KC Concepcion: "Tumatanggap ako ng mga role na siguro hindi agad-agad ay tatanggapin ng ibang leading ladies.”


Ibang klaseng experience para kay KC Concepcion ang pelikulang Boy Golden: Shoot To Kill, isa sa mga entries sa 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013. Ang naturang pelikula ay tinatampukan ni Laguna Governor ER Ejercito at sa ilalim ng direksiyon ni Chito Roño.

Aminado si KC na nag-enjoy siya sa paggawa ng naturang period film. Bukod kasi sa napasabak siya sa aksiyon dito, sinabi ng aktres na nakaramdam siya ng pagiging malaya sa naturang pelikula dahil nakakawala siya rito sa kanyang comfort zone.

“Nag-enjoy ako ng sobra. Parang I felt free, I felt a certain freedom as an actress na I can go beyond my comfort zone.

“So, going out of my comfort zone now is something na I find so fulfilling, lalo na kung nasa tamang konteksto iyong ginagawa mo roon sa karakter,” sabi ni KC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Zirkoh Morato noong December 17 presscon ng pelikulang pinagtatambalan nila ni Governor ER.

“Hindi lang yung for the sake na mawala ka sa comfort zone mo at tapos ay okay na. At least, itong ginawa kong pagpili ng projects after ng Huwag Ka Lang Mawawala, kahit papaano, I’ve been blessed na maganda yung director na kasama dun sa project and all the co-actors,” dagdag pa ng dalagang anak ni Megastar Sharon Cuneta.

Ano ang reaction niya na maraming nagsasabi na magaling ang performance niya rito sa Boy Golden?

“Siguro po nanggagaling din talaga ako kay Alexis [role niya sa former drama series ng ABS-CBN] sa Huwag Ka Lang Mawawala. Ito po yung isang role na talagang tinurn-down ko ng tatlong beses.

“So, it’s fulfilling and yun po siguro ang napapansin ng mga tao and I’m so glad na natatanggap ako sa ganitong roles.”

Nabanggit din ni KC na ang buong buhay niya halos ay parang isang malaking reality show mula nang siya ay ipanganak.

“Kasi siguro all my life, parang reality show na rin kasi ang buong buhay ko. Na parang ipinanganak ako, ‘di ko alam na pinapanood na nang tao yung buhay ko… as in reality show siya. Bago pa sumikat yung mga Kim Kardashian at mga Kardashians, alam n'yo yun? Talagang kahit papano may sarili na akong reality show, sa buhay ko.

“So, getting into roles has been difficult for me at least for the last five years, it had been difficult for me, pero ever since Huwag Ka Lang Mawawala, doon ko talaga nahanap yung parang niche ko, yung place ko rito sa industry na kahit papaano, tumatanggap ako ng mga role na siguro hindi agad-agad ay tatanggapin ng ibang leading ladies.”

Nag-e-expect ka bang manalo ng award sa pelikulang ito?

“Ayaw ko pong mag-expect talaga, mas maganda po siguro if ever na ibigay ni God yung ganoong klaseng recognition sa trabaho ko for this movie.

“Proud po ako na dumaan ako sa Best Supporting Actress [sa nakaraang Star Awards for TV ng PMPC]. Marami rin po kasi akong kilala na nag-Best Actress na, na siguro masasabi nilang, ‘Ako hindi ako magsu-support.’

“Pero siguro po kahit papaano, proud ako na nag-umpisa ako roon and kung makuha ko man po yung ganoong klaseng award, napakalaking Christmas gift na po yun para sa akin,” nakangiting wika pa niya.

Ano ang wish niya para sa kanyang Mommy Sharon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang wish ko sa kanya talaga is maging successful pa ang teleserye niya [Madam Chairman sa TV5] and magkaroon pa siya ng mga project na makaka-inspire sa kanya.

“Kasi, love na love po niya ang magtrabaho. Para siyang magkakasakit kapag hindi siya nakakapag-work, workaholic siya talaga.”

Tungkol naman sa kanyang lovelife, gusto mo na rin ba talagang sa pagpasok ng 2014 ay may boyfriend ka na?

“Opo, gusto ko na ring kiligin,” nakatawang saad niya. “Parang… bilang babae po, siguro normal lang naman po na gusto mong maging ganoon. And matagal-tagal na rin naman akong hindi pa nakakapag-commit ulit.

“So, I would be really happy to be, you know, in a relationship. Pero, hindi naman po ako iyong tipo ng girl na parang desperada na magkaroon ng partner or anything.

“But, a… siguro, alam n'yo po iyong…usually ang nangyayari sa relationship, parang iyong lalaki ang nape-pressure sa babae dahil gusto nang mag-commit nung babae. Iyong nangyayari po ngayon sa akin, parang… baliktad… dahil ayaw kong masyadong maging serious iyong relationship.

“Pero nangyari lang po iyon siguro dahil sa … kahit papano, sa rami ng pinagdaanan ko rin. Ayaw ko na pong masaktan ng ganoon. Kaya masyado po akong nagiging careful na ngayon.

“Mas careful po ako doon sa… ayaw ko iyong duma-dive ako kaagad [sa isang relationship],” saad pa ni KC.

Maraming nali-link sa iyo ngayon?

“Opo, mayroon pong totoo, mayroon naman pong sobrang walang pinanggalingan,” matipid na tugon niya.

Kanino ka ba mas close ngayon?

“Siguro po, kina Luis [Manzano] at Paulo [Avelino] ako pinakamalapit.”

Nang usisain, kung nakikipag-date ba siya kina Paulo at Luis, paiwas ang naging sagot dito ni KC.

“A, very close po ako sa kanilang dalawa. Pero ayaw ko pong magsalita, ayaw ko pong gumulo.

“Parang… baka po kasi masyadong maraming naririnig na mga opinion… wala pa naman talagang namumungang solid. So, parang ayaw ko munang magsalita na masyadong maraming sinasabi about them.”

Between Paulo at Luis, kanino ka mas close?

“A… lagi naman kasi po kaming magka-text n Luis, pero lagi rin po kaming nag-uusap ni Paulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“Wala naman pong serious, ayaw ko munang sagutin ang mga ganyan.

“Kinikilig ako, hayaan n'yo muna akong kiligin,” nakatawang saad pa niya.

Kanino ka mas kinikilig sa dalawa?

“Ayaw ko po, ayaw ko po,” paiwas na sagot pa ni KC habang tatawa-tawa.

Bukod kina Governor ER at KC, ang Boy Golden ay tinatampukan din nina Eddie Garcia, Tonton Gutierrez, John Estrada, Leo Martinez, Gloria Sevilla at iba pa. Magsisimula itong mapanood sa December 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN