Chito Roño admits he initially hesitated to direct Coco Martin in Feng Shui 2

Chito Roño (left) explains why he initially hesitated to direct Coco Martin in Feng Shui 2. "First time kong humawak na lalaki for a horror movie, may hesitation talaga ako before, iba kasi ang reaksiyon ng lalaki.” Direk Chito reunited with Kris Aquino for this MMFF 2014 entry.


Si Direk Chito Roño mismo ang nagpapatotoo na deserving si Kris Aquino sa titulo bilang "Queen of Philippine Horror Movies."

Si Direk Chito ang direktor ng dalawang blockbuster horror movies ni Kris, Feng Shui (2004) at Sukob (2006).

Siya rin ang direktor sa pangalawang installment ng Feng Shui na entry ng Star Cinema sa 40th Metro Manila Film Festival. Bukod kay Kris, bida rin ang ABS-CBN Primetime Teleserye King na si Coco Martin.

Bilang direktor, paano nga ba nadiskubre ni Direk Chito na epektibo bilang horror actress ang Queen of All Media?

Pahayag niya nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Feng Shui, "The only time na we found out that she can really manage this kind of characters, is the drive of the person to be better, to have a better life.

"And, to achieve something, she... 'tapos may mga kumokontra from other forces, so, parang it became perfect for her.

"At saka, ang core ng character niya ay yung being a mother, and that made her very effective sa unang Feng Shui.

"This time, she has to survive, she has to move on, she has moved on to a better place after the tragedy ten years ago, and her joy is to fight again after a life na nanakaw sa kanya, o nanakawin pa rin ba sa kanya?

"I think it's perfect for Kris.

"At saka, yung maturity niya as an artist, sa pagiging aktres niya o bilang host, really helped a lot.

"The way she'd being doing her role, swak talaga sa kanya."

Dugtong pa niya, "Si Kris kasi, mas malaki ang ginagampanan niyang role as a host.

"Ang pag-a-arte talaga is only when she's free, only when she's interested sa project.

"I tried to convince her na magda-drama kami, we might do drama next year, para maiba lang."


HESITATIONS ABOUT DIRECTING COCO MARTIN. Pagdating naman daw kay Coco Martin, na first time na gumawa ng horror flick, sa una raw ay may pag-aalinlangan siya dahil unang pagkakataon din niya itong gumawa ng ganitong pelikula na lalaki ang isa sa mga bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit dahil sa mahusay na aktor si Coco, naging kampante na rin siya habang tinatapos ang movie na ito

Aniya, "Oo kasi, si Coco, inadvertent din.

"Kasi lahat naman ng suwerte o malas ay inadvertent din, dumarating na hindi mo pinaplano o inaasahan.

"First time kong humawak na lalaki for a horror movie, may hesitation talaga ako before, iba kasi ang reaksiyon ng lalaki.

"Pero, sabi ko nga, every project is a learning experience kasi, hindi ka puwedeng maging expert everytime.

"With Coco, he's already a very good actor to start with.

"Nahirapan lang ako nung una kasi, hindi nga talaga siya sanay sa horror genre pero, ang gusto ko kay Coco, siya ang may gustong magkaroon ng isang horror genre.

"It was a challenge for us, to put a lead actor sa isang horror movie nga pero, pinatunayan ni Coco na kaya pala niya."

Samantala, siya naman bilang direktor ay may reputasyon siya bilang isang istriktong direktor.

Hindi lamang isa o dalawang artista ang nagsasabing pinaghuhusayan nila ang kanilang trabaho sa takot na mapagalitan niya.

Ano ang masasabi niya rito?

Saad ng award-winning director, "Sa akin kasi, I already have this rule, or this reputation na you should come prepared.

"This is a job--there are responsibilities, and there are consequences.

"So, parang kung hindi ka handa, o hindi mo alam ang ginagawa mo rito, o ang feeling mo, e, arti-artista lang, 'di mo sineseryoso, aba, kawawa ka talaga sa akin.

"Kasi, I demand more, parang ganun.

"Kung artista kang seryoso, maa-appreciate mo, maiintindihan mo kung ano ang pinagdaanan namin."

Dugtong pa niya, "Ako kasi, I don't look at actors as personalities.

"I look at them as individuals who want to perform, who want to act a part, and I know that they are there and satisfied if they perform well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sometimes, kung ayaw pala nilang maging artista, 'ta-artis' lang sila, dun kami nagkakagulo.

"I have no respect for these people."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN