Joshua Garcia auditioned to be Hashtag member; comments on his label as next John Lloyd Cruz

IMAGE Andreena Elinon

Joshua Garcia on being tagged as the next John Lloyd Cruz: "Sobrang nakakataba ng puso. Masaya, lalo na kasi idol ko si John Lloyd talaga."



Marami ang nagsasabi na ang Star Magic artist na si Joshua Garcia raw ang posibleng sumunod sa mga yapak ni John Lloyd Cruz.  

Bukod sa malaking pagkakahawig nila, marami rin ang nakakapansin ng ipinapakita niyang husay na sa pag-arte.
 
Sa 2016 Metro Manila Film Fest entry na Vince & Kath & James, si Joshua ang isa sa sinasabing napansin ng husto sa pelikula, maging ng screening committee ng MMFF.
 
May nagsasabi na ngang posible raw siyang lumaban sa pagka-Best Actor.

Sa announcement ng 8 official entries ng MMFF 2016, pinuri siya nang husto ni Mae Paner, isa sa mga members ng selection committee.

"Hindi ko siya kinaya. Parang crush ko na siya," inamin ni Mae sa MMFF press con na ginanap sa Club Filipino Greenhills last November.  

“OMG! Anong pangalan niya...Joshua Garcia? Maniwala ka, pagkatapos ng pelikulang ito, magiging big star siya. Alam mo, ang natural niya. Ang karakter believable tapos ang rapport nila ni Julie Barretto, fantastic!

“Alam mo, kaming eight [sa Selection Committee], kinilig kami. Ako rin kilig. Si Crispina [Belen], si Nick [Nicanor Tiongson] kilig na kilig. Imagine mo ‘yon?

“Hindi ko siya kilala in fairness. Ang kilala ko si Julia...hindi ko siya kilala. Pero alam mo, this film will really make it, ang husay niya.”

Si Joshua ay gumanap bilang Vince sa Star Cinema movie na ito na directed by Theodore "Ted" Boborol.

Ayon kay Joshua, “Hindi naman ako nag-eexpect kasi mas mahirap kapag nasaktan. Pero masaya po ako, sobra na pinupuri nila ako.”

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joshua sa December 13 blog con, sinabi ng 19-year-old actor, "Masaya ako, sobra kasi napansin nila ang pinaghirapan ko at pinaghirapan namin ni Direk na makuha.

"Masaya ako at sana hindi lang siya ang makapansin. Sana lahat rin ng manonood."
 
Sinagot din niya ang paghahalintulad sa kanya kay John Lloyd at sa sinasabing puwede siyang maging next John Lloyd Cruz.
 
“Siguro po ano, nakakatuwa po at saka nakakataba ng puso na sinasabi nilang next John Lloyd Cruz ako.  Actually, kinikilig po talaga ko kapag tinatawag nila ko.
 
“Idol ko po talaga si John Lloyd. Kahit ¼ or 1/8 ng narating ni Kuya John Lloyd, sana marating ko rin po,” saad niya.
 
First time naman na makapareha ni Joshua si Julia at kung sakali, posible raw na silang dalawa na ang gawing love team ng ABS-CBN.
 
Ayon kay Joshua, “Masaya po siyang ka-work at nagtutulungan kami sa bawat eksena. Sinisigurado naming magugustuhan ng mga tao. Sinisigurado naming may mapapanood na maganda ang mga tao.”
 
Dugtong pa niya,  “Sobrang saya ko na maka-partner ko si Julia.”
 
Ang isa pang bida ng Vince, Kath & James na si Ronnie Alonte ang nagsabi na nag-audition daw noon sa Hashtag si Joshua.
 
Hindi naman itinanggi ni Joshua na sinubukan niyang makapasok sa all-male group ng It's Showtime.
 
Pag-amin ni Joshua, “Yes po, nag-audition po ako sa Hashtag. Kaya lang, hindi nakapasok kasi, may project po akong gagawin. Pero sayang, e, ‘di sana mas nagka-bonding kami.”

Sa blog con kanina, sinabi ni Joshua na Born For You dapat ang naturang project. Ngunit, hindi rin natuloy si Joshua sa teleserye na pinagbidahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Sa halip, naging bahagi si Joshua ng Kapamilya afternoon series na The Greatest Love na kasalukuyang umeere.

Nanghinayang ba si Joshua na hindi siya nakasama sa Born For You?

"Totoo, masakit rin sa akin mawalan ng trabaho. Kasi matagal akong nawalan after ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

"Tapos natanggal rin ako sa Hashtag [pero inisip ko], siguro may magandang darating lang talaga."

What if i-consider siya uli upang maging miyembro ng Hashtag?

"Hindi. Parang hindi na para sa akin yun kasi tinanggal na ako nung una. Ayoko naman na pinipilit ang sarili ko.

"Hindi ako nagtatampo. Kung hindi para sa iyo, hindi ko na pinipilit ang sarili ko."

(To stay updated about the latest news about the MMFF, visit http://www.pep.ph/guide/mmff)




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN