Watch Now

Celebrities spotted at MMFF 2022 Parade of Stars

by Khryzztine Joy Baylon
Dec 21, 2022
MMFF 2022 Parade of Stars
Celebrities from this year's Metro Manila Film Festival (MMFF) movies joined the MMFF “Parade of Stars 2022" held along Quezon Avenue on Wednesday, December 21, 2022.
PHOTO/S: Sany Chua

Muling nagbabalik ang taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong 2022.

Sa ginanap na Parade of Stars ngayong Miyerkules, December 21, 2022, nasilayan nang live at malapitan ng fans ang iniidolo nilang mga artista na tampok sa walong official entries ng MMFF 2022.

Ang naturang parada ay daan din para i-promote ng bawat kalahok ang kanilang pelikula na mapapanood simula December 25, 2022 hanggang January 7, 2023.

Sakay ng makukulay na karosa, binaybay ng bigating stars ng walong pelikulang kalahok ang kahabaan ng Quezon Avenue, mula Welcome Rotonda hanggang Quezon Memorial Circle.

Read: FIRST LOOK: MMFF 2022 Parade of Stars (The Floats)

Maliban sa mga bida, kasama rin sa parada ang kani-kanilang mga direktor.

Narito ang mga artistang lumahok sa ginanap na MMFF 2022 Parade of Stars:

Nangunguna sa parada ang karosa ng Family Matters, kung saan present ang mga bidang sina JC Santos, Agot Isidro, Mylene Dizon, Nikki Valdez, James Blanco, Ian Pangilinan, Anna Luna, at ang kanilang direktor na si Noel Naval.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MMFF 2022 Parade of Stars

Pumapangalawa sa parada ang karosa nina Jake Cuenca, Sean de Guzman, Quinn Carrillo, at Tiffany Grey—mga bida sa My Father, Myself.

MMFF 2022 Parade of Stars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa karosa naman ng My Teacher, spotted ang mga bidang sina Toni Gonzaga, Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Kakai Bautista, at Pauline Mendoza.

MMFF 2022 Parade of Stars

Nasa float naman ng Labyu With An Accent sina Coco Martin at Jodi Sta.Maria.

Bukod sa kanilang dalawa, present din ang iba pang cast ng pelikula gaya nina Zeus Collins, Neil Coleta, Nash Aguas, Jay Gonzaga, John Medina, Bassilyo, Smugglaz, Marc Solis, Sancho delas Alas, at Manuel Chua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MMFF 2022 Parade of Stars

Maaga namang nanakot ang cast ng nag-iisang horror film entry na Deleter sa pangunguna nina Nadine Lustre, Mcdoy De Leon, Louise delos Reyes, at direktor na si Mikhail Red.

MMFF 2022 Parade of Stars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa karosa ng Nanahimik Ang Gabi spotted sina Ian Veneracion, Heaven Peralejo, at Mon Confiado, at ang direktor nilang si Shugo Praico.

MMFF 2022 Parade of Stars

Makikita naman sa karosa ng Partners in Crime sina Vice Ganda, Ivana Alawi, Enchong Dee, Lassy Marquez, MC Calaquian, Eian Rances, Cai Cortez, Amanda Zamora, at ang direktor nilang si Cathy Garcia-Molina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MMFF 2022 Parade of Stars

Panghuli sa parada ang karosa ng Mamasapano: Now It Can Be Told, hindi man nakarating ang mga bidang sina Edu Manzano, Paolo Gumabao, at Aljur Abrenica, present naman ang iba nitong cast na sina Marco Gomez, Alvaro Tricia, at Elmo Elarmo.

MMFF 2022 Parade of Stars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrities from this year's Metro Manila Film Festival (MMFF) movies joined the MMFF “Parade of Stars 2022" held along Quezon Avenue on Wednesday, December 21, 2022.
PHOTO/S: Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results