Watch Now

Here are Nadine Lustre's movies, roles, awards

by Nica Jose
Dec 30, 2022
Nadine Lustre bags Best Actress award at MMFF 2022 Gabi ng Parangal
Nanalong Best Actress si Nadine Lustre sa Gabi ng Parangal para sa pagganap niya sa Metro Manila Film Festival 2022 entry na Deleter.
PHOTO/S: Noel Ferrer

Mahigit isang dekada na rin si Nadine Lustre sa showbiz, at sa puntong ito ay naipakita na niya ang kanyang range sa pag-arte.

Mapa-comedy, drama, romance, at kahit horror, naipapakita niyang graduate na siya sa pagpapa-tweetums.

Pruweba rito ang pagganap niya sa lead role ng pelikulang Deleter, isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong 2022.

Sa ginanap na Gabi ng Parangal noong December 27, 2022, nanalo si Nadine bilang Best Actress.

Ito ang pang-apat na Best Actress award niya. Ang naunang tatlo ay mula sa Gawad Urian, FAMAS, at Young Critics Circle para sa portrayal niya sa Never Not Love You (2018).

Pero bago ang kanyang award-winning performances, nagsimula si Nadine sa bit roles.

Balikang tanaw natin ang mga pelikulang naging bahagi ng kanyang career bilang isang movie star.

Petrang Kabayo (2010)

Hindi naging bahagi si Nadine ng main cast para sa pelikulang ito na pinagbidahan ni Vice Ganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang karakter na si Dina Helena ay walang direktang pakikisalamuha sa eksena ng mga lead actors, at maikli lamang exposure niya sa buong palabas.

Whos That Girl? (2011)

Kumpara sa kanyang role sa Petrang Kabayo, mas mahaba-haba naman ang airtime ni Nadine sa pelikulang ito.

Nasungkit niya ang supporting role bilang si Marian, ang secretary ni Elizabeth Pedroza, na ginampanan ni Anne Curtis.

Diary ng Panget (2014)

Ito ang tinuturing na breakthrough film ni Nadine, kung saan gumanap bilang si Eya Rodriguez, ang female lead role sa palabas na ito.

Ang Diary ng Panget ay hango sa isang Wattpad novel na isinulat ni Denny R. tungkol sa isang teenager na maagang naulila.

Naging katambal niya rito ang kalahati ng JaDine love team na si James Reid.

Talk Back and You're Dead (2014)

Female lead role ulit si Nadine sa pelikulang ito at gumanap siya bilang si Sammy Perez, ang mistulang enemy turned lover ni Top Pendleton, na karakter ni James Reid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang isang pangunahing karakter, ipinamalas ni Nadine ang pagpapakita ng katauhan ng isang babaeng may paninindigan sa kabila ng mga nakikitang kamalian sa paligid niya, kasama na rito ang paglaban para sa kanyang wagas na pag-ibig.

Para sa Hopeless Romantic (2014)

Ito ang ikatlong pelikulang pinagbidahan ni Nadine.

Gumanap siya bilang si Becca Del Mundo, ang babaeng bumaling sa pagsusulat ng isang love story upang makabawi sa sakit ng pusong inabot nang makipag-break sa kanya ang kasintahang si Nikko Borja, ang pael na ginampanan ni James Reid.

Chain Mail (2015)

Kasama sina Meg Imperial at Shy Carlos, pinagbidahan ni Nadine ang kanyang kauna-unahang mystery horror film.

Tampok siya rito bilang si Anne Nuñez.

Ang Chain Mail, na tungkol sa isang grupo ng magkakaibigang nakatanggap ng chain letter mula sa isang di kilalang sender.

Napagdesisyuhan ng ilan sa magkakaibigan na ipasa ang mensahe, habang pinili naman ng iba na ipagsawalang-bahala ito, na naging mitsa ng brutal at madugong pagkamatay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Beauty and the Bestie (2015)

Supporting role ang karakter ni Nadine sa Beauty and the Bestie.

Gumanap siya bilang si Abi Villavicencio, ang kapatid ni Erika Villavicencio, na karakter ni Vice Ganda.

This Time (2016)

Bumalik sa pagiging bida si Nadine nang gampanan niya ang main role sa katauhan ni Ava Buhay, ang kababata ni Coby Martinez, role ni James Reid.

Bukod kay Nadine, gumanap din sina Junkyka Santarin at Karla Cruz sa parehong role ngunit para sa ibang timeline naman.

Never Not Love You (2018)

Sa romantic drama film na ito, binigyang-buhay ni Nadine ang karakter na si Joanne Candelaria, ang kasintahan ni Gio Smith, karakter ni James Reid.

Unang pinamagatang Five Years Later at Here's to the Fools, ang Never Not Love You ay tungkol sa pag-iibigang dumaan sa matinding pagsubok na tumagal ng ilang taon.

Ulan (2019)

Gumanap si Nadine bilang si Maya Landicho sa isa na namang romantic drama na handog ng VIVA Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katambal niya rito si Carlo Aquino na gumanap bilang si Peter. Umikot ang tema ng pelikulang ito sa pagmamahal at takot sa ulan kasama na ang paminsan-minsang paglabas ng isang tikbalang.

Indak (2019)

Sa kanyang kauna-unahang pelikulang may dance musical format, nakatambal ni Nadine si Sam Concepcion. Gumanap sila bilang sina Jen at Kevin, respectively.

Dito naipamalas ni Nadine ang kanyang talento sa pagsayaw sa saliw ng mga kantang tulad ng “Ikot-Ikot” at “Sumayaw sa Indak.”

Alin sa mga pelikula ni Nadine ang pinaka-memorable para sa iyo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanalong Best Actress si Nadine Lustre sa Gabi ng Parangal para sa pagganap niya sa Metro Manila Film Festival 2022 entry na Deleter.
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results