Derek Ramsay on Jennylyn Mercado: “In-invite na ako ni Jen na tumabi sa kanya sa kama."

Derek Ramsay describes English Only, Please leading lady Jennylyn Mercado as “Hot! Hot, hot, hot!” The hunk actor reveals: "She offered to share her bed with me, which was very sweet!"


Niyaya raw ni Jennylyn Mercado si Derek Ramsay na magtabi sila sa kama!

Pero wala namang malisya o kung anupaman ang pagyayaya ni Jennylyn na tumabi si Derek sa kanya sa kama.

Kuwento ni Derek, “First time naming magkakilala, naging kumportable na agad kami sa isa’t-isa.

“In-invite na ako ni Jen na tumabi sa kanya sa kama.

“Totoo 'yan!

“Hindi, kasi nandun kami sa isang room, sa standby area na isang kama lang ang nandun.

"So she offered to share her bed with me, which was very sweet!"


Ito ang kuwento ni Derek sa presscon ng English Only, Please na entry ng Quantum Films sa nalalapit na Metro Manila Film Festival sa December 25.

Dagdag pa niya: “Nung nag-umpisa kami, first shooting day pa lang, we hit it off.”

Ginanap ang presscon noong December 2 sa Max’s Restaurant sa Scout Tuason sa Quezon City.

Sa pelikula ay gaganap si Derek bilang si Julian Parker at si Jennylyn naman ay bilang si Tere Madlansacay.

Sa pelikula ay may eksena na naka-bathing suit lamang si Jennylyn, at aminado si Derek na kahit kinunan sila separately during the scene ay sinisilip-silip niya habang kinukunan si Jennylyn.

“We shot the scenes the same day.

"Proud na proud nga ako na ito ang first pelikula ko na hindi ako naghubad ng T-shirt,” rebelasyon pa ni Derek.

Si Jennylyn raw ang nagpa-sexy sa pelikula nila.

“So separate kaming kinukunan,” patuloy pang kuwento ni Derek.

“Pero siyempre tumitingin ako dun, ‘Ano bang nangyayari dun?’"

WORKOUT NUT. Hindi naman na raw nagulat si Derek sa kaseksihan ni Jennylyn dahil alam nito na dedicated ito sa pagwo-workout at pagpapaganda ng katawan.

“Yung pagkabaliw niya na nagpupuyat, hindi matutulog, tapos magte-training, kitang-kita naman talaga sa katawan niya.

“Kaya you can see that she’s really in shape.

“Laging tumatakbo ng alas kuwatro ng umaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Galing taping, nagba-bike, nagpi-Pilates, kung anu-ano ang ginagawa nito.

"Talo pa ako, e,”pagtukoy pa ni Derek sa kanyang leading lady.

“Nung nakita ko siyang naka-swimsuit sabi ko, ‘Hindi talaga ito nambobola, ginagawa niya talaga ang training niya.’”

Description niya kay Jennylyn habang naka-bathing suit ito, “Hot! Hot, hot, hot!”

Ang English Only, Please ay tinatampukan rin nina Isabel Oli bilang Megan, Kean Cipriano bilang Rico, Cai Cortez bilang Mallows, Isabel "Len-len" Frial bilang Kay-kay, Lyn Ynchausti- Cruz bilang Lydia, Ian de Leon bilang Toti, Jeffrey Hidalgo bilang Sol, Alex Medina bilang Dino, Alcris Galura bilang Vincent, Quark Henares bilang Choco, Jervy ‘Patani’ Dano bilang Everlhynne at Tom Rodriguez bilang si Ernest.

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Dan Villegas, na siyang director ng 2010 Cinemalaya entry na Mayohan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN