John Lloyd Cruz gets praise from Honor Thy Father co-stars

Honor Thy Father is directed by Erik Matti (third from left, back row). This MMFF 2015 entry stars (from left, front row) William Martinez, Boom Labrusca, and Yayo Aguila as well as (from left, back row) Dan Fernandez, John Lloyd Cruz, Meryll Soriano, Krystal Brimner, and Khalil Ramos.



Sa ginanap na presscon ng Honor Thy Father, panay ang papuri kay John Lloyd ng mga kasama niya sa naturang Metro Manila Film Fest 2015 entry.

Directed by Erik Matti, ang Honor Thy Father ay entry ng Reality Entertainment na graded A ng Cinema Evaluation Board.

Sa action-drama movie na ito, si John Lloyd ay gumanap bilang si Edgar na gagawin ang lahat upang proteksiyunan ang kanyang pamilya. Nang madawit siya, ang kanyang asawa at anak sa isang scam, babalikan niya ang kanyang nakaraan bilang isang acetylene gang member.

(Read: MMFF 2015 REVIEW: John Lloyd Cruz shows sinister side in Honor Thy Father)

“Okay naman, puwede,” ang pabirong sinabi ni Meryll Soriano nang tanungin kung paano maging asawa ni John Lloyd sa pelikula.

“Hindi, nag-enjoy akong katrabaho si Lloydie. Yung story mabigat siya talagang drama, and I’m very honored to have worked with him.

“I’ve worked with him before in Betty La Fea and in passing lang yun. But this time it’s something that I am very excited to, you know, to show.”

Bilang mag-asawa, wala silang love scene ni John Lloyd sa pelikula.

“Nakaka-excite po,” ang pahayag naman ng child actress na si Krystal Brimner na gumaganap namang anak ni John Lloyd sa MMFF 2015 entry na ito.

Kinalbo sa pelikula si Krystal; mabuti at pumayag siya.

“Kasi po… ayaw po talaga ni mommy at ni daddy, ginawako po iyon kasi po iyon po ang totoo na artista,” paliwanag ni Krystal.

Unang beses na nakasama ni Dan Fernandez sa isang pelikula si John Lloyd. Si Dan ang isa sa mga kapatid ni JLC sa action-drama movie na ito.

“Sobra, ang galing!

“Walang artistang lalaki sa Pilipinas na nakakapagpaiyak sa akin.

“Actually sinabi ko ito kay Lloydie ilang beses na. Nung napanood ko ang ending ng Honor Thy Father, yung ending na wala pang music nun, sinabi ko kay Direk Erik, na I was carried away na talagang naiyak ako dun sa ending ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So sa akin isa sa, kung hindi sa siya ang pinakamagaling, isa siya sa pinakamagaling na artista sa bansang Pilipinas.”

Hindi raw siya umiiyak sa pelikula pero dalawang beses raw naiyak si Dan noong napanood niya ang A Second Chance.

“Kaya it’s an honor namapasama ako sa pelikulang ito.”

Naiiba raw ang husay ni John Lloyd sa Honor Thy Father.

SI John Lloyd dito, solid ang acting niya. He doesn’t speak much, pero may mga artista na nagda-dialogue, hindi nag-iisip, blangko.

“Pero hindi siya blangko, may laman ang utak niya.”

Challenging raw ang role dito ni Boom Labrusca.

“And ngayon ko talaga naramdaman kung papano talaga maging isang artista. “Proud ako na nakatrabaho ko si Direk Erik Matti. Wow!”

Inamin ni Boom Labrusca na nag-audition siya para sa role.

“Nung natanggap ako sobrang tuwang-tuwa ako.Kasi sinabi ko nga sa audition, fan ako ng On The Job.

Isa sa mga obra ni direk Erik ang OTJ. “Tapos nung nalaman ko na si Lloydie ang bida, e, sobra, sobrang saya tapos bilang isang artista yung makatrabaho mo yung, I mean, alam naman natin, si John Lloyd, siya yung pinaka, di ba, sa Pilipinas ngayon.

“Hindi lang magaling umarte, box-office, lahat natapos dito makikita natin yung lalim ng isang John Lloyd Cruz,” sinabi pa ni Boom.

“Hindi na yun kailangan sagutin.Alam naman ng lahat ng tao na magaling siya talaga,” ang sagot ni Yayo Aguila sa tanong kung magaling na artista ba para sa kanya si John Lloyd.

“Nung nalaman ko na kasali ako rito super-excited ako not just because of Direk Erik but kasi nga si Lloydie. Nung umpisa medyo inisip ko baka ma-intimidate ako, John Lloyd Cruz ito, di ba? So kailangan seryoso ako.

“Tapos nung nasa set kami sobrang gaan niyang kasama. But when it comes to work, pag talagang ayun na, mag-uumpisa na kayo, as in super mai-inspire ka sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na parang as someone na mas senior sa industriya, how I wish na lahat ng nag-aartista katulad niya. Yung may passion, na mararamdaman mo seryoso siya sa ginagawa niya. Pag trabaho, trabaho.

“Pagka-biruan, biruan. As in grabe, ang hirap i-explain! Dapat nandun ka. Makikita mo, seryoso siya, e, so mahihiya kang hindi mo ibigay yung best mo kasi pag nandun siya, inaaral niya lahat.

“Siyempre pangit naman kung pepetiks-petiks ka dun tapos si Lloydie seryoso.”

Kapatid naman ng karakter ni John Lloyd ang papel ni Khalil Ramos sa pelikula.

“For me yung role ko mismo kasi ibang-iba siya sa mga ginawa ko.

“Working with Kuya John Lloyd for the first time, kasi nauna ito sa A Second Chance, working with him for the first time, super honored din ako.

“Ang dami kong natutunan sa kanya, sa buong cast din. Super-dami kong natutunan sa kanila so very thankful din ako,” pahayag ni Khalil.


[gallery id="9133"]


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN