Nilalang director on Maria Ozawa: "May chemistry sila ni Cesar Montano."

In Nilalang, Maria Ozawa is cast as a Yakuza's daughter while Cesar Montano plays an NBI agent who is investigating a series of mysterious deaths.



Never daw naging issue sa Nilalang director na si Pedring Lopez ang pag-resign ni Robin Padilla sa kanilang project.

Naiintindihan ni Direk Pedring ang sitwasyon ni Robin noon dahil naging maselan ang lagay ng misis nitong si Mariel Rodriguez.

Ang Nilalang ang isa sa 8 official entries ng 2015 Metro Manila Film Festival na magsisimula bukas, December 25.

READ: Robin Padilla “begged off” not “backed out” from Nilalang, says his manager

“There wasn’t really an issue between me and Robin. I understood his situation. May asawa rin ako. Kung nasa maselang lagay ang misis ko, I would also do the same.

“Kaya it wasn’t an issue at all.

“Mas naging issue iyon kay Maria Ozawa [ang co-star sana ni Robin sa Nilalang].

“Akala kasi ni Maria hindi matutuloy ang project kaya sobra siyang na-upset that time.

“But everything is okay na between her and Robin. Peace na sila matagal na,” pahayag ni Direk Pedring nang makapanayam namin siya sa premiere night ng Nilalang sa Cinema 7 ng SM Megamall.

Si Cesar Montano ang pumalit sa role ni Robin. Tanging si Cesar lamang daw ang naisip si Direk Pedring bilang kapalit ni Robin.

Sa Nilalang, si Maria Ozawa ay gumanap bilang anak ng isang Yakuza samantala si Cesar ay isang NBI agent na nagiimbestiga tungkol sa mga misteryosong pagkamatay ng ilang babae.

“Age appropriate kay Cesar yung role.

“Saka yung pagkaastig ng character na para kay Robin ay bagay din kay Cesar.

“Actually, parang pareho lang sila ng kilos—yung astig, may angas ang character.

“When we found out that Cesar was available, we offered him the role immediately and he accepted it.

“Nasabi ko nga na kung hindi ito tatanggapin ni Cesar, I would have dropped out of the project,” diin ng direktor.

“Joyous experience” daw na makatrabaho si Maria, ang Japanese-Canadian actress na dating gumagawa ng porn films sa Japan.

May pagkakataon pa na nagkaroon ng injury si Maria sa kanyang wrist dahil sa isang fight scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Direk Pedring, “She surprised me kasi gusto niyang gawin ang mga stunts.

“Though we had a double for her, gusto niya na siya ang gagawa.

“We had no problem with her kasi para na rin siyang Pinoy kumilos. Everyone loves her on the set.

“I know that she is used to work sa mga malalamig na lugar. Dito sa atin, very humid at ang locations namin talagang mainit.

“Pero wala akong narinig na reklamo coming from her.

“Napaka-professional niya that’s why everyone loves her kasi nae-enjoy raw niya ang magtrabaho dito sa atin.”

Third feature film ni Direk Pedring ang Nilalang. Ang kanyang directorial debut ay isang French film na kinunan pa sa Paris.

Ang second project niya ay ang indie horror film na Binhi kunsaan bida sila Mercedes Cabral, Roxanne Barcelo, Cholo Barretto, at Akihiro Blanco.

[gallery id="8352"]


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN