Watch Now

Mamasapano producer wants to shake up the Metro Manila Film Festival

by Jerry Olea
Oct 26, 2022
edu aljur paolo mamasapano movie
Edu Manzano (left), Aljur Abrenica, and Paolo Gumabao (in combat uniform) lead the cast of the MMFF 2022 official entry "Mamasapano: Now It Can Be Told."
PHOTO/S: Borracho Film Production

“It has been a long, hard battle…”

Iyan ang pasakalye ng Borracho Film Production producer na si Atty. Ferdie Topacio sa mediacon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 official entry na Mamasapano: Now It Can Be Toldn, itong Oktubre 25, 2022, Miyerkules, sa Pandan Asian Café, Sct. Limbaga St., Quezon City.

Read: Natitirang apat na official entries sa MMFF 2022, inanunsiyo na

Tinalakay sa pelikula ang kuwento ng Mamasapano clash noong Enero 25, 2015 kung saan 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ang nagbuwis ng buhay.

Ratsada ng controversial lawyer, “Actually, sinali namin ito noong 2020, yung script. But it was not accepted. I didn’t know any better.

“Ngayon, suddenly we decided — although we had November 30 playdate fallback, National Heroes Day.

“We decided why not give it a try because, sabi ko nga, ang aim ng isang festival is to uplift the quality of movies in any country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung festival, parang fiesta iyan, e. Kasi last September, nakiusyoso ako roon sa Donostia, yung festival in San Sebastian, Spain.

“Pagkatapos sa Zurich film festival sa Switzerland. Ang gaganda nung mga entries! Talagang edgy, innovative, experimental!

“Sabi ko kasi, festival, fiesta. Di ba kapag fiesta, hindi niyo naman pinapakain yung mga bisita niyo ng ordinaryong pagkain?

“Hindi naman tapsilog, hindi naman tortang talong, di ba? Hindi naman daing. Espesyal, lechon, lechong baka, di ba? Relyenong manok.

“Sana yung mga festivals natin, ganun din. Although sabi ko, not to denigrate anyone, lahat ng genre naman ay necessary in a film industry.

“Comedy, drama, horror, lahat. Pero sana pag festival, a cut above. So, sabi ko, dapat i-elevate the level of entries.

“At timely nga naman, may mga senador na nagsasabi — although in a wrong way — bakit daw hindi competitive ang Filipino films? Napag-iwanan na tayo.

“Nung '80s, '90s, yung Korean movies, puro introspective iyan, e. Nung '70s, tayo ang darling ng Asian Cinema because of world-class films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May Genghis Khan tayo, Ora Pro Nobis, Oro Plata Mata, Anak Dalita. Andami, e! Even yung Ibong Adarna natin nina Mila del Sol, yung special effects nun, at par with Hollywood state of the art.”

Read: Senator Jinggoy Estrada clarifies statement about banning K-dramas in the Philippines

Ang Genghis Khan na idinirek nina Manuel Conde at Lou Salvador ay 1950 ipinalabas.

Ang Fight For Us: Ora Pro Nobis ni Direk Lino Brocka ay 1989 ipinalabas sa Cannes filmfest.

Ang Oro Plata Mata ni Direk Peque Gallaga ay unang proyekto ng Experimental Cinema of the Philippines (ECP), at 1982 ipinalabas.

Ang Anak Dalita ni Direk Lamberto Avellana ay 1956 ipinalabas, samantalang ang Ibong Adarna ni Direk Vicente Salumbides ay 1941 ipinalabas.

NO POLITICAL COLOR

Himutok pa ni Atty. Topacio, “Kaya lang naiwanan tayo dahil nga ang nangyayari, yun nang yun plus walang government support.

“Ang Korean government po, 1968, ni-limit nila ang foreign movies. Ni-lift lang nung 1990s. Look at where they are now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Korea is one of the three major industries of film production in the world, ha?! After Hollywood, after Bollywood… Hallyuwood na, yung South Korea.

“Siguro naman, it’s not going to be a quick fix, pero if little by little, mabigyan tayo ng incentive ng ating pamahalaan, at yung mga producers natin ay mag-level up, probably in a decade or so, we can be competitive.

“Kasi alam niyo, iyang Korean film industry, nagpo-produce ng income iyan para sa Korea, e.

“Dito, ha, kahit anong lakas nung movie mo, dito mo lang kinukuha ang pera, e. Hindi naman ganun kalakas sa labas. So, wala kang napo-produce, walang value added yung pelikula.

“Hindi katulad ng Korea, K-pop, K-drama, kumukuha sila ng kita from outside of Korea. Nagpapasok sila ng pera. It has become a major industry.

“Yun po ang panaginip ko dito sana sa ating movie industry. Sana, ha, sana! Napakaliit ko lang. I’m not by any means a major producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero in my own little ways, sana ay makatulong po tayo na maging competitive ang pelikula natin.

“So, yun lamang po ang aking aim dito. Sana, matanggal na yung pamumulitika sa ating movie industry na porke’t yung artista dito sa isang pelikula ay pink o yellow, ayaw mo nang panoorin.

“Porke’t pulahan, ayaw mo nang panoorin. Ako, I’ve always watched all as much as possible ng MMFF.

“In fact, alam niyo naman ang political affiliation ko, 'no? Pro-government ako even during the time of Duterte.

“Pero I have worked with Joel Lamangan dun sa Deception. Alam niyo naman ang political color ni Direk Joel.

“Ang scriptwriter ko sa Deception, si Easy Ferrer. E, ano yun, rabid Leni Robredo supporter. But art should transcend politics.

“Tama na yung pulitika. Dahil kapag pinulitika, boykot ito, boykot si Toni Gonzaga dahil Marcos, boykot si Nadine dahil Leni — walang mangyayari sa atin at kamote tayo lagi. May ulalo pa!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, umpisahan na sana natin, ha… sana, itong pangyayaring ito kung saan may narinig akong napupulitika pa itong movie na ito… sana, tumigil na ito.”

Inaasam ni Atty. Topacio na huwag box-office potential ng pelikula ang pahalagahan, bagkus ay balansehin sa merito.

“Siguro puwede naman, kailangan naman may gross, pero i-balance natin. Hindi naman pwedeng puro gross,” pagmamatwid ni Atty. Topacio.

“At least sa festival, magsakripisyo naman tayo. Saka na lang tayo bumawi kapag hindi festival.

“Labas mo na lahat ng appealing to the widest possible audience. Pero sa festival naman, let’s showcase the best. Hindi iyong yun at yun din.

“So, yun lang ang aking aim dito, yun ang aking panawagan sa MMDA. Nagpapasalamat din ako sa Screening Committee at sa Executive Committee for choosing Mamasapano as one of the entries in the 2022 Metro Manila Film Festival.”

atty. ferdie topacio

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE STARS OF MAMASAPANO

Ang Mamasapano: Now It Can Be Told ay idinirek ni Lester Dimaranan, mula sa panulat ni Eric Ramos.

Ang tatlong bida sa pelikula ay sina Edu Manzano bilang Gen. Benjamin Magalong, Aljur Abrenica bilang Lt. Franco, at Paolo Gumabao bilang Supt. Raymond Train.

Nasa cast din sina Alan Paule bilang Gen. Getulio Napenas, Rey “PJ” Abellana bilang Col. Pabalinas, Gerald Santos bilang Sgt. Lalan, Rez Cortez bilang Gen. Alan Purisima, Juan Rodrigo bilang Secretary Mar Roxas, at Jervic Cajarop bilang President Noynoy Aquino.

May special participation si Claudine Barretto bilang Mrs. Erica Pabalinas, at gumanap ng composite characters sina Ritz Azul at Myrtle Sarrosa.

Kabilang din sa cast ng Mamasapano: Now It Can Be Told sina Jojo Abellana, Ronnie Liang, Jim Pebanco, Tom Olivar, Rico Barrera, LA Santos, Marcus Madrigal, at ang Vivamax hunks na sina AJ Oteyza, Marco Gomez, Rash Flores, Elmo Elarmo, at Nathan Cajucom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil lalaki mga bida ng Mamasapano: Now It Can Be Told, wala silang panlaban sa kategoryang best actress ng MMFF 2022. Saan-saang kategorya sila palaban sa awards?

“This is an action movie, e. Although kung… eto, ha, sasabihin ko sa inyo… kung discerning yung mga hurado — hindi ko sila pinangungunahan, ha?!” bulalas ni Atty. Topacio.

“Kung discerning yung mga hurado, at they will go behind yung heavy drama et cetera, ang galing ng pagkaarte ni Edu Manzano rito as Gen. Magalong.

“So, sa akin, it doesn’t matter, e. Ang importante, napalabas at kung magkakaroon ng awards, it’s just icing on the cake.”

