Ryzza Mae Dizon on MMFF 2014 triumph: “Itong award na ito po ang masasabi kong best gift na natanggap ko ngayong Pasko.”

Ryzza Mae Dizon won the Best Child Performer award for My Big Bossing. What is herNew Year’s wish? “’Yong mga hindi pa po nakakapanood ng My Big Bossing, manood na sana po. ‘Yon lang po ang wish ko.” (To learn more about My Big Bossing,


Si Ryzza Mae Dizon ang nanalong Best Child Perrformer sa 40th Metro Manila Film Fest awards night na ginanap kagabi, December 27, sa Philippine International Convention Center Plenary Hall. Nanalo si Aleng Maliit para sa entry nila ni Vic Sotto na My Big Bossing.

Matatandaang si Ryzza Mae din ang nanalo sa ganitong kategorya sa MMFF noong 2013 para naman sa entry rin nila ni Vic na My Little Bossing.

“Masaya po,” bungad ng child star-TV host nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng awards night.

“At saka po thank you sa mga tao sa suporta nila. Para po sa kanila ito.

“Thank you din kay Papa God. At saka kay mama ko.

“At saka sa mga Dabarkads ko,” pagtukoy pa niya sa mga kasamahan niya sa noontime show na Eat Bulaga.

“Itong award na ito po ang masasabi kong best gift na natanggap ko ngayong Pasko.”

Inasahan ba niya na mananalo siya ulit ng award?

“Hindi po. Kasi masaya na po ako na marami ang nanonood ng pelikula namin.

“Pero dahil nanalo nga po ako, mas masaya po ang pakiramdam ko.”

Nag-attend din ng MMFF awards night ang co-stars niya sa Prinsesa episode ng My Big Bossing na sina Niño Muhlach at anak nitong si Alonzo Muhlach.

“Escort ko po si Alonzo,” nangiting sabi ni Ryzza Mae.

Naging very close na nga silang dalawa ni Alonzo. Nag-selfie pa nga sila habang magkasama.

“Napaka-cute po ni Alonzo. Wala siyang kakulit-kulit!” tawa pa niya.

“Wala siyang kalikot-likot!”

Mag-best friend na ba ang turingan nila sa isa’t isa?

“Opo. Pero minsan, hindi naman masyadong best friend.

“Kasi nga, ayon… ang kulit!”

Ilang araw na lang, bagong taon na. Ano ang balak o plano niya sa 2015?

“Mas lalo ko pa pong gagalingan. Para sa inyo po.”

Saan ba siya magnu-New Year?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa po alam. Kasi may kasal po si Ate Marian [Rivera], di ba?”

Siya ang flower girl sa nalalapit na kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Ano ang wish niya para sa dalawa?

“Sana maging masaya sila.”

Gusto ba niyang magkaroon agad ng baby si Ate Marian niya?

“Opo.”

Ilang ba ang gusto niyang maging anak nito?

“A… five!” sabay bungisngis ni Ryzza Mae.

Bakit five?

“Wala lang po. Para masaya.”

Ano ang gusto niyang maging unang baby ni Ate Marian? Girl o boy?

“Girl. Gusto ko lang po na… girl.

“Pero okay rin lang po kung boy.”

Meron ba siyang New Year’s wish?

“’Yong mga hindi pa po nakakapanood ng My Big Bossing, manood na sana po. ‘Yon lang po ang wish ko.”

Patuloy pa rin ngang pinipilahan ang My Big Bossing, na ayon sa pamunuan ng MMFF ay kabilang sa Top 4 topgrossing films noong opening day, December 25. At dahil dito, puwede na siyang matawag na Box Office Princess.

(Read:
Praybeyt Benjamin 2 tops in the box-office; MMFF 2014 entries bring in over P180 million)

“Ayyyy!” napabungisngis ulit na reaksiyon ni Ryzza.

“Thank you po. Uhm… maliit na bagay!” sabay hagikhik pang biro niya.

Balitang gusto niyang magkaroon din ng negosyo?

“Meron na po. Computer shop.”

Bakit computer shop ang napili niyang negosyo?

“Hindi naman po ako ang pumili no’n. Ang mama ko po.

“Ewan ko po kung bakit iyon ang napili ni mama. Pero okay naman po sa akin kung iyon ang nagustuhan ni mama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN