Sidelights and bloopers at Gabi ng Parangal 2015

(L-R) Jennylyn Mercado wins Best Actress; Atty. Joji Alonso, producer of Walang Forever and Buy Now, Die Later—which are Best Picture first placer and second placer, respectively (top); Maria Ozawa doing her production number (bottom); hosts KC Concepcion and Richard Gutierrez


Tapos na ang Gabi ng Parangal ng 41st Metro Manila Film Festival na ginanap noong Linggo, December 27, sa Kia Theater pero pinag-uusapan pa rin ang kontrobersiya ng disqualification ng Honor Thy Father ng Reality Entertainment sa best picture category,

Tuloy, hindi gaanong napagtuunan ng pansin ang sidelights noong awards night.

Na-delay ang announcement ng best picture winners dahil napagsama ng award presenter na si Janine Gutierrez ang third best picture winner at Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award na parehong napanalunan ng My Bebe Love.

Dahil pre-taped ang awards night, natagalan bago naayos ang problema na naging dahilan para mainip at magpalakpakan ang Kia Theater audience.

Nagsilbing hosts ng awards night sina Richard Gutierrez at KC Concepcion.

Hindi na na-cure ng direktor ng show ang maling pronunciation ni KC sa dayalogo dahil dayagolo ang sinabi ng aktres sa introduction nito sa best screenplay category.

Best picture presenters ang mag-asawang Carlo Caparas at Donna Villa. Natawa ng audience nang magbiro at magmura si Carlo ng, “Sealed po ang mga envelope kaya lang ang napuna ko dito, ang mga nanalo, Mar Roxas, Grace Poe, Binay, Duterte, p*t*ng-*n*…”

Pero wala nang reaksiyon ang mga tao nang sundan ng direktor ng, “Baka mabaril ko ‘ito.”

Hindi na napanood sa delayed telecast ng Gabi Ng Parangal sa TV5 ang “ impersonation" ni Caparas sa foul-mouthed mayor ng Davao City.

Samantala, may mga nagsabing hindi akma ang dance number ng adult film star na si Maria Ozawa sa okasyon. Masyadoraw sexy!

Nagmistulang tribute sa Honor Thy Father ang awards night dahil hinikayat ng winners at ng mga host na suportahan ang pelikula ni John Lloyd Cruz.

Hindi man nakadalo ang direktor na si Erik Matti pero naramdaman ang kanyang presence dahil sa written acceptance speech na binasa ng representative niya.

Tinanggap ni Matti ang parangal bilang pinakamahusay na direktor na ipinagkaloob sa kanya pero hanggang noong Lunes, December 28, masigasig siya sa pagbira sa mga tao na responsable sa disqualification ng Honor Thy Father sa best picture category.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dati-rati, nominado sa major categories ang mga pelikula at lead stars ng mga pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Binago ang rules dahil hindi nominado sina Cesar Montano (lead actor ng Nilalang ), Vic Sotto (lead actor ng My Bebe Love), Ai-Ai delas Alas ( lead actress ng My Bebe Love), pero nominado sa best supporting actor /actress categories ang kanilang mga co-star, gaya nina Alden Richards at Maine Mendoza (My Bebe Love).

Walang nagreklamo nang manalo sina Jennylyn Mercado, Jericho Rosales, at ang Walang Forever sa best actress, best actor, and best picture categories, respectively, dahil maganda naman talaga ang kanilang pelikula.

Si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films ang producer ng Walang Forever at ng Buy Now, Die Later, ang second best picture ng MMFF 2015.

Sa kanyang acceptance speech, pinuri ni Atty. Alonso ang mga producer at direktor ng Honor Thy Father at hinikayat ang mga Pilipino na panoorin ang lahat ng pelikula na kasali sa MMFF 2015.

“This should be a joyous moment, but I’m not that happy. I only wish that Honor Thy Father was also part of this category, and I mean that with all sincerity.

"Dondon Monteverde, John Lloyd Cruz, and Direk Erik Matti have created an outstanding film, and I would like to congratulate them for not stopping to dream and for continuing their advocacy in making meaningful films that would hopefully reach or touch the lives of people.

"After all, us filmmakers have nothing in mind except one thing, to entertain all of you, one thing to enlighten people perhaps in some way or another and hoping that we can move and touch the lives of people, and we can only keep trying and keep hoping.

"Sana po sa public, huwag naman po sanang dalawang pelikula lang ang panoorin niyo. Sana lahat po ng walong pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maganda ang motibo ng speech ni Atty. Alonso pero para sa mga nakakabasa ng mga social media post ni Matti, tila ang mga pelikula ng Quantum Films na big winners sa MMFF 2015 ang pinatatamaan ng direktor ng Honor Thy Father.

Para sa mga katulad namin na observer, hindi na bago ang mga pangyayari sa 41st Metro Manila Film Festival dahil taun-taon, hindi ito nawawalan ng mga eskandalo at kontrobersiya.

Hindi nagkakalayo ang mga isyu, iba’t-ibang tao lamang ang mga involved.

Pero taun-taon, kasali at sumasali pa rin sa Metro Manila Film Festival ang mga sangkot sa kontrobersiya. Nagkakasundo sila dahil nangingibabaw ang kanilang mga personal na interes at ang intensyon na “makatulong” sa local movie industry.



[gallery id="9143"]





[gallery id="9144"]


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN