Which MMFF 2014 entry will President Noynoy Aquino watch first?

Kris Aquino reveals the Metro Manila Film Fest entry that President Noynoy Aquino (wearing yellow) will watch on Christmas Day. The Presidential sister says he will first watch Praybeyt Benjamin 2 starring Bimby before watching her own horror movie Feng Shui 2.




Kung noong 2013 Metro Manila Film Festival ay magkasama sa isang entry sina Kris Aquino at ang anak niya na si Bimby Aquino-Yap, ngayon ay magkalaban ang mga pelikula nila.

Si Kris ang bida sa Feng Shui 2 at si Bimby ay parte ng The Amazing Praybeyt Benjamin kasama si Vice Ganda. Pero, madalas maringgan at marinig na sa pagkakataong ito, okey lang daw kay Kris kung hindi man siya ang mag-number one sa takilya, sa halip ay ang pelikula nga ng anak at ni Vice.

(Read: Vice Ganda says Kris Aquino told him: “Let's work na mag-No. 1 ang Praybeyt Benjamin. Number two na lang ang Feng Shui.”)

Ayon kay Kris, “Day one tanggap ko yun as in, sure ako. Kasi, Christmas, e. Well, of course, I can’t discount the fact naman na si Vic [Sotto] at si Ryzza [Mae Dizon] ay nandiyan ulit.

“So, yung mga pambata at buong pamilya. I think it will be a toss between the two kung sino ang mangunguna sa Day 1. Pero, I’m very confident about our legs—yung pang-matagalan.

“So, hindi ako sigurado kung ano ang ranking kasi, parang yung ranking, dedma bells. Yung ano talaga, meron akong goal. Meron akong pinagdasal at yun lang naman ang ginawa ko and hinigitan ni God.”

Nasa P600 million ang kini-claim na ni Vice na sana raw ay kitain ng pelikula nila ni Bimby.

(Read: Vice Ganda targets P600 million for Praybeyt Benjamin 2; combined box-office gross of his movies now reach over 1 billion)

Sa parte niya, ilang daang milyon naman ang ipinapanalangin ni Kris?

“My God, see? I told him, manage your expectation. Parati kong sinasabi na ano. Alam ko kasi kung ano ang budget namin. Alam ko kung magkano ang kailangang kitain namin sa theatrical, including kung ano ang kailangan naming kitain sa abroad.

“Kung anong figure ang sinabi sa akin na boundary, yung boundary na yun, sinabi ko na times 2.5.”

Si President Noynoy Aquino ang kapatid ni Kris samantala pamangkin naman niya si Bimby.

Aling pelikula ang unang papanoorin ng Pangulo: ang Feng Shui 2 ni Kris o Praybeyt Benjamin 2 ni Bimby?

Sagot ni Kris: “Praybeyt… wala siyang choice. Back-to-back siyang manonood. But, we made a deal talaga. We’re all watching Praybeyt together. With Vice and we’re all gonna watch Feng Shui together on the first day.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN