Watch Now

MMFF 2022 trivia: Standing for all seasons, "sensitive" presenter, bampira sa set, at iba pa

by Jerry Olea
Dec 31, 2022
Agot Isidro and Vilma Santos at MMFF 2022 Gabi ng Parangal
Binigyan si Vilma Santos (L) ng standing ovation sa Metro Manila Film Festival 2022 Gabi ng Parangal, habang isa naman sa mga presenters si Agot Isidro.
PHOTO/S: Noel Orsal

Wagi ang pelikulang Deleter ng pitong tropeo sa 48th MMFF Gabi ng Parangal noong Disyembre 27, 2022, Martes, sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.

Panalo ito sa mga kategoryang best picture, best actress (Nadine Lustre), best director (Mikhail Red), best cinematography (Ian Alexander Guevarra), best editing (Nikolas Red), best visual effects at best sound.

Ang Mamasapano: Now It Can Be Told ay nag-uwi ng limang parangal: second best picture, special jury prize, best screenplay (Eric Ramos), Fernando Poe Jr. Memorial award, at best original theme song ("Ang Aking Mahal").

Nakalimang parangal din ang Nanahimik Ang Gabi: third best picture, best actor (Ian Veneracion), best supporting actor (Mon Confiado), best production design (Marielle Hizon), at best musical score (Greg Rodriguez III).

Nakatatlong award ang My Father, Myself: best supporting actress (Dimples Romana), best child performer (Shawn Niño Gabriel), at best float.

Tog-isa ng award ang Family Matters (Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award) at My Teacher (gender-sensitivity award), samantalang parehong bokya ang Partners In Crime at Labyu With An Accent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"DARK" CHOICES DOMINATE MMFF 2022

Horror ang best picture na Deleter. Historical action-drama ang second best picture na Mamasapano: Now It Can Be Told. Suspense thriller ang third best picture na Nanahimik Ang Gabi.

Maraming eksena sa mga pelikulang ito ay gabi kinunan.

Biro ni Mon Confiado, para silang mga bampira sa set ng Nanahimik Ang Gabi na tulog kung araw, at gabi nagsu-shooting.

Mon Confiado, Ian Veneracion headline Nanahimik ang Gabi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DEATH MATTERS

Ang mga entries na may multiple awards na Deleter, Mamasapano: Now It Can Be Told, Nanahimik Ang Gabi, at My Father, Myself ay pawang may importanteng karakter na natigok.

Sa Deleter, pumanaw ang characters nina Louise de los Reyes at Jeffrey Hidalgo.

Sa Mamasapano, andiyan ang 44 SAF members.

Meron ding mga tegi bumblebee sa Nanahimik Ang Gabi at My Father, Myself.

IN-DEMAND STARS

Sinu-sinu ang mga artistang kasama sa dalawa o tatlong official entry ng 48th MMFF?Saang float sila sumakay sa MMFF 2022 Parada ng mga Bituin noong Disyembre 21?

Masustansiya ang role at maganda ang billing ni Rez Cortez sa Partners In Crime, kaya sa karosa nito siya sumama. Gumanap din si Rez bilang General Alan Purisima sa Mamasapano: Now It Can Be Told.

Rez Cortez at MMFF 2022 Gabi ng Parangal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama si Alan Paule sa cast ng Nanahimik Ang Gabi at My Father, My Self, pero sa float ng Mamasapano: Now It Can Be Told siya sumakay.

Absent sa parada sina Edu Manzano, Aljur Abrenica, at Paolo Gumabao na above the title ang billing sa poster ng Mamasapano movie. Sa closing credits ng Mamasapano movie, una ang pangalan ni Edu Manzano, at sumunod si Alan Paule, na gumanap bilang General Getulio Napenas.

Kasama si Nikki Valdez sa Labyu With An Accent, pero sumakay siya ay sa float ng Family Matters.

Tampok si Peewee O’Hara sa Family Matters at Partners in Crime, samantalang kasama si Jim Pebanco sa Mamasapano: Now It Can Be Told at My Father, Myself. Hindi sila namataan sa parada.

"SENSITIVE" PRESENTER

Sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal noong Disyembre 27, sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City, si Agot Isidro ang presenter sa isa kategorya.

Nominado rito ang mga pelikulang Nanahimik Ang Gabi, My Teacher, Deleter, at Family Matters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nagwagi ay ang pelikulang My Teacher, kung saan lead actress si Toni Gonzaga. Iyon lamang ang nakuhang award ng My Teacher.

Pagkatapos mag-present ng nasabing award, nasabi na lang ni Agot sa ilang nakitang showbiz journalists, “Ako pa talaga?!”

Parang akma ang kategoryang prinesent niya: Gender Sensitive. este, Sensitivity Award.

STANDING FOR ALL SEASONS

Sa unang pagkakataon, iginawad sa MMFF ang Marichu Vera-Perez Memorial Award.

Nang lumabas ang awardee na si Vilma Santos-Recto, nagpalakpakan at nagsigawan ang Vilmanians na nasa balcony. Nagtayuan ang audience sa orchestra, pero mangilan-ngilan lamang ang pumalakpak dahil karamihan ay vini-video si Ate Vi.

Maski iyong presenters na sina Mowelfund President Rez Cortez at Congressman Chris de Venecia ay nagbi-video!

Kaya ang unang namutawi sa mga labi ni Ate Vi bago magtalumpati ay, “Please sit down! Thank you, thank you!”

Kay Ate Vi lamang tumayo ang mga tao para magpugay.

BEST NA, STARS PA!

Mabilis ang awarding ceremony ng MMFF 2022 Gabi ng Parangaln, na more or less ay dalawang oras lamang. Walang production numbers. Mabibilis ang spiels ng hosts na sina BB Gandanghari, Giselle Sanchez, at Cindy Miranda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MMFF 2022 Gabi ng Parangal hosts Giselle Sanchez, BB Gandanghari, Cindy Miranda

Matapos tanggapin ni Ian Veneracion ang kanyang tropeo bilang best actor, andaming naglapitan sa kanya para magpa-selfie.

Pinagbigyan ni Ian ang mga gustong magpalitrato sa kanya kaya hindi agad siya nakabalik sa kanyang upuan.

Sina Ian Veneracion at Nadine Lustre ang tinanghal na Stars of the Night, at sila rin ang best actor at best actress ng 48th MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binigyan si Vilma Santos (L) ng standing ovation sa Metro Manila Film Festival 2022 Gabi ng Parangal, habang isa naman sa mga presenters si Agot Isidro.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results