PRIVATE SCREENING

Nag-private screening ang Mamasapano: Now It Can Be Told noong Agosto 26, 2022 sa Baguio Country Club, Baguio City.

99% pa lang noon ang nagawa sa pelikula at hindi pa iyon naka-picture lock.

Nilinaw noon pa man ni Atty. Topacio na hindi iyon premiere, kundi test screening para matanto nila kung ano pa dapat i-tweak sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta sina Aljur at Paolo sa movie? Nakasabay ba sila sa akting ni Edu?

“Intense, intense! At pati pag-aaksyon nila, bumilib ako,” salaysay ni Atty. Topacio.

“Actually, the movie nung nakita kong tapos na, exceeded all our expectations. Napakaganda talaga.

“We owe it to the director. Ang ganda nung photography, maniwala ka! Very innovative si Paul Magsino. Pati yung editing. Siya na rin ang editor, e.

“So, it was really a collective effort. Kami yung nag-revise ng script. Ako na yung nag-compose ng theme song.

“Kami na rin ang naglagay ng musical scoring. Yung cinematography, location, kami na rin ang nag-location scout.

“Puro kami na rin. Sana pag pinalabas, hindi lang kami ang manood. May ibang manood.”

BOX OFFICE

Isa sa mga isyu ng MMFF ay nababawasan agad ng sinehan ang entries na mahihina sa unang araw ng filmfest. Naikonsidera ba nila iyon?

“Alam niyo, iyan ang isang depekto sa MMFF, ano? Pag nag-festival ka, ipatapos mo!” pagdidiin ni Atty. Topacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi hindi mo alam, e, kung sino ang gustong manood! It’s supposed to be a festival. You’re not supposed to narrow down the choices. Pinili mo lahat iyang walong iyan.

“Ibig sabihin, worthy contenders iyan. They’re worthy to be seen. Gawin mong rule dun sa mga theaters na huwag nilang ititigil kung sasabihin nilang mahina et cetera.

“Kasi marami, e, katulad ng kuwan, ha? Yung natatandaan ko, may magandang movie dati, yung Nilalang. Si Cesar Montano saka si Maria Ozawa.

“Maganda yung movie, e, pero ilang days lang nag-run. E, papaano kung word of mouth, kumalat. Gusto nilang panoorin.

“Any movie! Dapat kung ano yun — December 25 hanggang January 7 ba — ilang araw lang naman yun, e! Punuin mo na, di ba?

“Anong klaseng festival ka kung puro gross ang tinitingnan mo? Ha? Actually kaya sumali ako rito, one of the reasons is para ma-criticize ko sila, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi kung wala ako, e, wala akong karapatang mag-criticize. Ngayong nandito ako, e, bahala kayo sa buhay niyo. Mag-iingay talaga ako hanggang hindi niyo binabago ang sistema niyo.”

Idinikdik ni Atty. Topacio na dapat level up ang mga nakahaing pelikula sa isang festival.

“Kung yun at yun din, hindi na festival yun. It’s just another film showing, di ba? Iyon dapat ang mangyari diyan sa MMDA,” saad ni Atty. Topacio.

“Matagal na, e. Dati ganyan iyan, e. Yung mga magaganda ang inilalagay talaga sa festival. Ngayon, e, ganun nang ganun na rin, e. Wala nang pagkakaiba, e.

“Paano natin maa-uplift? E, di wala na! Huwag na kayong magtaka kung bakit yung mga Koreano, sila ang namamayagpag sa Asia pagdating sa mga movies at sa mga drama, pati sa music.”

Sabi-sabi, ang pangunahing audience ng MMFF ay mga bata. Kaya iyong mga pambatang pelikula ang umaariba sa takilya kung Kapaskuhan.

Talak ni Atty. Topacio, “Yun nga ang sinasabi ko. Bakit ka magpe-festival na you have a particular audience in mind? What’s the point?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, di gawin mo na lang yung Pasko, Metro Manila Children’s Film Festival, tapos! Di ba, gaguhan, e!

“Festival tapos iko-concentrate mo, puro pambata. O! Gawin mo nang Metro Manila Comedy Film Festival. OK lang yun, o?!”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Edu Manzano (left), Aljur Abrenica, and Paolo Gumabao (in combat uniform) lead the cast of the MMFF 2022 official entry "Mamasapano: Now It Can Be Told."
PHOTO/S: Borracho Film Production
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results