Vina Morales on ex-boyfriend Robin Padilla: "Hindi nawala ‘yong pagmamahal ko at respeto ko sa kanya.”

Vina Morales says about ex-boyfriend Robin Padilla: "He hurt me. Pero nag-sorry na naman siya sa akin so napatawad ko na siya." The Bonifacio co-stars were photographed together during the HIMIG-sikan concert held at Caloocan.


Exciting para kay Vina Morales ang pakikipagtambal ulit sa ex-boyfriend niya na si Robin Padilla.

Magkasama ang ex-couple sa 2014 Metro Manila Film Fest entry na Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Si Vina ay nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang magkaroon ng personal appearance ang mga cast members sa pagdiriwang ng Bonifacio Day noong Novmber 30.

Ginanap ang nasabing selebrasyon sa Bonifacio Monument sa Caloocan City. Nagkaroon ng free concert doon na pinamagatang HIMIG-sikan: A Concert For Bonifacio.

“Matagal na since ‘yong huling nagkasama kami sa movie ni Robin,” ani Vina. “Kalalabas lang niya no’n sa jail no’ng ginawa naming ang Di Puwedeng Hindi Puwede.

“Iyon ang pinaka-last na ginawa namin. Hindi na nasundan after that.

“Ilang years na din ‘yon, e. Kaya iba ‘yong reaksiyon sa pagsasama namin ulit sa pelikula.

“Dahil excited ako na kinakabahan ako. Of course, I was very happy working with him kasi nga matagal na kaming hindi nagkatrabaho.

“One thing lang na hindi nawala sa amin is ‘yong chemistry. Even onscreen makikita nýo talaga, e.

“Na… nando’n pa rin yung Robin-Vina team up. So hindi nawala.

“Even though historical film ito, hindi nawala ‘yong kilig sa mga eksena.

“Alam mo, kapag may past ka sa isang tao maski papano hindi naman nawawala ‘yong… may emosyon, di ba?

“Lalo na me and Robin naman, hindi naman kami ‘yong… well he hurt me. Pero nag-sorry na naman siya sa akin so napatawad ko na siya.

“But ‘yong konting… ‘yong pamamahal bilang kaibigan, hindi nawala iyon kay Robin. At ‘yong respeto ko sa kanya.

“Because even if nasaktan niya ako noon, I know he has a good heart. Alam kong mabuti siyang tao.

“Kaya hindi nawala ‘yong pagmamahal ko at respeto ko sa kanya.”



ON PLAYING A HERO’S WIFE. Challenging ang role ni Vina bilang si Gregoria de Jesus o Oriang na asawa ni Andres Bonifacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami kaming heavy scenes. Like ‘yong… papatayin na siya.

“Iyon yung isa sa highlight. We have this scene na pinapalakas ko ‘yong loob niya na everything will be alright na nandito siya sa arms ko.”

Dati na siyang gumanap na Oriang sa isang movie project noon. Ano ang advantages at disadvantages na sa ikalawang pagkakataon ay gagampanan niya ang role na ito?

“Walang disadvantages. Puro advantages.

“Because alam ko na ‘yong role o character ni Oriang, na isa siyang matapang at mapagmahal sa asawa at sa bayan.

“Alam ko ang character niya. Ang kaibahan lang, sa una kasi ay nakasentro; ‘yong movie kay Oriang talaga.

“With this one sa Bonifacio… ‘yong sa pag-iibigan naman namin ni Andres.”

Natawa lang si Vina nang matanong kung panlaban ba kaya for best actress ang performance niya?

“Actually maraming mabibigat na eksena, e. Uhm… siguro.

“Sana! Hoping kami.

“We’re praying. Kasi hindi naman papasa kay Direk Enzo [Williams] ‘yong mga eksenang mabibigat na ‘yon kung hindi siya satisfied sa acting namin lahat.

“Kasi alam naman natin na kailangan kung ano ‘yong emosyon na kailangan sa eksena, iyon ang dapat ibigay. At iyon ay naibigay namin sa eksenang ‘yon.”

“At saka si Direk, he doesn’t mind kung paulit-ulit mang kunan ang isang eksena. Kahit abutin pa ito ng take 5 o take 8, basta gusto niya na makita at lumabas ‘yong lahat ng emosyon mo.”

COMPARING ROBIN THEN AND NOW. How is Robin as a leading man ngayon compared noon na nagkakatambal din sila? May masasabi ba siyang pagbabago o kaibahan?

“Gano’n pa rin siya. Napaka-gentleman at maasikaso.

“Kung wala man siya sa set, he asks ‘yong mga kasamahan niya to take care of me. Iyon ang hindi nawala sa kanya.

“Siguro in a way na… maski maalaga siya sa akin, siyempre nagbibiro pa rin ‘yon, di ba? Alam mo naman si Robin, mapagbiro talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero alam ko hanggang biro lang. Pero kung sasakyan ko… problema ko na ‘yon!” sabay tawa ni Vina.

Ano ba ‘yong mga hirit na biro sa kanya ni Robin?

“Halimbawa ‘yong… na-miss niya ako. O ‘yong ang ganda-ganda mo… mga gano’n.”

Nagkakausap ba sila ng misis ni Robin na si Mariel Rodriguez?

“Ay, no. We’re not close.

“We never had the chance na maging close ni Mariel.”



ON WANTING TO SETTLE DOWN. Wala raw lovelife sa ngayon si Vina. She remained single since the time na naghiwalay sila ng nakarelasyon niya noon na si Cedric Lee.

“Zero sa ngayon. Sana nga may lovelife na ako,”sabay ngiti ng aktres.

“Hindi madali na maging single mom. But I have to be strong for myself at para sa anak ko.


“And because I’m a single mom nga, hindi ako puwede no’ng pa-boyfriend-boyfriend lang ng ganyan, ‘no?

“Puwede kong gawin ‘yon. Pero my God, I want to settle down.

“Kailangan kong isipin ‘yong anak ko. Hindi lang ‘yong sarili ko, di ba?

“So if I want somebody… maraming nanliligaw. Actually hindi nawawala.

“Mga non-showbiz guys. May mga tumatawag, nagpaparamdam… asking me out.

“But kapag hindi ako one hundred na sure, I will not get into a relationship. Sasayangin ko lang ‘yong oras ko.”

Muslim si Robin. Pupuwede itong magkaroong pangalawa o higit pang asawa.

Hindi kay Robin in particular, ma-imagine kaya niya ang kanyang sarili na magiging second wife ng isang Muslim guy, halimbawa?

“Alam mo mahirap sagutin ‘yan. Kasi ayokong kainin ‘yong salita ko.

“Kasi it can be possible. Kapag na-in love ako… kilala n’yo ako kapag luka-luka ako, di ba?” tawa ulit ni Vina.

“Gano’n lang ‘yon. Pero siyempre, hangga’t maiiwasan ko siyempre ayoko. Di ba?

“I pray na huwag naman sana. But it’s possible and it can happen to anyone. Di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo naman ang pag-ibig? So ayokong magsalita nang patapos.

“But if you’re asking me now? Of course I want someone na… ako lang.

“I want someone na ako lang.

“Basta… gusto ko pa ring makapag-asawa. I wanna settle down.

“I wanna have more kids. But it has to be at the right and with the right person.”

ON CEDRIC LEE. Kumusta sila ngayon ni Cedric Lee, ang tatay ng kanyang daughter na si Ceana?

“Hindi ko na nakakausap ‘yon, e.”

Paano ang support para sa bata?

“Lawyer to lawyer.”

Nagbibigay ba ng financial support si Cedric ang kanilang anak?

“I don’t wanna talk about it!” tawa na naman niya.

“No. I can actually support my daughter. Kaya kailangang magtrabaho si mommy!”

Magkaibigan sila ni Vhong. Hindi ba naapektuhan ang friendship nila dahil sa nangyari gulo at kaso sa pagitan nito at ni Cedric?

“I just saw him recently. And we’re still good friends.

“Walang affected. At wala rin naman kasi akong kinalaman do’n sa nangyari sa kanila.

“Hindi ako ang may sala!” tawa ulit na biro pa niya.



ON HER UPCOMING TELESERYE. Excited si Vina na may bago siyang teleseye sa ABS-CBN. Ito ay ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita kung saan kasama niya ang mga former Pinoy Big Brother All In housemates.

“Si Denise Laurel kasama din namin. At saka si Christian Vasquez.”

Ano ang role niya rito?

‘’Actually it’s a remake of Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na movie noon nina Susan Roces, Snooky Serna, Janice de Belen, and si Pilar Pilapil.

“Ito lang talaga, kaya siguro… thankful ako na until now may mga prokects na dumarating pa rin sa akin.

“I think ang pinaka-importante sa trabahong ‘to… kung paano ka makisama at kung paano ka magmahal sa trabaho mo.

“Kasi ang daming talented. Pero kung may attitude problem ako sa trabaho ko, my God ang daming ipapalit sa akin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ka magtatagal talaga maski gaano ka ka-talented na kaya mong gawin lahat.


“Pero kung alam mo na professional ka sa trabaho mo. Marunong kang makisama sa lahat ng nakakatrabaho mo not only mga artista kundi pati sa mga production staff, talagang magtatagal ka dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN