Hashtags member Ronnie Alonte gets two movies in MMFF 2016

IMAGE Allan Sancon



Ang Hashtag member na si Ronnie Alonte ay may two movies sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Humarap si Ronnie sa isang blog conference para sa kanyang upcoming concert. Titled #KiligKing, ito ay gagawin sa Kia Theatre on December 17, sa ilalim ng direksiyon ni Marvin Caldito and produced by Dreamstar Events.

Isang taon pa lang si Ronnie sa showbiz since he was launched as a member of Hashtags last year pero naniniwala ang Dreamstar Events, at maging ang director niya na ready na si Ronnie to have his solo concert.

Handog daw ni Ronnie ang concert na ito sa kanyang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanya.

Pero hindi raw niya inaasahan na this early in his showbiz career ay magbibigay sa kanya ng break na magkaroon agad ng solo concert.

Ano ang pakiramdam niya na nagkaroon agad siya ng ganitong proyekto?

“Sobrang hindi ko ini-expect ang mga nangyari kaya di ko po alam kung paano sasagutin iyan. Pero super saya ko po sa mga nangyari sa akin,” pahayag ng 20-year-old Hashtag member.

Ano ba ang mayroon kay Ronnie Alonte  to be given this break?

Ayon sa kanyang director na si Marvin Calbito, “Nasa kanya ang title na Kilig King so definitely yung kilig automatic na sa kanya. The way he acts, performs, kumanta and even sa pakikipag-usap sa fans nararamdaman na agad nila na kinikilig sila. So for sure, sa concert na ito, mararamdaman ng audience ang kilig na iyan.”

Ano ba ang nagpapakilig kay Ronnie?

“Maraming beses na tinanong sa akin 'yan. Siguro simple lang po kasi mababaw lang naman po ako. Pag yung naiintindihan ako ng tao. Naiintindihan ako, kung ano ang trabaho ko ngayon. Masaya po ako ngayon lalo na at sinusuportahan ako ng mga fans,” sabi pa ng showbiz newbie na big fan ni Justin Bieber.

How are you preparing sa concert?

“I will be taking voice lessons. I have to push myself sa voice lessons. Magpapalakas din ako ng katawan para may energy ako sa concert,” wika pa ni Ronnie.

Marami raw siyang sorpresa sa kanyang mga fans sa concert kung saan guests niya sina Loisa Andalio, Julia Barretto, Bugoy Carino at ang crush ni Ronnie at Be My Lady female lead na si Erich Gonzales.

Wini-wish din niya na makasama mag-perform sa concert sina Maja Salvador at Vice Ganda.

Bukod sa nalalapit niyang concert, nakagawa na rin siya ng dalawang pelikula na parehong nakapasok sa MMFF 2016.

Ang isa ay ang light romance movie na Vince & Kath & James. Bida sa Star Cinema movie na ito sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ano ang role mo sa MMFF 2016 entry na Vince & Kath & James?

“Ako po si James na varsity basketball player na bad boy. Si Vince [Joshua Garcia] po ay pinsan ko at best friend ko na lagi kong kasama. Para ko na siyang kapatid. Si Kath naman po ay si Julia Barretto."

Ano kaugnayan mo kina Vince and Kath?

“Si Kath [Julia] siya po ang tipo kong babae. Siya po ang gustong ligawan. Gusto ko na maging kami. Si Joshua [Vince] pinsan ko na best friend ko at para ko na rin kapatid. Tinutulungan niya ako na diskartehan si Julia.”

Ang other film ni Ronnie ay ang horror film na Seklusyon kunsaan nakatrabaho niya ang award-winning director na si Erik Matti.

“May isa pa po akong movie titled Seklusyon. Mas una ko po ginawa ang Seklusyon. Grabe po katrabaho si Direk Erik.

“Nakakataba ng puso kasi Erik Matti yun. Kilalang-kilala siya ng masa sa mga movies niya nagwagi sa international festivals. Istrikto siya pero hindi ka niya ipe-pressure sa ginagawa mo. Yun ang maganda sa kanya.”

Nagpapasalamat si Ronnie na pinagkatiwalaan siya ng mga producer na maging bahagi ng dalawang movies na ito.

“Hindi ko po ini-expect na mangyayari ito kasi ang gusto ko po talaga before ay maging basketball player. Hindi ko po ini-expect na dito ang magiging trabaho ko. Kaya medyo nanibago ako at nahirapan din ng konti.

“May two movies ka,  teleserye tapos may single. Parang mabilis ang pagsikat mo. Now may concert ka pa.

“Nagugulat ako sa mga nangyari. Hindi ko po in-expect ito. Siguro tulong din sa akin ng Diyos. Tulong niya sa akin, sa pagsisikap ko. Nakita niya na nagbago na ako. Hindi na ako pasaway.”



(To learn more about this year's entries, read: MMFF 2016 boldly touted to be "renaissance in Philippine cinema")

(To stay updated about the latest news about the MMFF, visit http://www.pep.ph/guide/mmff)


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN