Píng Medina plays Muslim padre de pamilya in Maratabat, a film depicting rido or clan wars

To prepare for his lead role in Maratabat, Ping Medina learned more about the Muslim culture of the Maranaos and Maguindanaos. In his Instagram account, Ping posted a photo (top frame) with the caption: "So I met a real Mindanaoan princess today." In the political drama Maratabat, Ping is cast as the husband of Chanel Latorre's character (bottom frame).



Ping Medina beams with excitement as he narrates his memorable experiences in doing Maratabat (Pride and Honor), the political drama where he is cast as the lead actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"My character here is Ronwaldo Mahardika, isang Muslim," pagtukoy ni Ping nang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media sa Cerchio's restaurant, Scout Limbaga, Quezon City.
Pahayag ni Ping, "Ibang-iba ang hitsura ko dito kasi nagpakalbo ako; may balbas at bigote, naka-eyeglasses.
"Typical Muslim na padre de pamilya talaga. Kasi dun sa kultura nila, pag sinabing padre de pamilya, kailangan sundin. May authority siya."
Ang Maratabat (Pride and Honor) ay entry sa 40th Metro Manila Film Festival (New Wave Category), na ipapalabas ngayong December 17-24, 2014.
Ito ang debut film bilang direktor ni Arlyn Dela Cruz, broadcast journalist and former TV host.
"Ang konsepto ng Maratabat ay nagmula sa Maguindanao o Maranao, meaning pride and honor," shared Ping.
Pero agad nilinaw ng aktor na ang kuwento ay hindi tungkol sa Maguindanao massacre (na nangyari noong November 23, 2009) o ang pagkasangkot ng pamilyang Ampatuan ng Maguindanao sa kontrobersiyal na kaso.
"Ito ang first film ever na kinunan sa Maguindanao, pero hindi sa mismong pinangyarihan ng Maguindanao massacre.
"For the record, hindi rin ito tungkol o related sa nangyari sa mga Ampatuan.
"Pero more of yung mga usual na nangyayari sa Mindanao, na pag may dalawang Muslim clans na nag-away, nagkakapatayan sila: in the name of 'Maratabat.' In the name of honor.
"May ganun silang culture. Puwede silang magpatayan sa ngalan ng 'amor propio' [pride] at karangalan (honor)."
Ping's lead character heads the Mahardika clan, the rival of the Abubakar clan headed by Julio Diaz as the ruthless governor Salvador and Kristoffer King as Alfonso.
Bukod sa tatlong aktor, may mahahalagang papel din sina Chanel Latorre as Stela Mahardika, Ping's Muslim wife. Kasama rin dito sina Richard Quan, Alvin Fortuna, at Ms. Elizabeth Oropesa.

Sa hiwalay na panayam kay Chanel, kinuwento nito sa PEP ang tungkol sa "violent" rape scene na ginawa niya kasama si Kristoffer King.

(Read: Chanel Latorre "traumatized" by rape scene with Kristoffer King for indie film Maratabat: "Binalibag talaga ako!")


BREAKDOWN SCENE. Bilang lider, may matinding paninindigan ang character ni Ping, na inaasahang sandigan ng katatagan para sa mga nasasakupan.
As such, hindi siya kailangang kakitaan ng kahinaan.
Pero may eksena daw sa mosque (worship place of the Muslims), kung saan mayroon siyang breakdown scene, pero hindi makaiyak si Ping.
"Bawal umiyak sa mosque," sabi niya.
"Nung ginagawa ko yung eksena na yun, dapat magbe-breakdown ako, pero bawal, so ano'ng gagawin ko? Kailangan kontrolin talaga, kailangan pigil [ang emosyon].
"Pero, siyempre, tao ka lang naman. Lalabas at lalabas yung [emosyon]."

Ang Maratabat ay sa ilalim ng direksiyon ni Arlyn dela Cruz na may 25 years experience bilang broadcast journalist.

Direk Arlyn noted, "Karamihan ng eksena namin, take one! Yung mosque scene, take one lang yun!"


DIRECTORIAL FILM DEBUT. How is Direk Arlyn as first-time film director of Maratabat (Pride and Honor)?
"Actually, for a first-time director without any formal training, nandun yung... alam mo, pag natural [ang skill], naiintindihan niya ang film language.
"Lumalabas yung instinct; yun ang nagpapaandar," banggit pa ni Ping.
Malaking bahagi rito ang mga kaalaman at karanasan ni Arlyn Dela Cruz, bilang broadcast journalist at news anchor and TV host.
Hinggil sa research ng kuwento at pagkakasulat ng script ng Maratabat, Arlyn noted: "Yung sa research part, hindi ko masasabing matagal, kasi alam ko na yung kuwento noon pa.
"Ibig sabihim, nasa utak ko na, kasi matagal na ito. Twenty-five years na akong nagku-cover ng Mindanao.
"So, yung pag-aalaga sa kultura, alam ko na yun. Alam kong hindi ako mapupuna ng mga Muslim."



FOR PEACE AND UNITY. Ayon din kay Ping Medina, lumawak ang kanyang kaalaman tungkol sa kultura ng mga Muslim—Maranaos and Maguindanaos—dahil sa pagganap niya ng bidang character sa pelikula.
"Oo, first time ko. Actually, matagal ko nang gustong gumawa ng Muslim film, kasi gusto kong maintindihan yung mga kapatid natin dun sa south, sa Mindanao, na hindi natin kilala.
"Para sa akin, Mindanao is the only key para ma-unify ang buong Pilipinas.
"Sobrang masayang experience. Nag-shoot kami sa Maguindanao, for two weeks. Ang dami kong natutunan.
Ang mensahe ng film ay ukol sa pagkakaisa at kapayapaan, among Muslims and between Muslims and Christians, as well. Pagkakaisa ng mga Pilipino.
"Oo, kasi ang current thinking ng karaniwang Muslim, yung pagpunta sa giyera, sa away.
"Ang sinasabi ng pelikula, ayusin natin. Kailangan, kahit pinapatay ninyo kami, hindi kami lalaban nang ganun. Lalaban kami sa tamang paraan.
"Lalaban kami at maaayos nating lahat. Magkakaroon ng kapayapaan."
But the conflict in Maratabat is more cultural than religious: a conflict based on the Maguindanaoan or Maranaoan principles of pride and honor.
Dagdag-pahayag ni Ping, "Kung Muslim ka, na feeling mo, sinira yung pride mo, yung honor mo, puwede kang mag-rido, which is clan wars.
"So, kunwari yung clan namin, which is Mahardika, puwede naming giyerahin yung clan ng kabila, dahil may atraso sa amin. Papatayin namin ang mga miyembro nun.
"Sa kanila, normal yun. Pero, sa palagay ko rin, lumang thinking na siya... parang yung nangyayari noon sa Europe, may mga duwelo [duel], in fencing, na mas gugustuhin ko pa na mamatay kaysa mawala ang honor ko.
"O kaya sa Japan, yung harakiri... mamatay na lang kaysa mawalan ng karangalan [honor].
"So, sa Mindanao, ina-uphold pa rin yun, pero dapat mabago na rin, kasi we're after peace and unity na," pagtatapos ni Ping.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN