Sef Cadayona grateful for Vic Sotto's support for Kaleidoscope World


Malaking bagay para kay Sef Cadayona na may suporta ang pelikula niyang Kaleidoscope World mula kay Vic Sotto, na bida rin sa Metro Manila Film Fest entry na My Little Bossings.

“Isa po sa naging highlight sa akin sa taong ito, kasi po ni-recognize ni Bossing yung movie namin.

“Kasi po kasama ko po siya sa Vampire ang Daddy Ko, kabadong-kabado ako noon kasi hindi ko alam kung papano ko sasabihin na, 'Bossing... baka puwede kaming mag-promote sa Eat Bulaga.

“Kahit pa sabihin niyo pong magka-eksena kami, iba pa din, e. Iba pa rin si Bossing, ang hirap.

“Hindi pa ako tapos magsalita noon, bigla niyang sinabi na, 'Sige, sige sabihin mo sa kanila,' 'tapos ayon, sa Ryzza Mae Dizon Show, opening kami.

"'Tapos, sabi [ko] sa kanya, 'Kahit saan po.'"

ENCOUNTER WITH KRIS AQUINO. Masaya rin si Sef dahil nagkaroon ng chance na makatrabaho niya si Kris Aquino sa GMA-7 sitcom na Vampire Ang Daddy Ko.

“Opo, sana nga po napanood niyo po yung mga eksena namin nung Sabado po [December 23]. Alam ko po, pinalabas yun sa premiere nila.

“Nung una, kinakabahan talaga ako. Sabi ko nga sa sarili ko, 'Kris Aquino ‘yan, patay pag may maling joke na ginawa, medyo madedehado ako.

“E, ang nangyari po kasi, nagsimula nung si Bimby, kinukulit ako nang kinukulit.

“Nakikipaglaro sa akin, hindi ako tinatantanan, kasi tawang-tawa siya sa thought na lalaki ako pero nakabihis babae ako. Pero alam niyang lalaking-lalaki ako.

“Sabi nga niya sa akin, 'You're not ano [gay], e, how come you dress like that? How come you have a dress gown?'

"Sabi ko na lang, 'That`s my role.' Sabi niya naman, 'Really that is your role? Dressing like a girl?' 'Tapos tawa siya nang tawa.

“Kahit nga si Ms. Kris, sinasabi niya sa akin na alam niyang hindi ako bading na straight ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos meron nga siyang line doon na sinabi niya na hindi ako mabilis na nagkaka-amor sa tao 'tapos nilagay ni Direk sa eksena, nagulat ako.

“Pati Nanay ko, napatawag sa akin. Sabi niya, 'Anak, gusto ka ni Kris Aquino,' sabi niyang ganun.

"Sabi ko nga, 'Oo nga yata, mama," saka ito tumawa habang nagkukuwento.

Back to his film, bakit kailangang panoorin ang Kaleidoscope World?

“Kasi po, isa po ito sa ambitious na ginawa namin sa ngalan sa musika ni Francis Magalona. Tribute po namin sa kanya ito.

“Para pong nataon sa nangyari sa ating mga kababayan na dumanas ng hirap dahil sa bagyong Yolanda, kung papano nag-struggle ang mga Pilipino, yun ang pinakita namin sa movie.

“Na kahit na nagkaroon ka man ng disgrasya sa buhay alam mo kung paano ka tatayo, ganung mga kanta ang ginagawa ni Francis M. para sa mga kababayan nating Pilipino.

“So , yun yung pinortray namin at yun po talaga ang gusto naming makita ng mga tao especially po ang mga bata po.

“Gusto namin kasing ipaunawa sa kanila, na hindi lang po basta-basta ang buhay,” pagtatapos ni Sef.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN