Joyce Bernal believes she developed a crush while working with Vic Sotto: “Meron siyang dating na naiilang ako.”

Bb. Joyce Bernal on working with Vic Sotto in the Prinsesa episode of My Big Bossing: “Na-intimidate ako sa kanya. Meron siyang dating na naiilang ako.”


Maraming special effects na ginamit si Bb. Joyce Bernal para sa Prinsesa episode ng pelikulang My Big Bossing na dinirehe niya. Isa ang My Big Bossing sa mga official entries sa 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Ang nasabing episode na pinagbibidahan ng tandem nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon, ay ginawa lamang ni Bb. Joyce sa loob ng labintatlong araw.

May dalawa pang ibang episodes ang My Big Bossing kung saan si Vic at Ryzza Mae rin ang bida: ang Taktak at Sirena, na idinirehe naman nina Marlon Rivera at Tony Reyes. Si Bb. Joyce ay isa rin sa mga producers ng pelikula.


A FIRST FOR BB. JOYCE. Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bb. Joyce, sinabi nitong ang episode niyang Prinsesa ang may pinakaraming special effects kaya naman kinakailangang maunang matapos ang sa kanya.

Bilang first time niya sa production ng M-Zet Films, aminadong nailang si Bb. Joyce kay Vic.

Saad pa niya, “Hindi ko alam, e, na-intimidate ako sa kanya. Pero wala naman siyang ginagawa, mabait naman siya."

Dagdag pa ni Bb. Joyce may pagkakataong nate-tense siya kung minsan na kausapin ang lead actor. "Parang...ayoko nang masyadong makipag-usap sa iyo, baka kasi lumabas na crush kita. Parang hindi mo na alam ang gagawin mo. So, huwag na lang tayong mag-usap, parang gan'on.”

Hindi kaya dahil mukhang masungit at seryoso si Bossing Vic?

“Hindi. Mabait siya talaga. Nagju-joke siya. Pero meron siyang dating na naiilang ako. Yun bang, anong sasabihin ko dito? Baka may sabihin ako na lumabas na crush ko siya.”

First time bang maramdaman ng direktor ang ganitong kakaibang feeling sa artista niya sa isang pelikula?

“Well, si Nora Aunor naman nakakasira ng bait yung presence. Siguro first time ko sa lalaking artista na hindi ko alam ang gagawin ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



A CRUSH ON BOSSING?
Paano naman kaya ang pakikipagtrababaho ni Bb. Joyce sa kanya bilang direktor at artista?

“Medieval time [kasi ito]. Prinsesa, prinsesa. Nag-iisip ako kung paano ko ba paghahandaan ito kay Bossing. Bibigyan ko ba siya ng character?

“Pero medieval, e. Walang back story. So, hindi ko alam kung paano. Pagkakita ko sa kanya, in-explain ko. Baka may iba siyang notion ng medieval, pero gusto ko bossing pa rin siya.”

Inamin rin ni Bb. Joyce na nahirapan siyang pagsamahin ang pagiging Bossing ni Vic sa set at ang karakter na kailangan nitong i-portray.

“Nanonood ako ng Eat Bulaga pero hindi yung pag tanghali manonood ako? Hindi. I don’t really know kung ano yung ginagawa niya sa Eat Bulaga.

“Meron raw silang portion ni Ryzza Mae. Hindi ko alam yung banter nila. Hindi ko alam kung paano nanalo si Ryzza. Wala talaga akong ideya.

“Ang alam ko lang sa kanya [ay parte siya ng] Tito, Vic, and Joey.”

May impression kasi kay Vic sa paningin ng movie industry na nagiging generic yung character ni Bossing Vic sa lahat ng pelikulang ginagawa niya dahil nga sa image niyang parang ayaw niyang lumabas sa comfort zone niya bilang bossing.

Komento ni Bb. Joyce, “Ganun pa rin. The way it was written, it was really cut out for Bossing and Ryzza. Yung paartehin, wala doon sa script yung may need for character na magbibigay ka ng character analysis na makakapagbigay ka ng research material.”

Sa kuwento ni Bb. Joyce, isang manggamot sa kaharian ng Bouganville si Bossing Vic. Nang ipatapon ang anak ng Reyna, kinupkop ito ni Bossing, at pinalaki sa piling ng isang pipi sa babuyan.

Bakit nasabi ni Bb. Joyce na crush niya si Bossing?

“Noong time na matagal na, parang crush ko siya. Tapos nakipag-meeting, tapos parang bakit ganito yung feeling. Papunta na dun sa parang nagpapa-cute ka na. Ay, parang crush ko yata si Bossing?

“So, doon ko talaga na-realize,” dagdag ni Bb. Joyce.

Patuloy pang testimonya ni Bb. Joyce, “Hindi ko talaga crush si Bossing, e...hoy, sa iyo ko lang to sinabi, ha?! Nahiya nga ako sa sarili ko, e.”

Ano kaya ang malakas na pang-akit ni Bossing Vic sa mga babaeng gaya ni Bb. Joyce?

“Siguro yung pagiging mysterious niya. Alam mo yung very confident siya sa sarili niya. Iniisip ko nga, bakit niya ginagawa yun?

“Wala namang pakialam sa sarili, hindi naman nagpapaguwapo, pero very confident. [Nakita ko rin yung] passion niya, yung tingin niya kay Ryzza, yung alaga niya, yung love niya kay Ryzza.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



UP NEXT FOR BB. JOYCE. Nagpahayag ng kanyang pagnanais na gumawa ng isang magandang all-out drama movie ang award-winning at romantic comedy director na si Bb. Joyce.

Bagamat napatunayan niya ang husay niya sa action at drama nang humakot ng award ang 10,000 Hours na dinirehe niya at pinagbibidahan ni Robin Padilla na kalahok sa MMFF 2013, ninanais pa rin raw nitong gumawa nang isang all out drama na pang-award.

Sambit niya, “Gusto ko talaga.”

Sa panayam ng PEP.ph kay Bb. Joyce, inamin nitong matagal na niyang gustong gumawa ng drama project.

Saad niya, “Karamihan kasi ng mga gumagawa [ng drama project], Star Cinema. Hindi naman ganoon ang ibinibigay nila sa akin. Eto ngayon, kunwari sa Spring Films, kailangan muna naming kumita bago namin i-produce,” banggit niya sa film outfit na joint venture nila nina Piolo Pascual at Erick Raymundo.

“Pero we have a material for that. It’s with Piolo. So, next year – kausap namin siya– na-commit namin siya for that. Gagawa siya ng movie, at ako ang magdidirek.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN