Richard Yap on Vice Ganda continuing to work despite lolo's condition: "We have to do what we have to do."




Unang beses pa lang na sumalang ni Richard Yap sa comedy sa pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin. First time din niyang makasama sa pagpapatawa si Vice Ganda sa Metro Manila Film Fest entry na ito.


“It was very nice. There’s a lot of fun,” ani Richard.

“We had a lot of fun sa set kasi puro komedyante ang kasama ko. It’s something that I will be willing to do again.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang bloggers si Richard sa presscon ng MMFF entry na ginanap noong December 20 sa ELJ building ng ABS-CBN.

Batikan na si Vice pagdating sa comedy. How was it pagdating sa mga punch lines sa mga eksena nila?

Was it difficult for him na na makipagsabayan kay Vice at sa iba pang cast ng pelikula gaya ni Alex Gonzaga na natural na komedyante rin?

“Well, a… hindi naman difficult. I had to catch up with them.

“Pero I think meron naman akong konting nai-contribute din. Marami akong ginawa dito na hindi ko pa nagawa sa ibang projects ko dati.”

Dagdag pa ng 47-year-old actor: "I went out on a limb for this [movie]. I did things na hindi kagalang-galang."

It’s his first time also to work with Direk Wenn Deramas. How was it as compared to the other directors na nakatrabaho niya before?

“He’s very fast. Not only in terms of shooting time but he’s also very fast in coming out with the script.

“So we also had to be very fast to be able to keep up with him.”

May mga natutunan ba siya kay Direk Wenn na tumatak sa kanya?

“Meron naman. Like ‘yong mga comic timing at saka ‘yong how he works, ‘yong gano’n.

“You really have to keep up. Mabilis siyang magtrabaho kasi.

“So you really have to be very quick also with the ano… especially when you memorize lines. Kasi on the set na kami nagkaroon ng script.”

When the role was offered to him, what was his initial feeling or reaction?

“Ito kasing movie na ito, nag-usap na kami dati ni Vice na we are going to do a movie together. But iba ‘yong plano.

“It was another movie that we are talking about. May ibang idea siya sa gagawin naming movie.

“And then hindi pa natuloy ‘yon. Because we were supposed to do Be Careful With My Heart: The Movie last year.

“Since hindi natuloy ‘yon, this year nag-usap kami na sabi niya… gagawa ako ng MMFF movie, why don’t we get together and let’s do this together?

“And I said… sige. Okay ako kaagad kasi meron naman talaga kaming plano to do a movie.”

Kahit alam niyang comedy ang tema ng pelikula na hindi pa niya nagawa before, hindi na siya nagkaroon ng anumang apprehension?

“Well… konting ano lang. Not really apprehensive about it.

“Kasi alam ko namang aalalayan naman nila ako.”

Kumusta naman si Bimby na gumaganap na anak niya sa pelikula?

“He’s a very nice kid. Very respectful, very ano… he was very professional also.

“Kung ano ang sinabi ni Direk, ginagawa na rin niya kaagad. So it was a very nice expeience working with Bimby.
“Siya ‘yong parang baby sa set.”

Si Vice, nagulat daw na komedyante rin pala siya. Ang takot nga raw ni Vice, baka kapag ipinalabas na ang pelikula ay baka mas nakakatawa pa nga raw si Richard kesa sa kanya.

“”Hindi naman siguro,” nangiting reaksiyon ng aktor. “Meron lang siguro akong na-contribute na mga scenes na medyo nagpapatawa rin ako.

“But all in all I think si Vice pa rin ang ano… diyan, ang King of comedy diyan.”

Ano ba ang pakiramdam niya ngayong may pelikulang kasama siya na entry sa Metro Manila Film Festiva?

“Of course it’s different kapag MMFF. Kasi may ano ‘yan, e… it’s like it’s a contest among all the films that are there.

“So there’s a bit of pressure that we have to do well.”

If given the opportunity, gugustuhin ba niyang regular nang magkaroon ng MMFF entry every year?

“For me I just take one thing at a time. I don’t want to worry about things that might never happen.

“So let’s just take it one step at a time. Kung nandiyan, kung may offer… okay.

“Kung wala… wala. Okay lang.”

Anong project ang sunod niyang gagawin?

“I might be doing another teleserye. Sometime in February next year.”

Alothough comedy ang Praybeyt Benjamin 2, may mga moral values pa rin daw na mapupulot ang mga manonood nito.

“There’s still that sense of family… the love for family is still there. The love for your country.

“And the ‘yong ano… the value of humility also. Maituturo dito ‘yong value of humility kung paano ka maging humble at kung paano ka maging isang tao not to take things for granted na masyadong maging ma-pride.”

Dalawang taon ang itinakbo sa ere ng daytime series nila ni Jodi Sta. Maria na Please Be Careful With My Heart. Sobrang naging close at bonded na sila ng buong cast nito na parang magkakapamilya na talaga.

Sa katunayan, na-nominate sina Richard at Jodi bilang Favorite Foreign Actor at Actress sa Green Star Awards sa Vietnam.

(Read: Richard Yap, Jodi Sta. Maria nominated at Green Star Awards in Vietnam)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Nakatulong ba ang pagsu-shooting niya ng Praybeyt Benjamin sa separation anxiety na dulot nito?

“Siguro. Kasi tuloy-tuloy ang trabaho ko after Be Careful. So hindi ko masyadong napapansin na wala na akong taping.

“And wala namang separation anxiety. For me it’s not ano… I don’t get attached to things too much.

“Things are always… you need to move. The only thing that is constant is change.

“And I’ll be working ‘til this Christmas. So we have to work until December 27.

“Until the MMFF awards night. We have to be there also. So it’s going to be a working Christmas for me this year.”

Excited na siyang sumakay sa float sa parade ng MMFF?

“Yeah! Sabi nila masaya raw.

“So this is going to be my first time. I’m looking forward to seeing all the people there.”



ON VICE GANDA'S GRANDFATHER. Sa kasalukuyan, may dinadamdam si Vice Ganda dahil nasa ICU ng hospital ang kanyang Lolo Gonzalo.

Napansin ni Richard tungkol sa kanyang co-star: "Vice is very professional...pagdating niya sa set...parang sinabi niya dati na we have to do what we have to do.

"Pag trabaho, trabaho talaga."

Dagdag pa ng aktor:

"I know he was going through something, nandun ang lolo niya sa hospital but hindi naman niya masyadong mine-mention.

"He keeps it to himself.

"I think ayaw niyang maging sad ang lahat ng tao."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN