Will Sam Pinto shoot kissing scene with ER Ejercito in Magnum Muslim .357?

Sam Pinto says about her leading man ER Ejercito: "He is super-nice. He is very maalaga.” Sam's character is a Maranao princess who gets kidnapped. What are her favorite scenes in Muslim Magnum .357? “’Yong mga fight scenes. ‘Yong tumatakbo-takbo kami ni [ER] tapos may mga sumasabog. May scene din na makikipagbarilan ako. Pero hindi pa nakukunan. Pati ‘yong magtatapon ako ng mga bombs."




Si Sam Pinto ang leading lady ni ER Ejercito sa bagong pelikula nito na MM.357 (also known as Muslim Magnum .357).

Directed by Jun Posadas, remake ito ng 1986 action movie na pinagbidahan ng yumaong si Fernando Poe Jr.

“Working with Governor ER, it has been fun,” masiglang bungad ni Sam nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng nasabing MMFF 2014 entry sa may Raja Sulayman Park sa Malate, Manila.

“Kasi… I love the action stuff. Isa kasi akong Sagittarius so mahilig ako sa mga ganyan,” sabay ngiti ng GMA-7 actress.

“He is super-nice. He is very maalaga.”

Pangalawang beses na ni Sam na maging leading lady sa isang action film. Ang una ay sa Hitman kung saan bida si Cesar Montano.

Kumportable raw kaagad si Sam working with ER. Dahil nga raw sobrang maasikaso rin ito sa ultimo kaliit-liitang pangangailangan niya sa set.

“Gustong-gusto ko ‘yong pagiging sobrang maalaga niya sa kanyang leading lady. Ako… naka-custom van pa ako, di ba sosyal?” sabay tawang pagtukoy niya sa van na pinagpapahingan niya sa set.

“At saka… kahit anong gusto ko, ibinibigay niya. Like food na… nag-Shakeys kami kanina with everybody sa cast.

“Mabait din sa akin ‘yong wife niya [si Pagsanjan Mayor Maita Ejercito]. Minsan bumibisita siya sa set kasama ‘yong mga ank nila.”

May kissing scene ba sila ni ER?

“I’m not sure kung matutuloy. Kasi Muslim movie siya, e.

“Bawal ang hawak. Bawal ang kahit na ano. So I’m not sure.”

Isang Maranao Princess ang role ni Sam. Makakabangga ng pamilya niya ang isang malakiing sindikato na aabot sa punto na maki-kidnap siya at ililigtas ni ER na isa namang Muslim na police undercover.

“Simpleng babae lang ‘yong character ko. I’m a princess actually na isang teacher.

“Very down low ‘yong character ko. Pero very strong din kasi gusto ko pa ring lumaban sa mga sindikatong gumagawa ng kasamaan sa pamilya ko na pinapag-away nila sa isa pang Muslim family clan.”

How did she prepare for the role of a Maranao princess?

“Actually nag-research talaga ako. Nagbasa ako ng mga tungkol sa anong life ng mga Muslim.

“Nagpunta nga ako ng Tawi-Tawi. Nataon na may raket ako doon at nagkaroon nga ako ng chance na makausap ‘yong mga Muslim na kababayan natin doon.

“Nagkaroon ako ng idea tungkol sa customs and traditions nila. Paano sila kumilos at manamit.

“And okay naman. I’m taking this as a challenge. Hirap lang ako sa pag-Tagalog,” tawa na naman niya.

Ano ang pinakagusto niya sa mga eksena niyang nakunan?

“’Yong mga fight scenes. ‘Yong tumatakbo-takbo kami ni Gov. [ER] tapos may mga sumasabog.

“May scene din na makikipagbarilan ako. Pero hindi pa nakukunan. Pati ‘yong magtatapon ako ng mga bombs.

“Game naman ako sa mga ganitong scenes. Kahit magalusan pa ako!” tawa na naman ng Kapuso aktres.

Sa tatlong naunang pelikula ni ER, pawang nakakuha ng acting nominations ang mga nakapareha niya. At nanalong Best Actress si KC Concepcion na leading lady nito sa 2013 MMFF entry na Boy Golden.

“Naku… napi-pressure ako, super!” napahalakhak na reaksiyon ni Sam.

“Lalo si Gov., lagi din niya akong pini-pressure. [Sinasabi niya] 'Si KC… nanalong best actress!'

“Ako naman… oh no! Hahaha!

“Pero medyo light lang ang role ko dito. Hindi naman siya sobrang mabigat.”

Hindi niya puwedeng i-expect na acting piece o pang-award ang role at ang performance niya?

“I don’t know. Basta I’m doing my best with everything. At bahala na talaga.”

May pressure siguro silang nararamdaman ni ER dahil ilang higanteng pelikula rin ang kalahok sa MMFF 2014 gaya ng Praybeyt Benjamin 2. Magiging pukupukan ang labanan sa box office, kumbaga.

“May laban naman kami,” nakangiting sabi ni Sam.

“And our movie is different naman kasi. We can’t really compare sa iba.

“Like ‘yong Praybeyt Benjamin naman is comedy. Action movie naman kami.

“At kami lang ang action film na kasali sa MMFF. Kami talaga ‘yong pure na action film.”



TEN MORE YEARS BEFORE GETTING MARRIED. Christmas is fast approaching. Ano ang plans niya for the holiday season?

“Wala. Magpa-parade sa MMFF!” natawa ulit na biro niya.

Wala siyang planong mag-holiday break o magbakasyon sandali?

“Baka sa New Year na. I might go on vacation sa Palawan kasama ang family ko.”

Hindi kasama ang non-shobiz boyfriend niya?

“Hindi. Sa family niya siya. Sa family ko naman ako ngayong holiday season.”

Hindi pa ba nila talaga napapag-usapan ang marriage?

“Oh, my God! Give me ten more years.

“Basta alam niya ‘yon. Sinabi ko naman sa kanya.”

Paano kung mainip ang boyfriend niya?

“Ay, bahala siya!” tawa na naman ni Sam.

“Ewan ko. Kasi… hindi ko pa naiisip, e.”

Sam is now 24 years old. Feeling niya, bata pa siya para maisip ang tungkol sa pag-aasawa.

“Parang for me, ang layo-layo pa. Parang ang dami ko pang gustong gawin.

“Kaya parang… not yet.”

Bukod sa Sunday All Stars, Bubble Gang, at shooting para sa MM.357, ano pa ang ibang pinagkakaabalahan niya ngayon?

“MTV po. VJ po ako ng MTV.

“Kasi meron na tayong MTV Pinoy. Ibinalik ito.

“Kasi dati… MTV Asia, di ba? Ngayon MTV Pinoy.

“It’s under Viva. Binili ng Viva ‘yong right.

“First time kong mag-VJ.

“Ang hirap!” napabungisngis na sabi ni Sam.

“Ang VJ kasi… you host. E, hindi naman po talaga ako naghu-host.

“Tapos biglang… ok, sige mag-VJ ka!

“Mahirap. Lalo na kapag may event-event na kunyari may foreign artist na darating, kami ‘yong mag-i-interview.

“Pero kahit papano, nagagawa ko naman. So… keri na rin!” huling nasabi ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN