Arlyn dela Cruz originally wanted "Massacre Queen" Kris Aquino to be lead star of Maratabat

Maratabat" data-url="https://www.pep.ph/guide/mmff/15294/arlyn-dela-cruz-originally-wanted-massacre-queen-kris-aquino-to-be-lead-star-of-maratabat" data-desc="Arlyn dela Cruz will direct Derek Ramsay in an upcoming movie about Marines titled Mandirigma. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/9000f27c6.jpg"> Maratabat" data-url="https://www.pep.ph/guide/mmff/15294/arlyn-dela-cruz-originally-wanted-massacre-queen-kris-aquino-to-be-lead-star-of-maratabat" data-desc="Arlyn dela Cruz will direct Derek Ramsay in an upcoming movie about Marines titled Mandirigma. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/9000f27c6.jpg"> Maratabat" data-url="https://www.pep.ph/guide/mmff/15294/arlyn-dela-cruz-originally-wanted-massacre-queen-kris-aquino-to-be-lead-star-of-maratabat" data-desc="Arlyn dela Cruz will direct Derek Ramsay in an upcoming movie about Marines titled Mandirigma. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/9000f27c6.jpg">

Maratabat" data-url="https://www.pep.ph/guide/mmff/15294/arlyn-dela-cruz-originally-wanted-massacre-queen-kris-aquino-to-be-lead-star-of-maratabat" data-desc="Arlyn dela Cruz will direct Derek Ramsay in an upcoming movie about Marines titled Mandirigma. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/9000f27c6.jpg"> Maratabat" data-url="https://www.pep.ph/guide/mmff/15294/arlyn-dela-cruz-originally-wanted-massacre-queen-kris-aquino-to-be-lead-star-of-maratabat" data-desc="Arlyn dela Cruz will direct Derek Ramsay in an upcoming movie about Marines titled Mandirigma. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/9000f27c6.jpg"> Maratabat" data-url="https://www.pep.ph/guide/mmff/15294/arlyn-dela-cruz-originally-wanted-massacre-queen-kris-aquino-to-be-lead-star-of-maratabat" data-desc="Arlyn dela Cruz will direct Derek Ramsay in an upcoming movie about Marines titled Mandirigma. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/9000f27c6.jpg"> Maratabat" data-url="https://www.pep.ph/guide/mmff/15294/arlyn-dela-cruz-originally-wanted-massacre-queen-kris-aquino-to-be-lead-star-of-maratabat" data-desc="Arlyn dela Cruz will direct Derek Ramsay in an upcoming movie about Marines titled Mandirigma. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/9000f27c6.jpg">

Maratabat director Arlyn dela Cruz (wearing pink) directs Chanel Latorre, the actress who shot a rape scene for this political drama. Kristoffer King is cast as the man who raped Chanel's character as a way of exacting revenge on his political rival.



First time bilang movie director ang broadcast journalist na si Arlyn dela Cruz. Unang pelikula niya ang Maratabat, isa sa limang entries sa New Wave category ng 2014 Metro Manila Film Festival.

Tinatampukan ito nina Ping Medina, Chanel Latorre, Richard Quan, Carlo Cruz, Julio Diaz, Kristoffer King, Alvin Fortuna, Elizabeth Oropesa, at may special participation ang Public Attorney's Office chief na si Atty. Persida Acosta.

Bakit naisipan ni Arlyn na magsulat at magdirek ng pelikula?

“Matagal na siyang nasa isip ko na gusto kong gawin, bagong opportunity ito but didn’t have the time na gawin iyon. Then finally, nagdesisyon ako na gagawin ko na ito ngayon. Kasi, kung hindi ko pa gagawin iyon, I will not be able to do it,” panimulang pahayag ng filmmaker nang makapanayam ng PEP.ph sa isa sa screenings ng Maratabat sa Megamall last Saturday, December 20.

Ayon pa kay Direk Arlyn, kahit sumasabak na siya sa paggawa ng pelikula ay hindi niya iiwan ang pagiging miyembro ng media matapos ang kanyang 25 years of experience sa pagiging broadcast journalist.

“May nag-offer na kaagad, e. So, siguro ay itutuloy ko na ito.

“Pero media pa rin ako, kasi paggising ko ay balita kaagad ang naiisip ko...yung komentaryo agad ang naiisip ko. So, hindi ko talaga siya maiiwan, dahil I’ve been doing this for 25 years.

“Tungkol sa marines ang next movie ko na si Derek Ramsay ang bida. Mandirigma ang title, kasi iyon ang tawag sa mga marines, mandirigma.”

Originally, si Kris Aquino ang dapat na gaganap bilang asawa ni Ping na napunta eventually kay Chanel Latorre.

(Read: Chanel Latorre on Kris Aquino missing out on Maratabat: "I don’t think Joshua and Bimby would approve na nire-rape ang Mommy nila on screen.")


Ipinaliwanag ni Direk Arlyn kung bakit nabago ang cast members ng Maratabat.

“Dapat ang cast talaga rito ay sina Kris Aquino, na naging si Chanel at Derek na naging si Ping. Iyon ang unang napabalita, dapat ay Kris at Derek ito. Kaya lang ay hindi puwede sa schedule ni Kris.

“Nabasa niya ang script and she likes it very much. In fact, siya ang unang nag-hype about Maratabat, even before we went shooting.”

Dagdag pa ni Direk Arlyn, “Kaya ko naisip si Kris Aquino, because may massacre ito. Siya ang Massacre Queen, hindi ba?

“So, ang iniisip ko na baka… time for her to redefine the tagline Massacre Queen in a different setting.

“She’s very supportive of the film, kaya lang ay hindi talaga pumuwede sa schedule niya. In fact, she’s offering to be co-producer of the film. Ganoon siya ka-supportive at naniwala siya rito. And I’m really hoping na mapanood niya sana itong Maratabat, kung may time si Kris.”

Bakit hindi natuloy si Kris dito?

“Because mayroon siyang schedule noon. She was requesting na mag-shoot kami ng August and we have to shoot na by May.”

Kung sakaling natuloy si Kris dito, magbabago ba ang treatment niya sa rape scene na madugong ginampanan nina Chanel at Kristoffer King?

“Hindi, ganoon pa rin ang treatment ko,” mabilis na sagot ni Direk Arlyn. “Ang magiging problema ko, kung mae-execute ko siya na hindi ako pakiki-alaman ng mga guard. Siyempre, mayroon siyang mga security, hindi ba?

“Pero, inalagaan naman namin si Chanel during the shoot.

“Pero ibig kong sabihin, I will insist on doing the same treatment. Pero, nasa sa kanya iyon, kung papayag siya. But I think, Kris is very professional.

“Hindi ko alam kung gagawin niya yung rape scene, pero kung natuloy siya, I will try to convince her na talagang kailangan iyong eksena na iyon.”

Sa hiwalay na panayam sa PEP, inamin ni Chanel na nagkaroon siya ng "trauma" nang i-shoot nila ni Kristoffer ang "violent" rape scene para sa Maratabat.

(Read: Chanel Latorre "traumatized" by rape scene with Kristoffer King for indie film Maratabat: "Binalibag talaga ako!")


Ano ang masasabi ni Direk Arlyn sa cast lalo na kay Kristoffer na marami ang pumuri sa performance dito?

“Parang ibinigay sa akin iyong perfect cast dito,” matipid na sagot niya.

"Alam mo kung ano naging problema ko during the shoot? Diabetic kasi siya at namaga iyong paa niya dahil dumami ang kain ng kanin.

“So, iyon ang naging problema namin.

Nagkuwento rin si Direk Arlyn kung ano ang naging instruction niya kay Kristoffer tungkol sa rape scene na ginawa para sa political drama na ito.

“Ang galing ni Kristoffer, iyong eksena na iyon, walang dialogue iyon sa script. Binabato ko sa kanya, ang sabi ko sa kanya, ‘You finish the scene in two minutes, ma-rape mo si Chanel in two minutes. Kailangan na mapatay mo siya in two minutes.’

“Pero ang cut doon ay iyong bago niya pugutan… I changed the dialogue on the spot, tapos sabi ko sa kanya, at the end of the rape ay itataas niya ang dalawang kamay niya.

“That is very hard to remember, all at the same time. Pero nakuha niya, kaya I think, he is a very, very good actor talaga. At isang take lang iyon,” mahabang paliwanag ng first-time filmmaker.

“Pagkatapos ng take na iyon, niyakap ko sila. Siyempre si Chanel muna, tapos ay si Kristoffer,” dagdag pa niya.

Umaasa ba siyang makakuha ng award ang kanyang directorial debut?

“I’m just enjoying the journey, this is my first, panganay kong movie ito. Gusto ko lang magkuwento, I’m just happy to be given the opportunity to do what I wanted to do for the longest time.

“Tama na iyong award na kung na-appreciate ng mga tao ang movie, if they’re angry, that’s the kind of feelings that I want them to feel. But in the end, I want them to see that there is a resolution to that kind of extreme problem.”

Almost P3 million daw ang budget ng Maratabat.

Ano ang masasabi niya na sa less than three million ay nakagawa na sila nang isang pelikulang pupukaw sa kamalayan ng mga Filipino tungkol sa mga clan wars sa Mindanao?

“Siguro dahil sa journalist ako, kaya deadline oriented. Kapag sinabi kong ito’y tatapusin natin for this day, natatapos. And also, because I wrote the script, I can take out scenes na sa tingin ko ay puwedeng wala na.”

Ano ang fulfillment after niyang makita ang kabuuan ng pelikula?

“Para akong nanganak, dalawa na ang anak ko, kaya itong Maratabat ay parang pangatlo kong anak, ito ang bunso ko.”

May pagkakatulad daw ang Maratabat sa Maguindano massacre. Ano ang reaction niya rito?

“Kung ie-examine mo ang istorya ng Maguindanao massacre, iyon ba ang story nito? Magka-iba, patay na ang nanay ni Mangundadatu, matagal na at wala namang anak na involve roon.

“Pero kung matandaan nila yung Maguindano massacre because of this film, I really don’t mind. Because that incident should not be forgotten.

“Ang Maguindano massacre, kung walang media na napatay is just another story of clan war.”

Inamin naman niya na si Governor Toto Mangundadatu ang naging peg ni Ping sa kanyang karakter dito.

“Ipinagpa-alam sa akin ni Ping iyon, na kung puwede raw bang si Governor Mangundadatu ang maging peg niya sa pelikula, lalo na iyong itsura niya.

“Pero kung natuloy si Derek [Ramsay], malaki ang pagkakaiba, hindi ba? Kasi, maskulado si Derek, e.”

Ang Maratabat (Pride and Honor) ay isa sa mga entries na kabilang sa New Wave category ng 40th Metro Manila Film Fest.

Ang ibang finalists sa MMFF 2014 New Wave section ay ang Gemini, M (Mother's Maiden Name), Magkakabaung, at Mulat. Palabas sila hanggang December 24 sa SM Megamall at Glorietta 4.

(Read: MMFF 2014 New Wave Guide: Gemini, M (Mother’s Maiden Name), Magkakabaung, Maratabat and Mulat)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maratabat" data-url="https://www.pep.ph/guide/mmff/15294/arlyn-dela-cruz-originally-wanted-massacre-queen-kris-aquino-to-be-lead-star-of-maratabat" data-desc="Arlyn dela Cruz will direct Derek Ramsay in an upcoming movie about Marines titled Mandirigma. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/9000f27c6.jpg"> Maratabat" data-url="https://www.pep.ph/guide/mmff/15294/arlyn-dela-cruz-originally-wanted-massacre-queen-kris-aquino-to-be-lead-star-of-maratabat" data-desc="Arlyn dela Cruz will direct Derek Ramsay in an upcoming movie about Marines titled Mandirigma. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/9000f27c6.jpg"> Maratabat" data-url="https://www.pep.ph/guide/mmff/15294/arlyn-dela-cruz-originally-wanted-massacre-queen-kris-aquino-to-be-lead-star-of-maratabat" data-desc="Arlyn dela Cruz will direct Derek Ramsay in an upcoming movie about Marines titled Mandirigma. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/9000f27c6.jpg">


Maratabat" data-url="https://www.pep.ph/guide/mmff/15294/arlyn-dela-cruz-originally-wanted-massacre-queen-kris-aquino-to-be-lead-star-of-maratabat" data-desc="Arlyn dela Cruz will direct Derek Ramsay in an upcoming movie about Marines titled Mandirigma. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/9000f27c6.jpg"> Maratabat" data-url="https://www.pep.ph/guide/mmff/15294/arlyn-dela-cruz-originally-wanted-massacre-queen-kris-aquino-to-be-lead-star-of-maratabat" data-desc="Arlyn dela Cruz will direct Derek Ramsay in an upcoming movie about Marines titled Mandirigma. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/9000f27c6.jpg"> Maratabat" data-url="https://www.pep.ph/guide/mmff/15294/arlyn-dela-cruz-originally-wanted-massacre-queen-kris-aquino-to-be-lead-star-of-maratabat" data-desc="Arlyn dela Cruz will direct Derek Ramsay in an upcoming movie about Marines titled Mandirigma. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/9000f27c6.jpg"> Maratabat" data-url="https://www.pep.ph/guide/mmff/15294/arlyn-dela-cruz-originally-wanted-massacre-queen-kris-aquino-to-be-lead-star-of-maratabat" data-desc="Arlyn dela Cruz will direct Derek Ramsay in an upcoming movie about Marines titled Mandirigma. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/9000f27c6.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN