pa lang, e. Tapos from there, nakakuha na kami ng writers from Direk Joyce. Winish list talaga namin na sana pumasok kay Binoe [palayaw ni Robin] kasi bagay talaga sa kanya.

"Saka siya rin, kumbaga, yung ibang partners na kasama namin dito siya rin ang gusto. And then, eventually, nung nakita yung script sobrang na-excite siya."

Paano sila nag-meet ni Neil?

"Si Neil childhood friend ko, way back pa. Mga bata pa lang kami magkaibigan na kami. Magkalapit ang village namin, pareho kaming taga-south niyan. Ako taga-ParaƱaque, siya Ayala, Alabang.

"E, ganoon sa south parang magkakakilala. So, eventually, barkada-barkada, ganyan. And then all of a sudden, he wanted to be a producer.

"It started with our first project, yung Coming Soon, where yun ang pinaka-first project namin. Yung Coming Soon nung ginawa namin yun parang indie lang talaga yun. Naipalabas na siya. Baby project lang namin to test the waters.

"E, more than dun sa thrill ng proseso of doing a movie para siyang tattoo na kapag tinatatuan ka, masakit. Pero after, hinahanap-hanap mo. Yun ang definition nu'ng tao. Kasi considering yung Coming Soon, konting tao lang kami, e. Kami lang talaga," paglalahad pa ni Boy2.

Ipinalabas ang Coming Soon noong buwan ng Marso ngayong taon.

"Hindi siya kasali in any local indie film festival. It was really a small project where ka-partner din nun si Ronald Singson. Kumbaga, baby project yun. Tapos natuto kami...I mean, hindi naging perfect along the way. Siyempre bago kami lahat.

"Pero ang maganda doon by working, by having a team na anytime kapag gusto mo'ng ma-achieve ang isang bagay nakikilala mo ang tamang tao na makakatrabaho mo. Parang domino effect siya, e.

"Yung kahit paano nadidikit kami sa mga kasama natin sa press, na nakikilala namin yung mga nagumpisa ng industrya when it comes to different fields, ganyan. Then, you know, everything is basically, parang nilagay na lang diyan. Biglang nandiyan na sina Joyce Bernal, biglang si Binoe pwede."

As a producer, ilang percent ang shinare niya na puhunan for the movie?

"Actually, with that one, it's a corporation team. N2 [N Squared], yun ang pangalan ng corporation namin. Ila-launch pa lang namin soon.

"Actually, ano pa lang 'to, first project namin. Ako, si Neil Arce at si Nicolo Juban, anak siya ni Jun Juban. Si Jun Juban sila ang nagdala sa Bourne Legacy dito sa Pilipinas. Producer din siya. Producer din si Nicolo.

"So, it started there, ang nangyari yung line production nakuha namin sa daddy niya ni Jun Juban. Kinuha namin yung production ila, sila yung logistics.

"Kami nina Neil kumbaga, we just have to think about yung mga scheduling ng mga artista, contracts, negotiations. Para yung sa logistics talaga ng production, e. malaking budget, e. Kumbaga, 'tong movie na 'to 70% shinoot na in sa Amsterdam, e. Malaking movie talaga 'to, e."

Kailan nabuo ang corporation?

"Uhm, simultaneous. Tapos kami naman ni Neil sabi namin, parang kaya naman natin hindi magtayo ng opisina nu'ng umpisa. Parang, bakit ba kailangan?

"Sabi ko, ang hirap. Ang hirap kaya mag-meeting sa Starbucks, he he. Wala tayong mga tao. Then, eventually, ang next step namin magkaroon ng opisina.

"Sa amin naman kasi as long as yung production team, legal. They did Bourne Legacy. This is 20-30 years in the business. Kami parang, you know, considering na we're working with the best people in the industry.

"We're still learning. Hindi namin mamadaliin masyado. Kasi parang naniniwala rin ako sa unti-unti, darating din doon, e. Parang ngayon excited lang kami na nakapasok kami sa Metro Manila Film Festival, 'di ba?

"Isang festival talaga na alam naman natin na inaabangan ng lahat."

Producer din ba ang Fearless Entertainment na pag-aari nina Ronald Singson at ang aktor na si Jomari Yllana?

"Yung dating company kasi nila it's Ronald's company, yung Fearless Production. Si Neil is parang basically a best friend of Ronald. But technically, he's not part of Fearless Production. Neil is never really a part of Fearless.

"Parang ako may baby company ako dati, yung Brown Sugar. And then from Brown Sugar iba na ngayon kasi ang forte na gusto naming pasukan ngayon is really...movies.

"Kasi dati yung ginagawa namin hindi lang movies, e. ang ginagawa ng Brown Sugar dati commercials, e. Marami na kaming nagawang comercials. Pero I decided to, parang okay, ang pinakafocus natin ay gumawa ng movie.

"Ang partners ko naman sa Brown Sugar ako,si Peachy [Rufa Mae] si Bullet Jalosjos, si Martin Aveles. Advertising naman ang forte ni Martin. Wala na yun. Kumbaga ngayon, I decided to do movies.concentrated lang kami sa isa and that's N2 now."

Hindi na ba mag-partners sina Jomari at Ronald sa Fearless?

"Ay, hindi ko alam. Ang alam ko ongoing pa rin ang Fearless. They're not just part of this movie. Kumbaga, I think Fearless is doing okay. Ang ginagawa kasi ng Fearless ever since events, e. Concerts, 'yan ang forte nila. "

Paano ang sharing nila sa movie as producers?

"Yung movie pina-line produce namin sa daddy ni Nicolo. So, we have our company na, yung N2. It's our own idea. Ang idea namin is to, just basically explore in doing action films. Na parang inspired ng Argo, yung Catch Me If You Can. Mga baguhan kami, e, kaya siyempre yung pangarap namin na makagawa ng movie na kahit papano make-credit din sa ibang bansa. So, yun yung gusto namin."

Inspired ang kwento ng 10,000 Hours noong "nagtago" si former Senator Ping Lacson pagkatapos magkaroon ng kaso sa korte.

"Inspired lang, so, it's still a fiction. Ilalagay sa credit na 'It's inspired by his story.' Kasi parang technically, fiction pa rin siya.

"Then, eventually, when we were, nu'ng inuumpisahan na namin yung idea, parang, 'Oo nga, 'no? Bakit hindi natin i-base sa story ni Senator,' which yung script namin tumutugma sa ganoon na parang possible ba, e, politiko siya? Parang it was during a discussion na nag-agree lahat. Nagkataon na close rin kami, kaibigan din namin yung anak ni Senator Lacson.

"Then, at first, we were thinking of 'Uy, political movie masyado.' That's the reason why nu'ng ipinaalam namin kung pwedeng maging inspirasyon yung buhay niya, pumayag," masayang kwento ni Boy2.

But how true na nagmula sa kampo ni Robin ang nagbiga ng ideya sa kanila na gawin ang kwento ng buhay ng dating Senador?

"No, actually nu'ng pinasa namin kay Kuya Binoe yung script parang 80% done na yung movie."

Aware ba siya na during that time ay binubuo na rin ni Robin ang istorya ng Kuratong Baleleng kung saan nasangkot din ang pangalan ni Ping Lacson?

"Yes, we are aware. But it wasn't that big deal kasi nu'ng time na yun I remember Binoe visiting the Senator din nu'ng ginagawa namin yung research. 'Yeah, he did that movie. He was part of it. Pero okay lang, kasi ang pagkakaintindi ko si Binoe is part of it but he was never really, parang I think yung brothers niya ata ang kasama doon.

"Anyway, it wasn't really that a big thing. Kumbaga, kung si Senator, si Senator really wanted him na parang, oo nga naman kung magiging fiction bagay sa akin 'to. May pagka-pattern yung Robin Padilla kasi ma-action din ang buhay niya, e."

Lilitaw ba si Ping Lacson sa movie?

"No, no. Hindi na kailangan.

"Wala ring endorsement niya. Pero sana, siguro sa promo."

Ano ang mga natutunan niya ngayon bilang bagong producer?

"Ah, well, kami for this movie suwerte kami. We were able to work with best people. Ako, I had fun, e. Actually, sobrang naging smooth yung ride along the way. Kasi ang pinaka-importante, huwag kayong papasok na hindi kayo preparado.

"And then, step by step. From the idea pa lang alam mo na, nag-uumpisa lahat 'yan sa idea pa lang. Kapag nasulat mo na 'yan sa papel, lahat ng tao darating diyan para matulungan kayo para makagawa ng isang magandang proyekto."

Ano ang biggest problem na na-encounter niya sa movie?

"So far, wala. It was perfect, 100 percent. Kasi like what I said we have the best director, Direk Joyce na sobrang efficient sa time. Wala kaming naging problema sa cast namin dahil alam mo, sinabihan kami ni Kuya Binoe na sa lahat daw ng pelikulang ginawa niya first time raw niyang na-experience yung pupunta siya sa set na. Excited siya.

"Yung parang Hollywood daw yung feeling nu'ng, kasi naman kami we made sure na by getting the best line production there, 'yung kina Tito Jun Juban, of course, sana'y sila to do foreign movies.

"Ang sarap ng feeling na kahit alam nating hindi katulad yung foriegn movies pagdating sa budget kapag gumastos ng pelikula, ang sarap lang ng feeling na well-pampered ang mga artista.

"Ako kasi artista ako, e. so, kahit papano ang number one. Goal ko is, kahit sa pagkain or sa kahit ano'ng maliiit na bagay, gusto ko naka-buffet kami. Gusto ko pati yung crew kumpleto yung pagkain. Hindi naman sa inispoil namin sila pero it's more on, para maganda yung vibes ng buong pelikula."

Mukhang siya na ang susunod sa yapak ng lolo niya na si Dolphy na isa ring producer.

"Hindi, hindi. Walang makakatapat sa kanya. Si Tito Eric [Quizon] may production din siya.

"Well, ano kami, tulungan. Siyempre hindi ko naman kayang mag-isa. Ako naman parang minsan dinadasal ko na lang talaga. Minsan mas gusto ko na lang mag-produce kesa umarte.

"Parang minsan, ginagawa ko 'to kasi paang malaking tulong na rin for the industry na sana lang, like what I said before, mabalik man lang yung investment namin for the mvoie.

"Ang expectations lang naman namin is gusto ko lang manalo ng Best Actor si Kuya Binoe at makuha namin ang Best Picture. And we really claim na magiging Best Picture ang pelikulang 'to kasi wala na ako'ng nakikita, e.

"We have the best director and then you have the comeback of Kuya Binoe na sobrang, 80% ng movie shinoot namin sa Amsterdam. Sobrang naging efficient yung time. And working with the same people that did Bourne Legacy here, ah, we're the best."

More or less magkano inabot ang production cost ng movie nila?

"Hindi ko kayang sabihin, hehe. Hindi naman sobrang laki. With promo aabot ng P50 million. Kaya lang ayaw ko ng sabihin kasi baka mamaya, alam mo na. Basta kami makikita ninyo na lang doon sa content na hindi talaga namin tinipid."

Kalahati ba ng puhunan ng movie talent fee ni Robin?

"Hahaha! Alam mo si Kuya Binoe from day one he is very supportive. Actually, umabot sa point na hindi na isyu sa kanya yung money. Pero without the ano, hindi namin pinag-usapan kay Kuya Binoe ang presyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"I believe this material is a comeback thing for Kuya Binoe. And it's a good thing na sa film fest siya maka-comeback. At saka naniniwala ako na pang Best Picture kami and we have to claim it kasi alam namin na quality-wise, yes."

Artista rin ba siya sa 10000 Hours?

"Dapat nu'ng una. Malaki rin yung role, actually, pero nu'ng bandang huli, kinausap ko rin si Direk Joyce na parang, saka si Neil, 'Bro, ayaw ko nang pagsamahin, e.' Parang gusto ko ring ma-feel na makapag-focus ako sa isang bagay and I didn't want to do na parang sabay considering na malaking movie. Parang ang daming bagay at aspeto na dapat gawin ng isang co-producer na gusto ko talagang matutunan."

Itutuloy ba niya ang legacy ng lolo niya sa pagpro-produce?

"Hindi, hindi totoo 'yan. Nandiyan pa si Kaizze, e. Kailangan ko si Kaizze, kailangan ko yung Epy [Quizon]. Kailangan ko yung tulong nila. Si Eric, all the time I would call him. Anong ideas...ano ang kailangan ko'ng gawin?

"Pero kami naman as new producers naintindihan naman namin. Mahaba pisi namin. Mga bata pa naman kami, e. Sana lang kahit papano siyempre kasi may mga financier din kami dito, sana parang domino effect na if this movie does well, I mean, para sa lahat ng pelikula sa MMFF ang lami naman ng pie na pinaghahatian diyan, e. Gusto natin at least mag-click lahat ng movies not just our movie kasi lahat tayo apektado, e.

"Kaya ginagawa na rin namin 'to, parang tinutulak namin ang sarili namin to do more. So, definitely, meron na kaming kasunod for next year. May idea na. Pero wala pa'ng 10% 'yung script. More or less, bumabalik pa rin sa may pagka-konting action, e.

"Kasi pinu-push namin na mabalik ang action movies. One, because marami rin ang natutulungan na tao ang action movies. Two, naniniwala ako na 'tong action movies ngayon hindi na 'to yung panahon noon na wall to wall yung action na nag-uusap sila bago magbarilan.

"Hindi na ganoon ang technology ngayon. Naniniwala ako na kaya nating gumawa ng suspense na, hindi man natin kayang tapatan yung pera kung paano gastusin ng Hollywood 'yan, naniniwala ako na kaya nating gumawa ng isang magandang script na papanoorin mo pa rin 'di ba?"

Saan siya kumukuha ng mabahang pisi sa pagpro-produce?

"Ako kasi parang eventually, number one na natutunan ko, sa akin yung pera pwede ko'ng trabahuhin. Pero hindi ko sinasabi na mayaman ako. Meron lang talaga kami na kahit papaano ay naipon.

"Kasi simula nu'ng medyo nag-lay low ako ng konti sa showbiz, di ba, pinag-aralan ko. Nag-aral ako ng isang production, e, production laboratory yun, e, sa La Salle. Anyway, hindi ko na ide-detalye. Nag-aral kami kay Direk Peque [Gallaga] dati.

"Lumipad pa kami ng Bacolod. Tapos dala-dala ko yung team ko noon. Nag-aral kami kung paano ba talaga gumawa ng pelikula. Tapos kapag nagawa mo na ang pelikula paano ka ba kikita?

"Tapos kapag bago ka kumita, ano ba yung mga bagay na dapat mong gawin para kumita. Marami kasing ano, e, may producer na magpro-produce pero reality ba talaga kikita ka o hindi?

"So, ako naumpisahan ko'ng matutunan 'to lahat, first step ko nagkaroon ako ng Prangkista sa GMA. Maliban sa mga endorsements ko dati, puro commercials ako noon. Malaking pera ang nakuha ko sa Globe.

"Pangalawa, nu'ng nag-produce ako, prinodyus ko yung sa GMA yung Prangkista na nakatapos ako ng ilang episodes noon. Special yun na parang prank show, e na lumalabas ako every month, parang TV special.

"Ngayong December, meron ulit siya sa SNBO. Eventually, nabenta ko yung buong season. Simula noon na-inspire na ako na, 'Uy, kaya pala 'to, 'no?' ang pinag-investan lang kasi namin gamit, e. Ako kasi nag-invest ako sa gamit sa tao.

"Parang insip ko na okay, pwede pala 'to. Yung iba bumibili ng maraming property. E, bakit hindi ako gumawa ng maraming materyal, content? Nasa sa 'yo na yun kung eventually kung iba-blocktime mo siya or ano, ila-line produce mo.

"Malaking influence rin yung RVQ. Kasi simula nu'ng maospital ang lolo ko, wala naman kaming ginawa nu'ng time na nasa kama siya kundi kinukwento niya siya yung nagpro-produce ng pelikula niya. May RVQ siya, may sarili siyang building.

"So, sabi ko, grabe. Kung si Lolo 'to prino-produce niya ang movie niya, movie niya 'to, ha, nakapag-patayo siya ng building, what more ako na kung mag-iisip ako na kung mag-iisip ako na long-term pwede rin naman ako'ng mag-produce na hindi ako part noon, e.

"Kumbaga, kasi ang lolo ko, ang isang bagay na natutunan ko, my grandfather really invested on producing his movies na talagang Dolphy, Dolphy, Dolphy. Na parang okay na kung gagawa ako ng pelikula na kahit hindi ako ang bida doon, makagawa ako ng something sa industrya, inisip ko paano one day hindi na ako artista, ano ang gagawin ko?

"Isa 'to sa mga pumasok sa utak ko as bata na nag-umpisa sa showbiz for a long time. Hindi na siya bago sa akin. So, parang, yun ang number one ano ko, ano'ng gagawin ko kapag hindi na ako artista? Kinailangan ko'ng mahalin yung mga taong kung bakit hanggang ngayon ay andiyan pa rin.

"And I'm talking to the people that runs the industry from all of you guys, press, production people, writers, editors, at masaya kasi 'tong movie na 'to, it's nice to work with people na yung mga nakatrabaho ko rito for this movie, e, nakatrabaho ng lolo ko.

"Masaya, ang sarap ng feeling na ganoon. Hindi mo makukuha ang passion nila sa passion namin ni Neil or ng bagong tao sa industriya. Kasi ang young ones ngayon magpro-produce ng film, iniisip nila ibenta sa labas, kasi isip nila, e, huwag na nating ibenta rito kasi ang mga kumikita lang na pelikula rito yung prino-produce ng network. Pero ako, hindi, e, pwede ka'ng gumawa ng movie na magdo-domino effect. Makipagtulungan ka sa network. Use the network," diin ni Boy2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN