Watch Now

Meet the cast of MMFF 2022 big winner, Deleter

by Nica Jose
Jan 1, 2023
Photo collage of the Deleter cast (left) and one of the Deleter posters featuring Nadine Lustre (right).
Photo collage of the Deleter cast (left) and one of the Deleter posters featuring Nadine Lustre (right).

Humakot ng awards ang pelikulang Deleter noong Gabi ng Parangal para sa Metro Manila Film Festival 2022.

And as of December 30, 2022, naungusan na ng Deleter ang Patrners In Crime, na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Ivana Alawi, sa takilya.

Read: Deleter overtakes Partners in Crime in MMFF 2022 box office? 3rd place is Family Matters

Matunog ang pangalan ni Nadine Lustre bilang bida sa pelikula.

Kilalanin din natin ang iba pang Deleter cast na tumulong para mas maging effective ang pagganap ng main character na si Lyra.

Read: Direk Mikhail Red, nasorpresa sa lakas ng Deleter sa takilya

Main Deleter cast

Nadine Lustre

Si Lyra ang role na ginampanan ni Nadine, ang pangunahing aktres sa pelikulang Deleter. At face value, mukhang laging kalmado ang kanyang karakter dito at hindi nag-aalala o natatakot sa mga nakikita nito sa computer monitor habang nasa trabaho siya.

Lingid sa kaalaman ng mga kasamahan at kaibigan ni Lyra, may tila giyerang namumuo sa loob ng isipan niya. Isa ito sa mga main premise ng pelikula–ang patuloy na pag-normalize ng mental health issues nang sa gayon ay mabigyan ang mga ito ng karampatang solusyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lingid sa publiko ang pagiging well-rounded ni Nadine pagdating sa entertainment sector. Kaya naman hindi na rin nakapagtatakang bukod sa pagganap sa mga pelikulang may magkakaibang genres, kabilaan ang projects niya para sa TV shows at concerts.

Ilan sa mga naging TV shows niya dati ang On the Wings of Love (2015) at Till I Met You (2016).

Naglakas-loob din siyang sumubok sa ventures, kagaya ng paggawa ng sarili niyang cosmetic line. Lustrous ang pangalan ng unang make-up collection niya under BYS (Be Your Self), isang Australian brand. Luster naman ang pangalan ng signature fragrance niya.

Photo of Nadine Lustre wearing a white turtleneck blouse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Louise delos Santos

Si Louise delos Santos naman ang gumanap bilang si Aileen, ang isa sa mga katrabaho ni Lyra bilang isang content moderator.

Bilang isang content moderator, responsibilidad ng mga kagaya nina Aileen at Lyra ang maging safe space ang mga websites.

Isa sa mga paraan para magawa ito ay sa pamamagitan ng pagharang–o pag-delete–sa mga online content na masasabing unsafe para sa consumption ng publiko.

Bilang deleters, kailangan nilang abutin ang quota sa isang araw. Kailangan din nilang tingnan ang maraming bayolente at nakakabagabag na eksena at mga larawang kailangan siyasatin bawat araw.

Dahil dito, nahirapan ang karakter ni Louise na makipagsabayan sa mga katrabaho, at Ito ang naging dahilan ng kanyang nervous breakdown.

Sa kabutihang palad, hindi naman lahat ng ibang naging mga projects ay may mga ganitong uri ng karakter na may masalimuot na buhay.

Isang magandang halimbawa nito ang pagganap Louise bilang Jess sa Tween Academy: Class of 2012 (2011). Sa pelikulang ito, binansagan siya bilang “high school sweetheart.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama niya rito ang mga personalidad gaya nina Barbie Forteza at Alden Richards.

Hindi rin malilimutan ang pagganap niya bilang Adana San Miguel sa Alakdana (2011), ang babaeng may buntot na animoy mula sa isang alakdan.

Photo of Louise delos Santos wearing a blue blouse.

McCoy de Leon

Si McCoy de Leon naman ang gumanap bilang Jace. Base sa mga narelease na trailers ng Deleter, isa si Jace sa mga kaibigan ni Lyra–or at least isang kakilalang nakakausap ng huli paminsan-minsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita rin siya sa ibang eksena bilang saksi sa mga makatindig-balahibong tagpong nahuhuli ng mga CCTV at maging ng uploaded videos na hindi pa nabubura mula sa servers.

Kung pamilyar ang mukha ni McCoy sa mga moviegoers, ito ay dahil una siyang nakilala sa Pinoy Big Brother at sa Its Showtime.

Isa siya sa mga miyembro ng all-male dance group na #Hashtags. Biro niya sa isang interview, mas kilala pa siya bilang si Hashtags kaysa bilang si McCoy.

Photo of McCoy De Leon Wearing a black shirt and a brown coat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jeffrey Hidalgo

Si Jeffrey Hidalgo ay makikilala natin sa pelikula bilang si Simon, ang boss nina Lyra at Aileen.

Lingid sa kaalaman ng ibang deleters na may problema si Lyra pagdating sa kanyang mental health, may ideya si Simon tungkol dito. In fact, siya pa nga ang nagbibigay kay Lyra ng mga gamot na pampakalma.

Para sa mga mahilig sa mga late 1980s to early 1990s OPM, malamang ay pamilyar sila sa grupong Smokey Mountain kung saan si Jeffrey ay isa sa mga orihinal na miyembro.

Kasama niya roon sina Tony Lambino, Geneva Cruz, at James Coronel.

Sumabak din siya sa iba pang pelikula gaya ng Silong (2015), kung saan siya ay gumanap na supporting actor sa katauhan ni Montez. Kasama niya rito ang leads na sina Piolo Pascual bilang Miguel at Rhian Ramos bilang Valerie.

Bukod sa pag-arte, nakilala na rin si Jeffrey bilang isang premyadong direktor, na nakapagdirihe na ng ilang pelikula at teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Last year ay ginawaran siya ng Best Director award sa 2022 International Film Festival sa New York para sa pelikulang Lampas Langit, na pinagbidahan ni Baron Geisler.

Photo of Jeffrey Hidalgo wearing a blue shirt and a black coat.

Humakot ang Deleter ng pitong awards sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Photo collage of the Deleter cast (left) and one of the Deleter posters featuring Nadine Lustre (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results