Vic Sotto reveals Ryzza Mae Dizon had Nora Aunor as her peg for My Big Bossing: Taktak

Ryzza Mae Dizon had to dress like Nora Aunor for the "Taktak" episode of My Big Bossing. The 9-year-old actress also had to take up scuba diving lessons for the 'Sirena' episode.


Itinuturing ni Vic Sotto na pinakamalaki at pinakamahal na pelikulang nagawa niya ang My Big Bossing.

Ito ang entry ng OctoArts Films, M-Zet Productions at APT Entertainment sa 2014 Metro Manila Film Festival na ipalalabas sa mga sinehan sa December 25.
Bukod dito, malaking achievement din para kay Bossing Vic na maipakita ang galing sa pag-arte ng child actress na si Ryzza Mae Dizon, na co-star niya sa pelikula.
Saad ng comedian-TV host, “Isa sa mga na-achieve ko ay yung pinakamalaking budget and yung pagiging tunay na artista ni Ryzza.
“I’m just so proud of her that she was able to deliver kung anuman yung ini-expect ko na nakita ko sa kanya when we did My Little Bossing [noong 2013 MMFF].
“Nakita namin sa kanya yung potensiyal na maging isang magaling na aktres.
“Kasi sa My Little Bossing, it’s more of pa-cute pa-cute lang, e, ‘tapos may konting drama.
“Pero dito sa My Big Bossing, hindi puwedeng pa-cute pa-cute lang, e, tatlong istorya ito na iba-iba, na seryoso yung role, hindi basta-bastang role lang.
“So, that is something I’m proud of achieving, yung mailabas yung pagkamagaling na artista ni Ryzza,” sabi ni Vic.
Nahahati sa tatlong episodes ang My Big Bossing—“Sirena,” “Taktak,” at “Prinsesa.” Kaya iba’t iba rin ang ginagampanang roles nina Vic at Ryzza sa bawat episode.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic sa presscon ng My Big Bossing sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.


RYZZA, THE ACTRESS. Pagmamalaki pa ni Bossing kay Ryzza, “Doon sa My Little Bossing, si Ryzza, I think parang hindi pa siya aware kung ano talaga ito, bakit ko ba ginagawa ito, bakit ganito ang role ko, bakit ganito ang sinasabi ko?
“Pero dito sa My Big Bossing, dito mo makikita si Ryzza as an actress, not just an ordinary child actress.
“Unang-una, tatlong klaseng role ang ginampanan niya. Sa una yung 'Sirena,' she has to learn how to scuba dive, she has to learn how to swim like a dolphin. She has to learn how to stay underwater for more than twenty seconds. She has to learn to swim with her tail. E, mga tunay na artista lang ang gumagawa nun.

“Pagdating sa 'Taktak,' she has to dress like Nora Aunor sa Himala. Yun ang kanyang peg, kaya iba na naman yun. Pagdating naman sa 'Prinsesa,' prinsesa siya ng baboy. Doon mo makikita yung pag-level up niya bilang artista.”


ALONZO MUHLACH. Kabilang sa cast ng 'Prinsesa' episode ang bagong child actor na si Alonzo Muhlach, anak ng dating child wonder na si Niño Muhlach.

Bumilib si Bossing sa batang Muhlach.

“Give him [Alonzo] next Christmas, palagay ko may tulog ka na diyan Onin [referring to Niño],” biro ni Bossing. “Pasensiya na Onin pero mas pogi sa iyo ito, e. Kauumpisa lang niya, e, it’s his first movie. Pero makikita mo sa kanya na may dugo talaga ni Nino Muhlach. Okay na yung acting niya dito, ayos na. Pero alam ko konting hasa na lang may tulog ka na Onin.”

Natutuwa rin si Bossing dahil pati si Ryzza ay suportado si Alonzo.
“Si Ryzza kumbaga senior siya pagdating sa shooting, pagdating sa pelikula, sa telebisyon, pagdating sa acting. Very supportive siya, nanay ang dating nito kay Alonzo, e.”


BOSSING VIC ENJOYS WORKING WITH KIDS. Aminado si Vic na nag-e-enjoy siya na katrabaho ang mga bata sa anumang proyektong ginagawa niya, katulad na lang nina Ryzza at Alonzo sa My Big Bossing.

“Enjoy, ako’y parating enjoy pag katrabaho ay bata. Kasi we see to it na yung ginagawa namin parang laro, so hindi naiinip yung mga bata. So, laru-laro lang kami at the same time trabaho. Hindi mo mapapansin yung trabaho pag enjoy mo yung ginagawa mo, e.”

Bukod sa ikinatutuwa niya ang pakikipagtrabaho sa mga bata, nagiging maligaya rin si Bossing kapag napapasaya niya ang mga bata. Kaya naman sinisigurado niya na ang mga ginagawa niyang entries sa MMFF ay talagang pambata at pang-buong pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN