Coco Martin's character in Feng Shui 2 described as "may pagka-kriminal ng konti"



Ayon kay Direk Chito Roño, higit kalahati na ang na-shoot para sa Feng Shui 2, ang 2014 Metro Manila Film Fest entry na pinagbibidahan nina Kris Aquino at Coco Martin.

Si Direk Chito rin ang director nang unang installment ng Feng Shui na pinalabas noong 2004.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Chito noong birthday celebration ni Coco Martin sa Cities Events Place, QC sinabi nitong malapit nang matapos ang tinaguriang Primetime Drama King ng Kapamilya network ang kanyang mga eksena.

Excited si Direk sa mga nalalabing shooting days ng pelikula dahil papasok na raw ang horror scenes at effects sa project.

Pinaliwanag niya kung bakit mas naunang nag-shoot si Coco ng mga eksena.

“Nag-focus muna ako kay Coco dahil karamihan ng mga eksena niya exterior, inaabutan na nga kami ng mga ambon-ambon.

“Dalawang gabi kaming napack up kasi hindi kami tinitigilan ng ulan hindi kami makagawa ng mga street scenes. Marami siyang [eksena] nagmu-motor siya. Yung mga location niya Chinatown.

“Sobrang pedestrian yung mga eksena niya.”

Mag pagkakaiba ba ang karakter ni Kris sa latest kaysa sa first installment? Sa first installment, gumanap ang TV host-actress bilang si Joy, ang nakakuha ng bagua na nagkaroon ng good luck ngunit nagdulot naman ito ng kamatayan sa mga taong nakapaligid sa kanya.

“No, it’s still the same. Continuation ito ng story niya,” ani Direk Chito.

(Read: LOOKING BACK: 5 spine-chilling facts from Kris Aquino's 2004 movie, Feng Shui)


Pagdating naman kay Coco, first time raw na nakasama ni Direk Chito ang aktor at bilib siya sa kakayahan nito.

Saad niya, “flexible naman si Coco. Magaling naman siya. Hinahanapan ko lang siya noong una yung magiging karakter niya sa Feng Shui.

“Kasi may pagka-kriminal ng konti. Mahilig sa mga raket. Kung kailangan mauutusan kasi mahirap lang kasi siya, humahanap siya ng dirty jobs. Uutusan mong mangupit ng ganito. May mga ganon.

“Siya yung tipong kaya niya yung mga shady jobs. Doon siya nabubuhay.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

All smiles for now, but the dying is about to begin #FENGSHUI2014

A photo posted by @_krisaquino onNov 11, 2014 at 4:57am PST





COMPARISON BETWEEN COCO AND JOHN LLOYD. Sa pelikulang The Trial pinalabas ni Direk Chito ang iba pang husay ni John Lloyd bilang aktor.

Tanong ng PEP kay Direk Chito, paano niya ididistinguish ang husay ni John Lloyd at ni Coco bilang mga artista? Gayong parehong magaling ang mga ito.

Sagot niya, “Ay magkalayo. Siyempre, si John Lloyd plays parang developed mentally slow, di ba?

“Alam mo si Lloydie, special child [sa The Trial]. Yung mental ano niya slow, delayed kumbaga.

"Si Coco naman plays a role na wais, madiskarte na alam lahat ng palusot. Kaya niyang mag-dirty, sobrang maabilidad, sobrang gumagawa ng kahit na anong kaya niyang gawin.

“Sobrang layo ng characters nila. Yung isa [character ni JLC] pala-smile, madaldal.”

Sino ang matuturing niya na mas magaan katrabaho pagdating sa pagha-handle ng kanilang mga scenes?

“Alam mo yung dalawa, parehong excellent actors. Ang suwerte ko na nga na magkakasunod na magaling na leading men ang nahawakan ko.”


ON DIRECTING LA GRETA. Marami ang bumilib sa obra ni Direk Chito ang The Trial. Isa sa kinabiliban ng lahat ay nagawa nitong paartehin si Gretchen Barretto.

Komento ng award-winning director, “alam mo, in fairness with Gretchen, I always believe in her acting--Seiko Films days pa lang meron na dapat kaming pelikula na hindi natuloy.

“Nag-shooting na kami pero hindi ito natapos. Nag-back out na ako, nag-back out na rin siya. So, parang iba na.

“Sabi ko kay Tonyboy [Cojuangco, partner ni Gretchen], ako mismo personal kay nagka-cast kay Gretchen. In my next movie kina-cast ko si Gretchen kasi I believe that something very different, pero acting piece pa rin.”

Hindi kaya natatakot lang si Gretchen sa iyo kaya pinagbuti niya ang trabaho niya?

“Bakit siya matatakot? E, trabaho nya yun. And I challenged her. Tsina-challenge ko siya.”

Paano mo nagawang paartehin si Gretchen? Halos lahat ay naniniwalang wala itong maibibigay kundi ang maging conscious lang sa kanyang itsura?

“Ako, naniwala. Kilala ko kasi siya and I talked to her na ganito ang gagawin mo.”

Ano naman ang reaction ni Gretchen sa positive reviews sa kanya, nagpasalamat ba siya iyo?

“Sabi ko nga sa kanya all out effort, oh di ba? Clap-clap-clap! Not gone to waste. You were recognized. Mismong asawa niya tuwang-tuwa sa kanya. He never saw acting her like this daw.

“So, yung people around her--yung sa MTRCB ang unang tinawagan nila si Gretchen. Yung mga kaibigan niya, ang galing mo! Paanong ginawa mo? Oh, di ba? It pays off.”

Mapapaarte pa kaya uli si Gretchen kung hindi Chito Roño ang director niya?

“Hindi ko alam, basta may project kami next year.

“Hindi ko napapanood yung mga ginawa niya before.”

Ngayong napa-arte mo si Gretchen, posible kayang hanapin rin ito Kris na artista mo ngayon sa Feng Shui 2?

“Ah, I remember sa Feng Shui, Kris was nominated in Urian Awards. She can act as long as she focuses.

“Yun lang naman ang demand ko sa mga artista ko. If you work with me, you focus as an actor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN