Jennylyn Mercado and Derek Ramsay-starrer English Only Please adds 17 cinemas


Maituturing na sleeper hit ang 2014 Metro Manila Film Festival official entry na English Only Please na pinagbibidahan nila Jennylyn Mercado at Derek Ramsay.

Isang araw pagkatapos na humakot ng awards mula sa MMFF Gabi ng Parangal noong nakaraang December 27, 2014 ang naturang pelikula, including Best Actress and Best Actor for both Jennylyn and Derek, nag-sold out na sa mga movie theaters ang English Only Please.

Si Derek ay gumanap bilang si Julian, isang balikbayan na nag-hire ng isang tutor (played by Jennylyn) upang tulungan siya na matuto ng Tagalog upang maiparating ang kanyang nararamdaman para sa ex-girlfriend niya (played by Isabel Oli).

(To view list of winners of MMFF 2014, CLICK HERE)

Mula sa tweet ng nagsulat ng screenplay ng pelikula na si Antoinette Jadaone (@tonetjadaone) last December 28:

“Happy that ticket sales for #EnglishOnlyPlease are now picking up! Thank you for helping us spread the word! Kayo ang promo team namin hihi”

Pinost din ni Jadaone sa kanyang Twitter account ang “sold-out” screenings ng English Only Please sa Greenbelt and TriNoma cinemas.

Noong nakaraang December 30 ay nadagdagan pa ng 17 theaters ang naturang romantic comedy film.
Hanggang January 6 pa mapapanood ang English Only Please at puwede itong ma-extend after the MMFF theatre run.

(Read: MMFF 2014 REVIEW: Derek Ramsay and Jennylyn Mercado make a charming pair in English Only, Please)

Inamin ng producer ng English Only Please na si Atty. Joji Alonso na muntik nang hindi matapos ang kanilang pelikula at inakala niya na hindi sila makakasama pa sa MMFF.

Pero dahil sa tulong nga Eduardo Rocha, ang co-producer ng isa pang MMFF official entry na Bonifacio: Ang Unang Pangulo, sinaklolohan niya ang Quantum Films para matapos agad ang English Only Please.

Naiuwi pa ng English Only Please ang award for 2nd best picture ng MMFF 2014.

Originally ay sila Sam Milby at Angeline Quinto ang bida ng English Only Please. Pero dahil hindi pumwede ang dalawa, pinalitan sila ng isang “unlikely” tandem nila Derek at Jennylyn.

Hindi pa nagsasama sa anumang project sa TV or pelikula sila Derek at Jen, pero nagkaroon sila ng magandang chemistry dahil sa magandang pagkakasulat ng kanilang roles as Julian and Tere.

Parehong first time manalo ng acting awards sila Derek at Jen at dahil sa magandang reviews ng kanilang performance, hindi malayong manalo pa raw sila ng ilan pang awards pagdating ng awards season ngayong 2015.

Sa isang glowing review ng columnist na si Jessica Zafra, nabanggit nito na “overdue for stardom” na si Jen pero napakanatural ang pagkakaganap nito sa kanyang role as Tere Madlangsacay.

“Her Tere is fully believable and sympathetic—you can’t help but root for her.

“She’s beautiful, but doesn’t seem to know it…She’s not trying to make the audience like her, she’s showing the audience that she is like them.

“Most actresses think they have to deglamorize themselves to find their Everywoman quality; Mercado projects it by acting natural.”

Parehong magiging busy sa kanya-kanyang TV shows sila Derek at Jen ngayong 2015.

Si Derek ay magku-comedy naman via the TV5 sitcom na Mac & Chiz kunsaan kasama niya sina Empoy Marquez at Bianca King.

Si Jen naman ay magbibida sa bagong teleserye ng GMA-7 na Second Chances kunsaan co-stars niya sina Camille Prats, Rafael Rosell at Luis Alandy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN