Hanna Ledesma doesn't mind being compared to Lovi Poe in Kubot: The Aswang Chronicles 2

Hanna Ledesma (in blue, second from left) still can't believe her luck when she was chosen to replace Lovi Poe in Kubot: The Aswang Chronicles 2. She says about Dingdong Dantes: "Sobra ko siyang crush, napabili tuloy ako ng magazine [dati] kunsaan nasa cover siya. As in, pumila talaga ko with the fans para lang makalapit sa kanya at makahingi ng autograph."


Hanna Mariz dela Guerra ang tunay na pangalan ng newcomer na si Hanna Ledesma noong sumali ito sa Bb. Pilipinas Pageant 2014.

Bagamat hindi siya sinuwerte na makapanalo ng anumang titulo sa naturang pageant, nakapasok na siya ngayon sa entertainment industry sa pamamagitan ng kanyang movie debut.


Nakuha si Hanna bilang leading lady ni Dingdong Dantes sa 2014 Metro Manila Film Festival entry na Kubot: The Aswang Chronicles 2 ng GMA Films, Agosto Dos at Reality Entertainment.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Hanna sa press conference ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 sa GMA Network Center, uma-attend daw siya ng acting workshop sa ABS-CBN noong ipa-audition siya kay Direk Erik Matti.

“My manager [Atty. Joji Alonzo] saw yung post ni Direk Erik sa Facebook niya na he was looking for a replacement for Lovi Poe sa Kubot.

“Nag-submit agad ang manager ko ng photo ko kay Direk Erik at pinapunta ako sa audition.

“Pagdating ko sa office ni Direk, binigyan nila ako agad ng script at pinaarte na nila ako agad.

“Hinintay din namin si Dingdong Dantes kasi kailangan din ng approval niya since isa siya sa mga producers.

“Before I knew it, ako na ang napili nila for the role of Sonia. Tapos, pinag-shooting na nila ako agad-agad.

“Nakakatuwa dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari. Never ko namang naisip na magkakaroon ako ng movie agad. Tapos si Dingdong pa ang kapareha ko.

“Feeling ko nananaginip pa rin ako dahil sa mga pangyayaring ito,” kuwento niya.

ADMITS CRUSH ON DINGDONG. Inamin ng 22-year old newbie na matagal na siyang may crush kay Dingdong at nakapagpa-autograph pa raw siya sa aktor noon.

“Hindi ko pa nakukuwento kasi kay Dong ito kasi nahihiya ako.

“Noong first year college ako, napadaan kami sa mall at nataon na may autograph signing doon si Dong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil sobra ko siyang crush, napabili tuloy ako ng magazine kunsaan nasa cover siya.

“As in, pumila talaga ko with the fans para lang makalapit sa kanya at makahingi ng autograph.

“Tinago ko talaga yung magazine na ‘yon. Pang-throwback ko ‘yon sa Instagram.

“One day ipapakita ko yun kay Dong.

“Kaya nga parang dream come true itong nangyari sa akin dahil crush ko lang siya noon tapos ngayon leading lady pa niya ako sa movie,” pag-alala pa ni Hanna.

PREPARING FOR ROLE. Mabuti na lang at napanood ni Hanna ang Tiktik: The Aswang Chronicles kaya alam niya ang kuwento nito at pamilyar siya sa character ni Lovi Poe na si Sonia.

“Kinausap nga ako ni Direk Erik before kami mag-shooting. Kailangan ay ihanda ko raw ang sarili ko dahil hindi malayong mai-compare ako sa original na Sonia which is Lovi.

“Okay lang naman sa akin iyon. Open naman ako for criticism.

“Yung naging problema naman nila Direk at Lovi, wala naman akong kinalaman doon. Kinuha lang naman ako to play the role.

“Whatever happened between the two of them, labas na po ako doon. But of course, sana maayos din silang dalawa para masaya lahat,” diin pa niya.

BEGINNINGS. Graduate ng kursong Management Information System sa Ateneo de Manila University si Hanna. Nasubukan na raw niyang magtrabaho sa isang IT company bago siya nag-showbiz.

Certified kontesera or contest girl si Hanna. Bago ang Bb. Pilipinas, sumali at nanalo na siya before sa Miss Mandaluyong at Generation Next Model Search. Naging finalist naman siya sa Miss Resorts World.

DREAM PROJECT. Ngayong artista na siya, dream ni Hanna na makatrabaho naman ang paborito niyang si Eugene Domingo sa isang magandang movie.

“Noong mapanood ko kasi si Ms. Eugene sa Ang Babae Sa Septic Tank, galing na galing ako sa kanya. Nasabi ko na isa ito sa gusto kong makatrabaho kapag naging artista ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully matupad din iyon. Producer naman ang manager ko at ilang beses na niyang nakatrabaho si Ms. Eugene. Sana sa isang magiging project nila, makasama ako,” panalangin ni Hanna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN