Derek Ramsay on shooting kissing scene with Jennylyn Mercado: "Ako ang nag-buckle, hindi ko kinaya."

Derek Ramsay admits that he felt "kilig" while shooting scenes with Jennylyn Mercado. "Actually, pati ako kinilig sa eksena when we shot," admitted the hunk actor.


Halata kung paano magkuwento ang TV5 actor na si Derek Ramsay na masaya ito sa pagkakagawa niya ng romantic comedy na English Only, Please.

Kadalasan kasing ginagawa ng actor, kung hindi drama ay action.

Directed by Dan Villegas, ang English Only, Please ay ang official entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival ngayong 2014.
Nakausap ng PEP.ph si Derek sa presscon ng The Amazing Race Philippines Season 2 na nakatakdang magtapos ngayong Linggo, December 7.

Nang tanungin si Derek tungkol sa pelikula nila ni Jennylyn Mercado, aniya, "We’ve been really working hard on that at sobrang ganda ng feedback."
May pressure ba sa kanya bilang isa itong official entry sa MMFF 2014?
"I don’t think about that, for me, it’s not really a competition. Gumawa kami ng magandang proyekto. I know Jennylyn delivered, the whole team delivered."
May pumuri nga sa trailer ng pelikula na maganda.
"Yung trailer maganda, pero minsan yung trailer lang but this movie, this is really, really funny and kaya ko palang mag-rom com, sabi nila. Marami kaming kilig moments.
"Sabi nga nila, pang-patayan, pang-The Janitor, medyo off nga. Doon nagmumura ko, dito—actually, pati ako kinilig sa eksena when we shot.

"I did so many torrid kissing scenes [in the past] and really romantic ano na, action, okay, tapos na.
"Pero, first kissing scene namin ni Jennylyn dito, ako ang nag- buckle, hindi ko kinaya," natatawang sabi niya.
Dahil hindi siya sanay sa cute o pakilig lang na kissing scene?
"Pa-cute, e. Parang nakilig ako sa eksena na, ano ‘to, kadiri, time-out! Cut!" natatawang lahad niya.
"Tapos sabi ni Direk, 'Namumula ka Derek, namumula ka.' Sabi ko, e, nakakakilig ang eksena. Nakakadiri. Cheesy, e! E, sa iba, sige, let’s do it, action! Kami ni Anne [Curtis], Cristine [Reyes]."
Hindi naman nawawala sa bawat nagkakaparehang artista ang pagli-link sa kanila. Sa kanilang dalawa ni Jennylyn, pareho rin naman silang walang sinasabi pang mga ka-relasyon nila.
Ayon naman kay Derek sa kanyang leading lady na si Jennylyn, "You know, she’s wonderful.
"Sayang, showbiz siya, e," nakangiting sabi niya.
Talaga bang may ganoon na siyang limitasyon, hindi na puwedeng showbiz personality ang magiging ka-relasyon niya?
"It’s my rule. I made a rule but if she wasn’t showbiz, I don’t know..." saad niya.
Dugtong pa niya, "She’s a really nice girl. She’s a big star from GMA and we just hit it off. We’re really comfortable na nga with one another na kapag bad mood siya, bad mood talaga siya sa akin.
"You really have to stay away, okay, dito muna ko. Hindi siya plastic."
Natawa naman si Derek nang tanungin namin kung sino ba yung mga plastic para sa kanya.
"Alam mo naman ako, masyado akong honest, huwag mo na akong tanungin."
ON SHIFTING TO ROM-COM. Para sa isang guy na tulad ni Derek, hindi usual para sa kanya na gumawa ng romantic-comedy project.
Hindi ba siya nahirapang ilabas ang comedy side niya?
"We just had so much fun. Nahirapan akong balikan yung hindi ako marunong mag-Tagalog. Sa sobrang practice ko na mabaluktok ko ang trabaho ko, hindi ko ma-voice-over ang Amazing Race.
"Ang tagal kong mag-voice over kasi, talagang lahat ng natutunan ko, nababaligtad ko, may twang, so when I got to the role, inaral ko talaga. Talagang I practiced para hindi siya peke. Ayoko ng pilit.
"Yung naapektuhan, yung nagbo-voice over sa akin sa Amazing Race. Kasi, babasahin ko lang, isang oras. Buckle ako ng buckle," natatawang kuwento niya.
Tuwing may makakasamang pelikula sa MMFF, isa sa kritikal palagi at inaabangan ay kung anong pelikula ang papasok sa Top pagdating sa box-office.
Bawat isa ay nagsasabing sana pang-number one or number two.
Sa palagay niya, saan kaya ang English Only, Please nila ni Jennylyn?
"I haven’t given it much thought. Yung response ng mga tao sa teaser, ang laki na. Then, we came up with the whole trailer, nagkaroon nga ako ng DerJen. Yung loveteam namin, sabi ko, wow, at my age, meron akong ganun, I’ve accomplished something," natatawa niyang sabi.
Dugtong pa niya, "May mga DerJen-DerJen pa. Sabi ko nga, mas maganda kung JenDer. Then, the fans of Jen are very supportive and my fans are very supportive and we gained a lot of fans just the trailer and the teaser.
"Mabibigat ang mga kalaban namin.
"We have Vice Ganda, Kris Aquino, Bossing [Vic Sotto] of course. Robin Padilla and then we have Dingdong [Dantes] pa, yung Aswang. I think, this MMFF has the best material in a long time, so, basta kumita yung movie, I’ll be very, very happy."
Ang director ng English Only, Please na si Dan Villegas ang siya ring director ng comedy film na Here Comes The Bride.

Kinumpirma naman ni Derek na sasakay siya sa float at sasama rin siya sa MMFF parade.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN