Vice Ganda on Praybeyt Benjamin 2 co-star Richard Yap: "Nakakatawa talaga siya nang hindi mo inaasahan."



Dalawa ang nakuhang trophies ni Vice Ganda sa 28th Star Awards For Television na ginanap sa Grand Balllroom ng Solaire Resort and Casino kagabi, Linggo, November 23.

Siya ang itinanghal na Best Male TV Host para sa It's Showtime at Best Celebrity Talk Show Host for Gandang Gabi Vice na nanalo namang Best Celebrity Talk Show.

Sa Best Male TV host category ay tinalo ni Vice ang iba pang nominadong sina Billy Crawford (It's Showtime), Luis Manzano (ASAP 19), Joey de Leon (Eat Bulaga), German Moreno (Walang Tulugan), Martin Nievera (ASAP 19), at Vic Sotto (Eat Bulaga).

Sa Best Celebrity Talk Show Host naman ay naungusan ni Vice Ganda ang iba pang nominees kung saan kabilang sina Boy Abunda at Kris Aquino (Aquino & Abunda Tonight), Kara David (Powerhouse), Janice de Belen (Spoon), Ryzza Mae Dizon (The Ryzza Mae Show), Gladys Reyes (Moments), at Anthony Taberna (Tapatan Ni Tunying).

Para kay Vice, isang doble at maagang Pamasko para sa kanya ang dalawang awards na napanalunan mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC).

Pagkatapos ng awards night, natanong tuloy siya ng mga nakausap na miyembro ng media kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ba ang plano niya this Christmas.

“Magpa-Pasko ako sa Pilipinas. Pero Bagong Taon baka sa Dubai kasi meron akong trabaho doon.

“May countdown akong a-attend-an doon. So do’n ako magtatrabaho.

“E ‘yong nanay ko hindi naman umuuwi. Nasa Amerika.

“Feeling ko naman, magiging masaya ako ngayong Pasko. Ang regalo ko sa sarili ko at sa lahat ng tao sa Pasko ay ‘yong Praybeyt Benjamin Part 2,” banggit niya sa comedy film niya na isa sa entries sa Metro Manila Film Festival sa December.

“Gusto kong ma-achieve nang bongga ‘yon. Kasi kapag nakita kong maganda ‘yon, ikasasaya ko nang husto sa Pasko, at maraming magiging masaya.”

Ano ba ang mga aabangan sa Praybeyt Benjamin 2 na wala sa Part 1?

“Una, si Richard Yap… nakakatawa!

“Surprisingly tawang-tawa ako sa kanya. Niloko ko nga siya, e.

“Sabi kong gano’n… natatakot ako na baka matapos ang pelikulang ito na mas nakakatawa ka sa akin, ha!

“Kasi nakakatawa talaga siya nang hindi mo inaasahan.

“Si Alex Gonzaga, kasama rin sa pelikula. Saksakan din siya ng [kikay at kuwela].

“Oo. Kung anu-ano ang naiisip ni Alex!

“Sabi nga ng direktor namin [Wenn Deramas]… hindi ko ma-imagine, meron kayang pelikulang ganito na kung anu-ano ang nangyayari sa script?

“Kasi kapag pinagsama-sama na kayo, naiiba na. Kaming tatlo [nina Sir Chief at Alex] kanya-kanya na kami ng… kung anu-ano na ang ipinapasok namin dun sa mga eksena.

“Naiiba na ‘yong mga eksena. Pero hinahayaan lang ng direktor kasi masaya.

“Tapos may Bimby pa,” pagtukoy ni Vice sa child actor na anak ni Kris kay James Yap.

Goal ba nila na mag-top grosser sa MMFF 2014?

“Siyempre goal mo… lahat naman, lahat ng tao goal mag-succeed, di ba?

“Pero ‘yong pressure, kailangan i-take mo nang positibo sa sarili mo. Hindi ka puwedeng kainin ng pressure, di ba?

“Kailangang maging inspirasyon ‘yong pressure. At saka, alam naman ng Diyos kung ano ang intensiyon namin sa proyektong ito.

“Di ba? Kaya hindi ka pababayaan ng Diyos.”

Sa pinagbidahan niyang Girl, Boy, Bakla, Tomboy last year, nakuha niya ang Best Actor trophy sa PMPC Star Awards For Movies. Umaasa rin ba si Vice na makakakuha rin siya ng acting recognition para sa Praybeyt Benjamin Part 2?

“Hindi iyon ang goal ko, e. Pero kung maibibigay, why not?”



ON COPING WITH SADNESS. Malayo na ang narating ni Vice Ganda.

Hindi lang siya basta popular kundi ubod na rin ng yaman.

Pero sa kabila nito, may pagkakataon na dumadaan ang komedyante sa matinding kalungkutan.

“Alam mo kahit hindi naman siguro ako artista o wala ako sa estadong ito, normal lang naman na maging malungkot.

“Sa lahat ng tao, normal lang naman na maging malungkot. Huwag lang masyadong matagal.

“Kailangan mas mahaba pa rin ‘yong masaya ka kaysa sa malungkot ka. Normal lang ‘yon.

“Hindi ko hinahayaan na malungkot ako nang matagal. Kasi nga, hindi ako makakapagpasaya kung wala akong baon.

“Di ba? Wala kang maibibigay kung wala kang dala. Kaya dapat masaya ako lagi.”

Hindi ba siya nakikipag-date sa ngayon? Wala ba siyang ini-entertain na sinuman na posibleng sunod na makapagbigay sa kanya ng intimate friendship?

“Nahihiya ako kapag ganyan ang mga tanong!” astang pa-girl na biro ni Vice.

“Nakakababae masyado! Di ba?” tawa niya.

“Baka mamaya pag-uwi ko, hanapin ko kung saan ako nagka-hiwa bigla!” napahalakhak na ending na pahayag ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN