Ryzza Mae Dizon believes My Big Bossing will lead in the box-office: "Absolutely! Without a doubt!”

When teased about who is the better actor—My Little Bossings' Bimby Yap or My Big Bossing's Alonzo MuhlachRyzza Mae Dizon smiles and says she would like to keep her private life private. Aleng Maliit gets to play her dream role as a mermaid in her MMFF 2014 entry My Big Bossing. Aside from playing a sirena, the child actress will also portray a princess and a spirit medium in this th


Sa tatlong episodes ng My Big Bossing, gaya ni Vic Sotto ay tatlong magkakaibang characters din ang ginampanan ni Ryzza Mae Dizon.

Kaya naman sinasabi ng bibong child actress-TV host na sobrang na-challenge siya sa pelikulang ito, na isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Sa unang episode na Sirena na idinirehe ni Tony Reyes, si Ryzza ay isang batang nag-wish na maging sirena ang role niya.

Sa ikalawang episode naman na pinagamatang Taktak, isang batang nakakakita ng mga multo ang kanyang ginampanan. Idinerehe naman ito ni Marlon Rivera, at leading lady ni Vic si Marian Rivera.

Sa ikatlong episode na Prinsesa, isang gusgusing batang lumaki sa babuyan ang character niya, na sa bandang huli ay siya palang tunay na anak ng reyna, portrayed by Nikki Gil. Si Bb. Joyce Bernal naman ang nagdirek nito.



CHALLENGING ROLES AS SIRENA, PRINCESS, AND SPIRIT MEDIUM. Sa tatlong episodes na ito ng My Big Bossing, ano ang pinakapaboritong ginampanan ng nine-year-old actress?


“Pinaka-favorite ko po yung episode na Sirena,” sabi ni Ryzza Mae nang makapanayam ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Guilly’s Tomas Morato, Quezon City.

“Sunod pong favorite ko ay yung Taktak, tapos po yung Prinsesa. So lahat po paborito ko.”

Bakit una niyang paborito ang Sirena?

“Pangarap ko pong maging sirena. Gusto ko po talagang mag-swimming – yung sumisisid tapos umiikot-ikot sa tubig.

“Kaya lang po sabi nila, mukha daw po akong butanding! Kaya sa pelikula na lang po, natupad yung pangarap ko na maging sirena.”

Si Vic na mismo ang nagsasabi na napabilib ito sa kanya, dahil nagampanan ni Ryzza Mae nang buong husay ang tatlong characters niya.

Nag-i-expect ba siyang manalo ng best child actress award sa MMFF?

“Nakakahiya naman po!” nangiting sabi ni Ryzza Mae.

“Pero naiyak po ako doon sa pagpuri sa akin ni Bossing!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam n’yo po, hindi naman ako nag-i-expect na manalo ng award. Marami na po akong natanggap na awards dati.

“Ang mahalaga po ngayon, mag-enjoy kayo sa pelikula. At siyempre, gusto ko rin po ng award.

“Kapag ibibigay po, thank you po. ‘Pag wala po, thank you rin po. Mas maganda po kung meron.”

Alin sa tatlong ginampanan niyang characters siya nahirapan?

“Lahat po, na-challenge po ako. Pero una po sa Sirena, yung mga underwater na mga eksena, medyo mahirap po.

“Pangalawa po yung sa Taktak, takot po kasi ako e. Takot po ako sa kahit anong horror.

“Pangatlo po, sa Prinsesa…e, hindi naman po ako mukhang prinsesa. Kaya na-challenge po ako sa lahat.”


ALONZO MUHLACH OR BIMBY YAP? Ano naman ang naging bonding moment nila ni Alonzo Muhlach noong panahong ginagawa nila ang Prinsesa episode ng My Big Bossing?

“Lagi po kaming naglalaro, kumakain, nagsasayaw, at nagkukulitan. Kasi nga po… crush niya ako!” nangiting biro ni Ryzza Mae tungkol sa anak ni Niño Muhlach.

Kumusta siyang katrabaho?

“Naaaa… pakabait po!” tila gigil na sambit niya.

“Naaa…paka-behaved! Hindi po siya malikot, walang kalikot-likot,” tawa pa ni Ryzza Mae.

Sino ang mas cute? Si Alonzo o si Bimby Aquino-Yap na nakasama naman niya last year sa My Little Bossing?

“Ah… I want to keep my private life private!” sabay tawang pag-iwas niyang sagutin ang tanong.

Sino ang mas mabait? Si Alonzo o si Bimby?

“Uhm…gaya po ng sinabi ko kanina, I want to keep my private life private!” nakangiting huling nasabi ni Ryzza Mae.

Sa naunang press conference ng My Big Bossing, natanong ang mga bida ng pelikula kung sa tingin nila ay magiging No. 1 sila pagdating sa box-office figures.

Sinabi ng bida na si Vic Sotto na si Aleng Maliit ang sumagot sa naturang tanong.

Very confident na sinagot ni Ryzza Mae: "Absolutely! Without a doubt!”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN