Jasmine Curtis Smith on Bonifacio co-star Daniel Padilla: "Kailangan alam natin kung hanggang saan tayo."

Jasmine Curtis Smith says about working with Bonifacio co-star Daniel Padilla (rightmost): "Wala namang nagbago sa kung paano ko kausapin si Sam [Concepcion, her boyfriend] or kung paano ko kausapin si Daniel." They are joined in this photo by RJ Padilla, Daniel's half-brother (middle).


Historical film ang 2014 Metro Manila Film Fest entry ni Robin Padilla na Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Pero ang role ni Jasmine Curtis sa pelikulang ito ay wala sa nakaraan kundi nasa present generation.

“Ako si Andrea, isang estudyante na kagrupo sina Daniel [Padilla] at RJ [Padilla]. Group kami na magri-research sa museum tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio,” kuwento ni Jasmine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, November 30.

Dumalo ang mga Bonifacio cast members sa free concert na HIMIG-sikan: A Concert for Bonifacio na ginanap sa Bonifacio Monument Circle sa Caloocan.

“Kami nina Daniel at RJ ‘yong sa modern day. Tapos sa past naman ay sina Tito Robin at Ms. Vina [Morales] na siyang gumaganap na Andres Bonifacio at Oriang [Gregoria de Jesus, asawa ni Andres].

“Tapos si Sir Eddie Garcia, siya ‘yong magkukuwento sa amin ng buhay ni Andres. Habang ikinukuwento niya, do’n na… ipapakita na sina Tito Robin at Ms. Vina.

“I think my role here is lighter compared to what I’ve done before. Pero maganda ‘yong breather na ‘yon kasi ang hirap naman na puro na lang mabibigat ‘yong ginagampanan ko.

“Sa nakita ko sa trailer ng pelikula, ‘yong pagkakagawa in terms of lighting at ‘yong camera pati ‘yong pagposisyon ng mga angles at shots. Ano siya… very high-end.

“Kumbaga, sobrang polished niya. Sobrang ganda ng pagkagawa na nakaka-excite na mapanood siya.

“Kasi siguro, ang takot ng tao ngayon kapag gumagawa ng pelikula is kung magkano ang gagastusin. Pero dito, hindi natakot na gumastos ‘yong produksiyon.

“Para talagang true to life ‘yong mapapanood, sobrang devoted lahat ng taong gumawa ng pelikulang ito. Para mapaganda ‘yong pelikula.”

How is it doing a project na Robin ang bisa at kasama ang iba pang miyembro ng pamilya na sina Daniel, RJ, at Rommel Padilla?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang magaan lang po silang katrabaho. Kasi kapag hindi kami nagru-roll [acting in front of the camera], tambay lang kami, usap-usap lang.

“At saka ano, may sari-sarili rin kaming mundo. From time to time, matutulog ako tapos sila nagkukuwentuhan. Or sila din gano’n, matutulog tapos ako naman nakatambay kasama ang manager ko.

“So… ‘yon, masaya po siya. Kasi wala namang ano e… awkward or weirdness between us.”

Hindi man siya nagkaroon ng eksena with Robin, may pagkakataon naman daw na kasama nila ito sa location.

“Sinuportahan po niya kami gaya no’ng nag-shooting kami nina Danile at RJ. Nando’n siya, nakatutok din po siya.

“Lagi niyang kausap ‘yong director naming. So talagang sobrang involved po ni Tito Robin sa pelikula.”

May pressure ba dahil may malalaking entries din sa MMFF 2014 gaya ng pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto na makakabangga nila hindi lang sa awards kundi sa takilya rin?

“Of course, may pressure din po. Pero ang maganda po sa grupong ito is that… at the end of the day, ang gusto lang naman po naming na ibigay sa mga tao ay ‘yong totoong istorya ni Andres Bonifacio.

“Which is… siya ang unang pangulo…na hindi siya nagtraydor sa bayan kaya siya ipinapatay.

“At saka ang alam din naman ng tao is that… ang unang Pangulo natin ay si Emilio Aguinaldo. Pero dito ay maipapaliwanag kung bakit si Andres Bonifacio talaga ang nauna.

“At ni-research pa po talaga ‘yan nina Tito Robin. Talagang pinag-aralan nila ‘yong buhay ni Bonifacio.

“At kahit naman may pressure na may malalaking pelikula kaming kalaban na may malalaki ring pangalan sa cast, ano lang… more than kita, more than box office hit, it’s more of sharing the good news about the life of Andres Bonifacio.

“Malaking parte siya talaga ng rebolusyon ng Pilipinas. More than what we learn in school.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ON WORKING WITH DANIEL PADILLA. Naging sweet ba si Daniel sa kanya noong panahong nagsu-shooting sila?

“Hindi po. Ano lang… kaibigan.”

Hindi ba sila nailang sa isa’t isa dahil sa naging kontrobersiyal na audio recording issue kay Daniel na dawit nga ang pangalan niya?

“Ay, hindi po. Kasi pagkatapos naman po no’n, kaming lahat na na-involve do’n sa issue na iyon, sinubukan naming kausapin ang isa’t isa para malinaw na ‘yon.”

Walang naging anumang pagbabago sa samahan nila ni Daniel matapos ang audio recording issue?

“Sa akin po wala naman. Wala namang nagbago sa kung paano ko kausapin si Sam [Concepcion, her boyfriend] or kung paano ko kausapin si Daniel.

“So… maayos naman lahat sa akin.”

Si Daniel, hindi ba nailang na makasama siya sa trabaho matapos ang audio recording issue?

“Parang hindi naman po. Okay lang naman po siya.

“Magaan lang. Steady lang.”

No’ng kasagsagan ng issue, anong sinabi ni Sam sa kanya?

“Ano lang po… siyempre tinanong niya ako kung ano ba talaga ang nangyari. No’ng nagkuwento ako, ayon naman… nakinig naman siya sa akin kung ano ang mga sinasabi ko.

“So… maayos talaga. As in wala, nilagpasan lang namin siyang gano’n.”

Pinag-usap ba niya sina Sam at Daniel?

“Sabi ko na lang… kung paano niya [Sam] gustong i-handle, sa kanya na ‘yon. Pero sa pagkakaalam ko, parang nagkausap sila ng saglit no’ng nakaraan sa isang event na magkasama sila.”

Okay na sina Sam at Daniel?

“Mukha naman po.”

Sa nangyari, naging lesson na raw kay Daniel na huwag basta-basta magtitiwala kahit sa mga kaibigan pa nito.

Si Jasmine kaya, ano kaya ang natutunan from it?

“Sa akin naman po kasi, wala naman akong nakitang ano, e… mali sa ginawa ko. Nakikipagkilala lang po ako sa mga tao na katrabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So more than anything ang natutunan ko… kung paano ko i-handle ang sarili ko sa mga gano’ng klaseng situwasyon. Kasi siyempre, ang daming affected no’ng panahon na ‘yon.

“Na… mga fans. Mga kaibigan namin.

“Kailangan composed ka. Kailangan alam mo kung ano ba talaga ‘yong nangyari.

“Kung dapat bang may maramdaman kang guilt. Or deadma ka lang.

“Alam ko kung saan iposisyon ‘yong sarili ko. So iyon lang siguro ang pinaka-natutunan ko.”

Nagkaroon ba siya ngayon ng limitasyon sa pakikiharap o pakikisama kay Daniel?


“Oo naman po.

“Parang kay RJ [Padilla, half brother ni Daniel] din po. Or kung sinumang lalaki na kaibigan ko lang.

“Siyempre kailangan alam natin kung hanggang saan tayo.

"May respeto kasi… si Daniel may Kathryn [Bernardo].

"Si RJ may girlfriend din.

“So ayoko rin naman na… alam mo ‘yon? Ako ‘yong nando’n sa bad side o ako ‘yong ibang babae, di ba?

At saka may Sam din sa buhay niya na puwede ring maapektuhan?

“Exactly, di ba? Ayoko namang bastusin si Sam na… gano’n.

“Respeto lang. Di ba?”

Dahil sa nangyari, naranasan niyang ma-bash nang husto ng mga Kathniel fans. Nakaka-trauma ba?

“Ano lang po… iniintindi ko na lang talaga ang nararamdaman nila. Kasi siguro kung araw-araw kong susubaybayan ang isang loveteam din, araw-araw kong dadamdamin ‘yong nararamdaman no’ng dalawa… kapag may nangyaring gano’n nakakasakit din po ‘yon.

“So hinayaan ko na lang sila, Kasi ano naman, e… may sarili din naman akong mundo, may sarili din ako buhay.

“Kumbaga, trabaho na lang ‘yon.”


CHRISTMAS PLANS. Paano siya sinuportahan ng Ate niyang si Anne Curtis sa ganitong pinagdaanan niya?

“Ipinaalala lang niya sa akin na… o, nandito lang ako, trabaho lang ‘yan, intindihin mo na lang, ganyan-ganyan.

“So ‘yon. Mas naging magaan sa pakiramdam ko na okey lang ito. Kaya ko naman ‘to, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ‘yan dapat na makaapekto sa trabaho.”

At this point ng buhay niya, parang wala na raw maiwi-wish pa si Jasmine dahil parang nasa kanya na naman lahat. Magandang ang takbo ng kanyang career at masaya ang estado ng lovelife niya.

“Oo. Ang mahihiling ko na lang siguro… magpatuloy lang ‘yong ganitong masayang buhay.”

Ano ba ang Christmas plan niya for this year?

“Hindi pa kasi ako sure kung uuwi ako ng Australia or dito. Pero if ever, kasama ko naman ang mama ko or ang papa ko for either option.

“Si Ate [Anne Curtis], mauuna na sa Australia. Do’n talaga siya magpa-Pasko.

“Hindi ko pa sure kung kailan ang alis niya. Basta bago mag-Pasko nando’n na siya.”

Sakaling dito sa Pilipinas siya mag-Pasko, ano ang balak nman nila ni Sam?

“Hindi ko pa rin po alam. Siguro sasamahan niya na lang ako sa bahay ng Papa ko. Pero kung sa Australia ako, dito siya kasama ang pamilya niya.

“Siyempre kapag Pasko, priority ang family. Alam naming pareho ‘yon,” panghuling nasabi ni Jasmine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN