Will Dingdong Dantes have Marian Rivera as leading lady in next Aswang Chronicles?

Director Erik Matti (rightmost) is joined by Kubot: The Aswang Chronicles stars (L-R) Joey Marquez, Lotlot de Leon, KC Montero, Isabelle Daza and Dingdong Dantes.



Sinisigurado ni Dingdong Dantes na mas maganda at mas mahusay ang pagkakagawa pa ng Kubot: The Aswang Chronicles sa una nilang ginawa, ang Tiktik: The Aswang Chronicles na lumabas noong 2012.

Positibong naging pahayag ni Dingdong nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa grand presscon ng Kubot sa GMA Network, “Minsan, sinasabi natin na mas maganda ang una kesa sa sequel. Pero ‘eto, confidently, masasabi ko na mas maganda talaga ang pangalawa.

“Tulad nga ng sinabi ko, lahat ng mas nandito. Mas pinagandang istorya, mas marami kami sa cast, mas pinatinding effect at lahat ng mas nandito.”

Nagkaroon na rin ng contract signing ang tatlong producers ng Kubot: The Aswang Chronicles para sa kanilang partnership para sa magiging franchise pa ng pelikula.

Kabilang sa mga producers si Dingdong na siyang namumuno ng AgostoDos Pictures at kasama rin ang Reality Entertainment at ang GMA Films.

Ani Dingdong tungkol sa naturang contract signing, “It signifies Reality Entertainment, Agostodos and GMA Films...after yung naging biyayang ibinigay sa amin sa unang Tiktik, e, may balak talaga kaming padamihin pa ang franchise ng pelikula.

“Kaya nagpapasalamat kami sa franchise ng pelikula dahil pare-pareho kasi ang hilig namin na nilalagay rito sa kontrata na ito. Yung hilig namin sa pag-produce at paggawa ng pelikula.

“Hangga’t may nanonood, hindi kami magsasawang mag-create ng options para sa kanila.”

Sa 2015, posibleng kayang may panibagong sequel ng Aswang Chronicles?

“We'll see, we'll see,” saad niya.

“Tingnan natin.”

May balitang sa susunod na sequel ng pelikula, si Marian na raw ang susunod niyang magiging leading lady?

Nakangiting sabi naman ni Dingdong, “Panoorin niyo po ang ending.”

Pareho naman silang may entry ni Marian sa 2014 Metro Manila Film Festival ngayong December 25. Hindi pa raw nila napag-uusapan ni Marian kung ano ang una nilang papanoorin at kung magkasama ba silang manonood.

Natatawang sabi ni Dingdong, “We’re hoping kasi to have a special screening bago mag-Christmas. Pag-uusapan pa namin nila Dondon [Monteverde]. Definitely siguro, baka mauna kami, mauna ang Kubot.

“Pero, hindi pa namin napag-uusapan.”

May plano ba silang ilabas ang Kubot: The Aswang Chronicles internationally?

“Sa ngayon, wala pa. Pero, gusto naming talaga na ma-promote na maige para maraming makapanood this Christmas na mga Filipino muna.”

Naitanong din kay Dingdong kung nakikita ba niyang tila mas mahigpit ang labanan ngayon sa MMFF kumpara sa mga nakaraang Metro Manila Film Festival?

“Well, labanan in terms of box-office, for sure. But on the brighter side of things, we will have, I think over a billion pesos worth this coming festival dahil coming from the last one, halos umabot na ng isang bilyon din.

“So, ganoon karami po ang ine-expect nating manonood kaya magandang ganitong karaming options din ang binibigay namin sa kanila.”

May kanya-kanyang target kung ilang daang milyon gustong kumita nina Vice Ganda at Kris Aquino ng mga pelikula nila ngayon sa filmfest.

Siya ba, may target din kung magkano ang gusto niyang kitain ng Kubot?

“Definitely, sana more than what we had doon sa una because audience wise, mas marami naman talaga ang lumalabas at nanonood sa filmfest, di ba? Pero, sa totoo naman talaga, hindi mo masasabi sa quantity kung ilan ang gusto mo.

“It’s really more of the intention na gusto mong marami talaga ang manood. Regardless kung ilan pa ‘yan. Mahirap namang ma-quantify kung ilang tao ang papasok sa sinehan.

“Pero, kapag buong-buo naman ang binigay mo, which is, kung ano ang produkto mo, magiging confident ka naman na mag-e-enjoy sila.”

Naghahangad din ba siyang maging No. 1 sa MMFF ang Kubot katulad ng wish ng iba?

“I wish for the best for our film,” lahad niya.

“Parang kumbaga, sa kahit anong magulang, they would always want the best for their children and I treat this franchise, this Kubot: The Aswang Chronicles as well as mga artista na kasama ko as really something na proud kaming i-share sa mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN