Jennylyn Mercado on Derek Ramsay: "Napaka-sweet niyan. Makulit na nakakatuwa.”

Jennylyn Mercado says about her English Only, Please leading man Derek Ramsay: “Nung una kinakabahan ako kasi siyempre first time kong makakaeksena itong si Derek Ramsay, kissing scene pa."


“Wala naman pong malisya!” ang tumatawang bulalas ni Jennylyn Mercado nang ikuwento ni Derek Ramsay na niyaya siya ng aktres na tumabi sa kanya sa kama.

Iisang kama lang kasi ang nasa standby area sa shooting nila ng 2014 Metro Manila Film Festival entry na English Only, Please.


Sa hiwalay na panayam kay Derek, kinuwento ng hunk actor: "She offered to share her bed with me, which was very sweet!"


(Read: Derek Ramsay on Jennylyn Mercado: “In-invite na ako ni Jen na tumabi sa kanya sa kama.")

Nakausap ng entertainment media sina Jennylyn at Derek sa presscon ng English Only, Please sa Max’s restaurant, Scout Tuazon, Quezon City.

Nagkuwento si Jennylyn tungkol sa pinakaunang pagsasama nila ni Derek sa isang project.

“Unang pagkikita pa lang namin, comfortable na kami sa isa’t isa and ang dami na naming napag-usapan.

“'Tapos iyon, hanggang ngayon friends pa naman kami, okay pa naman,” sabay tawa ni Jennylyn.

“Masaya, masayang katrabaho si Derek.

“Makulit, very professional at parating may dalang Dunkin Donuts sa set,” at muling tumawa si Jennylyn.

Endorser si Derek ng naturang produkto.

Sa MMFF 2014 entry na ito ay gaganap si Derek bilang si Julian Parker at si Jennylyn naman ay bilang si Tere Madlansacay. Si Julian ay kinuha si Tere na maging tutor niya sa Tagalog dahil gusto ng lalaki na maghiganti sa ex-girlfriend niya.

ON KISSING SCENES WITH DEREK. Ano ang reaction ni Jennylyn sa dalawang kissing scenes nila ni Derek sa pelikula?

“Nung una kinakabahan ako kasi siyempre first time kong makakaeksena itong si Derek Ramsay, kissing scene pa.

“Pero sa tulong naman ni direk [Dan Villegas] dahil inalalayan niya kami, in-advise niya kami kung ano ang dapat gawin.

“And si Derek gentleman naman para alalayan din ako.

"Natapos naman namin ng maganda at maayos naman yung eksena.”

Isa pa raw sa ikinatuwa ni Jennylyn tungkol kay Derek habang ginagawa nila ang pelikula, "Masayahin pala siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, "Kasi yung itsura niya, pag dumadating sa set parang masungit.

“Pero nung biniro ko na nung pagdating niya, ayun tumawa na siya.

"Sabi ko, ‘Ah puwede ito, mabibiro itong taong ito!’ Masayahin siya.

"Pangalawa, pareho kami ng napag-uusapan dahil puro nga sa sports tapos pagkain, ganyan, matatamis.

"Mahilig kaming kumain sa labas, kapag break kasama namin lahat, yung buong production, ang crew.

“Tapos napaka-professional… at napakabait.

"Alam naman ng lahat na nung sinu-shoot namin yung English Only, Please na may pinagdadaanan siya.

"Pero never namin siyang nakitaan sa set ng hindi okay.”

Parehong single sina Jennylyn at Derek; at si Derek ay lapitin ng mga babae.

May nakita pa ba si Jennylyn na katangian ni Derek na puwede niyang ika-in love dito?

Nagisip muna ang aktres bago sumagot kaya sambit ni Derek, ‘Ang tagal mag-isip?!’

Kaya pabirong sagot ni Jennylyn, “Very patient, ang patient niya.”

Dagdag pa niya, “Hindi, wala akong masabi, napakabait na tao.

“At sweet, napaka-sweet niyan. Makulit na nakakatuwa.”

So may posibilidad na mahulog ang loob o magkagusto siya sa hunk actor?

“Hindi natin masasabi kung ano ang mga puwedeng mangyari.

“Pero hindi ko pa po alam,” at tumawa ang aktres.

“Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa future.”

Ang English Only, Please ay tinatampukan rin nina Isabel Oli bilang Megan, Kean Cipriano bilang Rico, Cai Cortez bilang Mallows, Isabel "Len-len" Frial bilang Kay-kay, Lyn Ynchausti-Cruz bilang Lydia, Ian de Leon bilang Toti, Jeffrey Hidalgo bilang Sol, Alex Medina bilang Dino, Alcris Galura bilang Vincent, Quark Henares bilang Choco, Jervy "Patani" Dano bilang Everlhynne at Tom Rodriguez bilang si Ernest.

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Dan Villegas.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN