Mulat actress Loren Burgos describes her "instant bonding" with co-stars Jake Cuenca and Ryan Eigenmann

Loren Burgos is the leading lady of Jake Cuenca (bottom frame) and Ryan Eigenmann in the MMFF New Wave entry Mulat. While shooting this love story with a twist, Loren requested for "instant bonding on the set" with her co-stars.


Dream come true para sa newcomer na si Loren Burgos ang maging bida sa indie film na Mulat.

Ito ang isa sa five entries ng 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) New Wave Category na mapapanood mula December 17 to 24, 2014 sa SM Megamall at Glorietta 4 cinemas.
Aminado si Loren na malaking break sa kanya ang pelikulang Mulat kaya sobra ang pasasalamat niya nang siya ang mapili rito.
“Actually isinulat ko po ito sa diary ko last year ng 2013: ‘Will be in a movie as lead actress in 2014.’ Kaya sobrang dream come true po ito sa akin!
“Sobra po akong na-excite at nagpapasalamat kay Lord, kasi napakabait po Niya sa akin,” saad ni Loren nang makapanayam ng PEP.ph sa launching ng MMFF New Wave Category sa Passion Restaurant ng Resorts World Manila.
Sinabi ni Loren na nag-audition siya para sa pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Diane Ventura at tinatampukan din nina Jake Cuenca at Ryan Eigenmann.

Ang karakter ni Loren ay malapit nang ikasal sa longtime boyfriend niya (played by Ryan Eigenmann) ngunit nagkaroon siya ng panaginip na nakapagpabago ng kanyang isip. Magkakaroon siya ng pagkakataon na makilala si Jake na sa tingin niya ay soul mate niya. Ngunit may "strange mental affliction" si Loren na maaaring makapagbago ng kanyang buhay at mga buhay ng mga tao na nakapaligid sa kanya.

Last November, nanalo ng Best Actor trophy si Jake at tinanghal bilang Best Director Global si Diane Ventura sa International Film Festival Manhattan (IFFM) na ginanap sa New York.


(Read: Jake Cuenca, Liza Diño named Best Actor and Best Actress at IFFM in New York)



ON THE SET OF MULAT. Paano ba naging bahagi si Loren ng pelikula ni Direk Diane?

“Nag-audition ako para sa Mulat. I got the audition through my commercial agency. I was signed with Star Magic pero hindi ako masyadong active sa kanila.
“I think it’s because they prioritize their many well-known actors. Pero I still love my Star Magic family, super-bait ang mga nagwo-work doon.”
Paano mo ide-describe ang movie na Mulat at ang co-stars mo dito?
Mulat is a story about a young woman's self-discoveries, her contrasting intimate relationships with two men, and her perceptions of reality.
“Sina Jake and Ryan, they are both professional veteran actors and I am extremely blessed to have been given the chance to work with them. Kasi, I’m still a new, upcoming actress.
“Ang galing nilang dalawa! Plus, madali silang mapakisamahan. Kaya super suwerte ko na kahit bago pa lang akong actress, nakasama ko na ang dalawang napakahusay na actors sa Pilipinas.”
Sinabi rin ni Loren na sobrang kaba niya noong unang shooting day nila dahil bukod sa newcomer pa lang siya, ay magagaling ang mga kasama niya sa movie.
“Kinabahan talaga ako, kasi hindi ko sila kilala before kami nag-shoot. So, kailangan namin mag-instant bonding when we met minutes before we started shooting for our film.
“Sobrang nerbiyos ko noon, alam naman kasi natin na magagaling na actor yung dalawa. Actually, noong nag-start kami ng shooting, ni-request ko sa kanila na kahit sandali ay magtabi-tabi lang kami. Parang instant bonding of sorts,” nakatawang saad niya.
“Kasi, gusto kong ma-feel lang na heto na talaga iyon, na magkakatrabaho na kami. Also, I was having self-doubts na baka hindi ko matapatan yung acting level nila.
“Sobra kasi akong na-stress before we started shooting. We didn’t have any rehearsals because Jake and Ryan were both busy. So, I was worried na maging awkward ang acting namin or if halata na hindi talaga kami magsyota, kasi kakakilala lang namin noon, e.”





IMPRESSED WITH DIREK DIANE. Nagpahayag din ng paghanga si Loren sa kanilang lady director sito sa Mulat.
“Bilib na bilib,” saad niya patungkol kay Direk Diane. “She is a hard working and courageous woman! I admire her for being fearless, and not only is she beautiful on the outside, ang ganda pa ng personality niya.
“She can get along with anybody. Sobrang supportive niya sa akin during our shoot and most importantly, she believed in me.”

MORE TO LEARN. Ano ang reaction mo kapag sinasabi na kamukha mo si Dawn Zulueta?
“Well, sobrang flattered po ako, kasi ang ganda-ganda ni Ms. Dawn.”
Plus point ba ito para sa iyo dahil newcomer ka pa lang?
“Her beauty is timeless talaga, pero compared kay Dawn, baka hanggang paa lang niya ang beauty ko,” nakangiting sagot pa ni Loren.
Ano ang comment mo sa mga nagsasabi na kayo raw ni Zsa Zsa Padilla ang maglalaban sa Best Actress dito?
“Naku, hindi ko po iyon iniisip! Ang galing-galing ni Ms. Zsa Zsa kaya hindi pumapasok iyon sa isip ko.
“First movie ko pa lang ito. Madami pa akong kailangan matutunan at matuklasan tungkol sa sarili ko para maging magaling at effective na actress. Iyon ang goal ko po.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN