Piolo explains why Alessandra-Empoy movie pulled out from MMFF 2016

IMAGE Noel Orsal (Piolo)

Piolo Pascual (left) is one of the producers of Kita Kita, which stars Alessandra de Rossi at Empoy (right).


Dahil sa pagbabago sa pamantayan ng pagpili ng 8 official entries ng 2016 Metro Manila Film Festival, halos lahat ng pumasok na pelikula ay indie films.

Bago pa man ibinunyag ang napiling entries, na-pull out na ng Spring Films ang entry nitong Kita Kita.

Si Piolo Pascual ay isa sa co-owners ng Spring Films, kunsaan kasama niya sina Bb. Joyce Bernal, Erickson Raymundo, at Shayne Sarte.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pinaliwanag ni Piolo kung bakit pinull out nila ang romantic comedy film starring Alessandra de Rossi at Empoy.

Para sana sa MMFF 2016, ang Kita Kita ay sinulat at dinirehe ni Sigrid Andrea Bernardo, na direktor din ng indie films na Lorna at Ang Huling Cha-Cha Ni Anita.

Ani Piolo, “Actually, we pulled out, we got an entry, yung Kita Kita with Alex and Empoy under Spring Films, but we pulled out last minute.

"We just decided to re-edit, honestly, picture lock kasi, e. When you say picture lock, once you submit it, you can’t touch the movie anymore.

"We saw the film couple of times, we just thought na it needed some re-editing, and now we trimmed it to an hour and twenty-five.

"Masyado nang mababa yung attention span ng viewers natin, we just want to give them what they deserve.

“Being pulled out of the film fest, I guess it was a blessing because you know...I’m not saying we’re confident, [pero] para di na rin makasali sa kung anumang [isyung] nangyayari ngayon.”

Ngayong 2016, ito ang criteria na ginamit ng MMFF 2016 selection committee upang pumili ng Magic 8:





Malinaw daw kina Piolo ang mga bagong criteria, ngunit ayaw na niyang magbigay ng komento tungkol dito.

“We follow certain criteria. We were told naman about the criteria, so I guess it’s not for me to talk about their decisions because I’m also with ABS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m very much active with this business so anuman ang maging desisyon ng board, we have to respect."

ON TONI GONZAGA PROJECT. Sa nakaraaang interview kay Piolo, nabanggit nito na kung mayroon mang proyekto siyang gustong matuloy, ito ay ang Written In Our Stars na pagtatambalan sana nila ni Toni Gonzaga.

Naudlot lamang ito dahil sa pagdadalang-tao at panganganak ng TV host/actress.

Lagi pa rin namang sinasabi ng aktor na gusto niyang matuloy ang proyekto nila ni Toni, pero sa ngayon ay naghihintay na lang siya sa kung anong proyekto ang matutuloy.

“Di ko pa alam, e. There are lots of concepts na they wanna pitch, di ko pa alam kung ano ang magma-materialize.

“Pero, siyempre, if you will ask me, I still wanna work with Tin kasi sayang din naman yung nagawa namin. Nasimulan na namin ang Written In Our Stars.

"Let’s wait kung ano ang maa-approve ng production at ng mga boss natin.

“Projects? Marami naman, actually it’s a matter of time, and kung sino ang pupuwede, kung ano yung concept na puwede nang simulan, so dun tayo. Hanggang di pa nasisimulan, hintay lang tayo.”

Ang unang tambalan nina Piolo at Toni, ang Starting Over Again, ay isa sa highest-grossing movies ng Star Cinema noong 2014.

Ayon sa Star Cinema, kumita ito ng halos P500,000,000 matapos ang local at worldwide release nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN