Lotlot de Leon on doing MMFF movie with daughter Janine: “Natutulala ako pag tinitingnan ko siya.”

Lotlot de Leon (left) has found her niche as an indie actress as she is set to star in three indie films: Kabisera (with mom Nora Aunor), Dagsin and First Sem. Lotlot also co-stars with daughter Janine Gutierrez (right) in the MMFF 2015 entry Buy Now, Die Later.



Pinakaunang pelikula na magkasama ang mag-inang Lotlot de Leon at Janine Gutierrez ang horror/comedy movie na Buy Now, Die Later na entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Unang pelikula ito ni Janine, at introducing siya dito bilang young Lotlot kaya wala siyang eksena na kasama ang ina niya.

Saad ni Lotlot ngayong certified movie actress na ang anak niya, “Nakakatuwa! Ito naman ang gusto niya, e, and she works hard.”

May mga shooting days raw na pareho silang nasa set na kukunan sa magkaibang eksena, “Masaya, minsan natutulala ako pag tinitingnan ko siya.”


FASHION MUSE. Samantala, hindi na mabilang ang cover ni Janine sa mga magazines na puro high-end kaya itinuturing ito na fashion muse.

Pagmamalaki ni Lotlot, “Ang saya! Kasi ang peg sa kanya, mga fashion icons in the States.

“So nakakatuwa that they see Janine in that aspect here in the Philippines, nakaka-proud, siyempre!

“Nakaka-proud naman talaga pag nakita mo yung anak mo na ganun, all her photos are beautifully taken.

“They’re all elegantly beautiful, nakaka-proud; nakakamangha!”

Ano ang pinakamagandang advice o payo ang naibigay niya kay Janine?

“Lagi lang naman akong nagpapaalala na mahalin niya yung trabaho niya ’tapos isipin niya yung sarili niya.

“Kasi si Janine may pagka masyadong maalalahanin din pagdating sa ibang tao.

“So I always remind her na you have to do it because it’s for you, sa ikabubuti mo.

“Not for anyone else or everyone else, dahil gusto niyang gawin.”

Nagkaroon ng exclusive interview ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) with Lotlot sa Paranaque City.


MAKING INDIE. Magkasama naman sina Lotlot at ang ina niyang si Nora Aunor sa Kabisera, isa sa tatlong indie movies na ginagawa ni Lotlot kasama ang Dagsin at First Sem.

Ano ang satisfaction na nakukuha ni Lotlot sa paggawa ng indie films?

“Kasi never akong nagka-lead role ever since I came back to the industry, na in a movie.

“Yung mga indie na ginagawa ko, lead role ako, so nakakatuwa kasi napili din ako.

"Nabigyan ako ng pagkakataon na gumanap sa mga pelikula nila, and iba-iba siya ng istorya.

"It’s really good experience for me but, basically, it’s the same, it’s filmmaking.”

Kasama rin si Lotlot sa pelikulang I’ll Never Get Over You with Alex Gonzaga and Edgar Allan Guzman. At yung pelikula nila ni Nora Aunor na Kabisera ay tinatapos pa lang nila.

Ano ang masasabi ni Lotlot sa karangalang iginawad sa kanyang ina, ang Gusi Peace Prize bilang nag-iisang Filipino laureate?

“Very proud! Hindi naman na nakakagulat na maka-receive siya ng international award, e.”

Ang Superstar ay pinangaralan bilang laureate for International Excellence in Performing Arts and Cinema.

Si Lotlot naman ay nanalo ng Best Supporting Actress sa MMFF 2014 last year para sa pelikulang Kubot Chronicles, ganoon rin sa PASADO Awards para rin sa nabanggit na pelikula.

Sa Buy Now, Die Later ba ay umaasa si Lotlot na muling mabigyan ng parangal?

Aniya, “Ah, hindi naman ako nag-e-expect; it’s just very light, fun.

"Hindi ako na-stress na gawin siya. Masaya lang, feel-good.”

Kahit halos pareho ang tema ay magkaiba raw ang dalawang pelikula.

“I think ang role ko sa Kubot was longer, kasi itong Buy Now, Die Later, lima kami, e.

“Andun si Vhong [Navarro], andiyan si Rayver [Cruz], nandiyan ako, andiyan si Alex [Gonzaga] at saka nandyan si Sweet, si John Lapus.

“Ang istorya kasi nito is tungkol sa mga taong matataas ang hangad sa buhay.

“And the only way they can get that is parang makikipag-deal sila sa masama.”

Nanay na mahadera ni Alex ang papel niya sa Buy Now, Die Later.

“Gusto niyang sumikat yung anak niya; siya ay aspiring star.”

Kasama rin sa pelikula si TJ Trinidad. Ito ay sa direksyon ni Randolph Longjas at produced ng Quantum Films, MJM Productions, Inc., Tuko Film Productions, at Buchi Boy Films.


(Read: MMFF 2015 REVIEW: Good acting saves Buy Now, Die Later)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN