Vic Sotto says Marian Rivera suited to play character na "may pagka-mataray"

In this scene, Vic Sotto shares a heartwarming moment with leading lady Marian Rivera and a spirit medium played by Ryzza Mae Dizon. Vic says Ryzza Mae Dizon took scuba diving and swimming lessons, faced difficulties for three different roles in My Big Bossing.



Hindi pa man nagsisimula ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ay marami na ang humuhulang ang entry ni Vic Sotto na My Big Bossing ang magiging top-grosser. Sa mga nakaraang MMFF ay napatunayan na naman nga ang lakas ng hatak ni Vic sa box-office.

“Masaya ako na maganda ang feeback sa pelikula kahit hindi pa ipinalalabas,” bungad na pahayag ni Vic nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Guilly’s Tomas Morato sa Quezon City.

“Mas nakakadagdag ng excitement. Excited ako kasi…hindi naman sa pagmamayabang, pero maganda yung produkto namin.

Anong pagkakaiba nito sa mga nakaraang MMFF entries niya?

“Yung last year, My Little Bossing lang ‘yon. Ito big na, e!” biro ni Vic.

“So, alam mo na ang ibig sabihin? Alam mo na!” tawa pa niya.

“E, talaga namang big! Three in one. Ngayon lang kami gumawa ng tatlong istorya sa isang pelikula," sambit ni Vic.

Ang My Big Bossing ay may tatlong episodes, na pinamagatang Sirena, Taktak, at Prinsesa. Tony Reyes, Marlon Rivera, and Bb. Joyce Bernal directed each episode, respectively.


BIG IN PRODUCTION, BUDGET, STORY, AND CASTING. Inamin din ni Vic na ang kanilang MMFF entry ngayong taon ay “big in production, big in budget, big in casting.”

Ayon kay Vic, bawat episode ay may sariling cast na hindi matatawaran.

Dagdag pa niya, “Aside from the big budget, big in story. It’s not just an ordinary patawa film.

“Maraming patawa. Importante naman yun na kailangang tumawa tayo lalo na kung Pasko.

“But what I’m so proud about with this movie is the heartwarming factor of the stories.

“Yung Sirena, ano lang iyon… pakuwela. May konting kurot.

“Pagdating nung gitna, yung Taktak…medyo umaatake na yung human interest ng tatay sa anak.

“Pagdating nung Prinsesa, iyon na… nakatodo na yung heartwarming qualities niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung character doon ni Ryzza, lumaki siya sa babuyan, e. Kung kumain, parang baboy, kasi ang paniwala niya sa sarili niya ay baboy siya.

“Although hindi naman siya mukhang baboy!” tawa na naman ni Vic.

“But she turns out to be a princess after all. Maganda yung istorya.

“So kung sa kaibahan nito sa mga nauna kong pelikula, malaking-malaki. Pati sa mga Enteng Kabisote series ko, malaki ang pagkakaiba nito."


RYZZA CONTRIBUTED TO STORYLINE OF SIRENA. Ayon kay Vic, ang nine-year-old actress-TV host na si Ryzza Mae ang nagbigay ng suggestions para sa Sirena episode ng MMFF 2014 entry na ito.

“Backgrounder lang doon sa episode na Sirena. Kung tutuusin, siya [Ryzza Mae] ang sumulat ng script nun, e. Meron kaming Vampire Ang Daddy Ko na sitcom sa GMA7, na ang director namin ay si Bibeth Orteza.

“Si Ryzza came up with a storyline na…Direk puwede ba yung maging sirena ako? Kasi nabanggit nga niya na gusto niya talagang maging sirena dahil isa iyon sa mga pantasya niya.

“E, mukha namang butanding kaya paano iyon mangyayari?” natawang biro pa ni Vic.

“E, anong gagawin mo kapag sirena ka na? Sagot naman niya, ‘Doon lang ako sa kuwarto, itatago ako ni Tito Victor [pangalan ng character ni Vic]. Lalagyan lang niya ng patis yung palanggana tapos dito lang ako sa kuwarto kaya madali lang ang taping.’

“Gagawin na sana ni Direk Bibeth, pero sabi ko huwag na, i-save na lang natin for a bigger one.

“I-develop na lang natin para full-blown na pelikula na. So pati yung mga eksena sa episode na iyon, karamihan galing sa kanya.

“Ang lakas din ng tama, e!” tawa ulit niya. “Which is very creative.”



ON HIS HARDWORKING CO-STAR. Bakit nag-decide siya na gumawa ngayon ng MMFF entry na may tatlong episodes?

“Noong una, gusto kong gawin yung Sirena. Tapos parang nagbabago ang isip ko, gusto naming gawin yung medyo may pagka-horror na pambata, walang gumagawa ng horror na pambata, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos meron namang nag-suggest na gawin naman nating fantasy na mga prinse-prinsesa na mala-Frozen.

“Kaya parang [napaisip kami]. Teka, ano ba ang gagawin natin? Gawin na lang natin yung tatlo. So ganun nagsimula yun.

“Akala ko, madali. Pero aaminin ko… mahirap.

“It was very challenging especially for this kid [Ryzza Mae]. Dahil iba-iba yung role niya, e.

“Sa Sirena, she had to undergo scuba diving lessons at mga swimming techniques. Karamihan ng mga eksenang lumalangoy siya, siya talaga iyon.

“Makikita mo naman sa bilbil, e!” tawa ulit ni Vic. “Makikita mo naman na kapag walang bilbil, hindi siya yun.”

“Tapos yung kay Direk Marlon naman na Taktak episode, may pagka-Himala yung peg niya roon. Sinuotan siya ng wig na mahabang buhok na mala-Ate Guy ang dating.

“Tapos hina-harness siya roon and all that stuff. Very, very challenging for her.

“And I am proud to say na she was able to deliver. At hindi lang basta-basta deliver, talagang todo-delivery. Magaling!

“Kumpara last year, one hundred percent ang improvement ni Ryzza. Kasi mas naiintindihan na niya ngayon kung ano yung ibig sabihin ng salitang acting.”

Kagaya ni Ryzza, tatlong magkakaibang characters din ang ginampanan ni Vic.

“Isa akong fish vendor sa Sirena, na inaanak si Ryzza. Sa Taktak, isa akong TV reporter na investigative ang tema ng beat. Tapos sa Prinsesa, ako yung doktor na nagpaanak sa ina ni Ryzza.”

Alin sa mga characters na ito ang pinakamahirap gampanan para kay Vic?

“Palagay ko yung sa Prinsesa. Kasi maraming make-up yun, tapos malalayo ang location ng shooting namin.

“Hindi naman ako nahirapan na i-portray yung role ko bilang reporter. Kasi marami na akong natutunan dahil marami akong kaibigan na journalists o reporter lalo na sa telebisyon.

“May mga kaibigan ako sa GMA-7 at sa ABS-CBN. So hindi na bago sa akin yung role na iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WORKING WITH NINO MUHLACH’S SON ALONZO. Introducing sa My Big Bossing ang anak ni Niño Muhlach na si Alonzo. Kaninong idea na ipasok ito bilang cast member?

“We needed a prince. And tamang-tama naman, lumabas si Alonzo sa Pinoy Big Brother and everybody was talking about it.

“Sabi ko, puwede bang makita in person? Baka puwede siya dun sa role na prinsipe na magiging friend ni Ryzza.

“Dinala ni Onin. At unang kita ko pa lang… aba’y mas makulit kay Niño, e. Siyang-siya.

“Aba, e, nagpasikat na! Kung anu-anong ginawa: tumula, kumanta, sumayaw.

“Ayos ‘to, ‘ika ko! Okay. So ipinaalam na namin kaagad kay Niño. At salamat naman na ipinagkatiwala niya sa amin si Alonzo.

“And parang Niño’ng-Niño nga pati sa acting. Magaling siya. Aside from the fact that he’s cute and very charismatic.”

Paano niya ikukumpara si Alonzo kay Niño noong child star pa lang ito na nakasama rin niya sa isang pelikula before?

“Iba yung daigdig ni Nino noon, e, kaysa ngayon.

“Maaga pa para magkaroon ng basis of comparison. But pareho silang charming, pareho silang malakas ang appeal sa tao.”



THE FILM’S BUDGET: TIMES THREE! Nabanggit ni Vic na talagang big budgeted nga raw ang My Big Bossing. Gaano ba kalaki ang inabot ng production cost nito?

“Times three! Para kaming gumawa ng tatlong pelikula, e. The running time [is] maybe 30 to 40 minutes per episode.

“Pero yung budget niya, wala sa running time. Makikita mo sa production design. For example, yung bahay ni Ryzza sa Taktak, ipinagawa lang ni Direk Marlon yun sa ibabaw ng bundok. Nag-construct kami ng bahay doon.

“Tapos yung mala-palasyo sa Prinsesa. Makikita mo sa production design na may ipinatayo pa kaming village na sinunog sa eksena.

“Tapos yung sa Sirena naman, yung mga underwater scenes. Tapos yung mga costume namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Times three talaga, e. Kasi times three din yung set ng directors, staff, and the cast. Hindi mo naman babayaran ng one third lang iyon."

Worth it naman daw ito, sabi ni Bossing.

“After seeing the finished product, sulit na sulit naman. Hindi ako mapapahiya. Hindi kami mapapahiya, lalo na sa mga magbabayad para manood ng sine.

“At sa tuwing may gagawin kaming pelikula, we always take it into consideration [kung] ito ba ay magugustuhan ng mga bata.

“Dati, mga anak ko…ngayon mga apo ko na, e. Iyon ang parating basehan ko. So that’s always considered kapag nag-uusap kami at nagbi-brainstorming.

Paano naman ang mas mature na audience? “Hindi naman puwedeng puro bata lang. Kasi ang bata, pang-umaga lang. Pagdating ng hapon, hindi na manonood iyon. So we have to make sure din that it will appeal to all ages – na kahit anong edad, puwede.

“And I think we were able to achieve it naman. It will be for the whole family na all ages admitted.

“Kailangan natin, masaya. Kailangan nating mag-enjoy. Kailangang ma-entertain. And let’s face it: One of the cheapest forms of entertainment pa rin ang pelikula. And this only happens once a year na magkakasabay [ipapalabas ang] magagandang pelikula. Nagkataon lang na yung sa amin ay puwede sa lahat ng edad,” dagdag ni Vic.

Siyempre pa, isa pa sa isinasaalang-alang ni Vic sa kanyang pelikula ay yung hindi lang ito nakakatawa, kung hindi kakapulutan din ng magandang aral.

“At noong pinag-uusapan naming yung istorya, nagbi-brainstorming kami nina Direk, ni-line up namin yung mga for every episode kung ano yung tatargetin natin dito?

“Yung bawal magsinungaling. Tapos doon sa isa, bawal ang tamad. Hindi puwedeng shortcut na idadaan mo lang sa wish.

“Nandun yung mga lessons to be learned. Especially yung mga young audience na… kailangan if you want something in life, you have to work for it [in such a way] na enjoy ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman puwedeng trabaho lang nang trabaho. Kailangang ini-enjoy mo rin yung ginagawa mo.

Hindi raw sila nagpapaka-preachy, pero para makuha ang mga lessons na 'yan, kailangan daw ng manonood na mag-read between the lines.



BOSSING'S CO-STARS: PERFECT FOR THEIR ROLES. Si Marian Rivera ang leading lady ni Vic sa ikalawang episode na Taktak, at si Nikki Gil naman sa Prinsesa. Paano nasama ang mga ito sa pelikula?

“Bagay sa kanila yung role. Sa episode namin ni Marian na Taktak, mga reporters kami. Tapos may TV show ako, at iniimbestigahan ko si Ryzza na nakakausap daw ang mga patay.

“Ako, ayokong maniwala kasi meron akong anak na namatay na gusto kong makausap. E, alam ko naman na hindi totoo dahil sabi ko kapag patay, patay na at hindi na bumabalik 'yan.

“Si Marian naman, siya yung executive producer ko na kaaway ko na paniwalang-paniwala kay Ryzza. Medyo may pagka-mataray ang dating. Bagay sa kanya.”

May kissing scene kaya sila ni Marian?

“Wala. Hindi na uso ngayon yun,” sagot ni Vic.

Si Nikki naman daw ay nag-fit rin sa character nito bilang reyna na magaling kumanta sa episode na Prinsesa.

“Sakto sa kanya. Merong theme song yung Prinsesa na 'Bukas Na' ang title. Siya ang kumanta nun at napakagaling naman ng kanyang rendition.

“Kami naman, nauuna kasi yung character, e. Katulad nung character ni Niño, kailangan namin ng mataba na may pagka-kontrabida na hindi mo dapat kainisan.

“Onin na Onin ang dating, hindi ba?” tawa na naman ni Vic.

“Kasi kailangan naming ng kontrabida na tipong cute na kontrabida lang. Ayaw namin yung kontrabida na isusumpa mo hanggang sa pag-uwi mo.

“Kasi alam mo na, we have to take into consideration yung mga bata. Kaya siya yung cute na kontrabida na sakto kay Niño.”

May special role rin ang girlfriend ni Vic na si Pauleen Luna sa episode na Sirena, bilang isang matandang bumabata kapag may napagbibigyan na matupad ang kahilingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya ang nag-grant ng wish ni Ryzza na maging sirena. Na yung wish, may hindi mo alam na balik o backfire sa humiling.

“Yung make up at prosthetics ni Pauleen, it takes about two hours to finish. Kasi buong mukha, ulo, at mga kamay. Very challenging din talaga. Tapos kailangang umarte ka na matanda.”

Pawang mga blockbuster sa takilya ang mga ginawa niyang pelikula. May pressure pa rin ba siyang nararamdaman dahil may iba pang malalaking entries sa MMFF na makakabangga niya?

“Yung pressure ay hindi dahil sa mga kalaban. Ang pressure ay kung paano namin maaabot yung naabot namin last year,” panghuling nasabi ni Vic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN