Can Paolo Ballesteros duplicate his Tokyo Best Actor feat for MMFF 2016?

IMAGE Noel Orsal

Paolo Ballesteros on possibility of bagging a Best Actor award for MMFF 2016: "Kasi mas mahirap mag-expect, mahirap yung masasaktan ka, but I'm always hopeful."













Masasabing nae-enjoy ni Paolo Ballesteros ang best of both worlds.

Hindi man nakapasok sa 2016 Metro Manila Film Festival ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers kunsaan isa siya sa mga suporta ni Vic Sotto, pasok naman sa MMFF ang pinagbibidahan ni Paolo na indie film na Die Beautiful.

Pag-amin ni Paolo, “Yes! Well medyo, iyon, parang mixed emotions.

“Of course, siyempre masaya ako dahil nakapasok kami.

“But at the same time, parang, yun nga, kasi parang tradisyon na yung Enteng, di ba?

“Pag papanoorin mo nang Pasko at saka… and na-experience ko naman talaga yung… talagang nahirapan din kami sa paggawa ng Enteng Kabisote.

“Grabe din yung effort ni Bossing.

“Grabe yung effort from everyone na talagang inaabot kami ng madaling-araw, ilang araw ang mga fight scenes namin.

“So medyo may part na parang, ‘Ay, sayang naman hindi nakapasok!’

“Mas maganda sana kung dalawa, di ba? Mas bongga yun!"



BLOCKBUSTER BETS. Marami ang nagsasabi na sa walong MMFF entries, ang Die Beautiful at Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough ni Eugene Domingo lamang ang kikita at papanoorin ng maraming tao.

“Ano ba!

“Siyempre, yun nga, sabi ko nga, I’m sure naman lahat ng mga films na napili, pare-parehas na magaganda.

“And even yung mga hindi rin napili... dahil ako, firsthand, na-experience ko yung paghihirap namin dito sa mga shooting days namin, and I know na quality film din siya.

“So pantay-pantay lang 'yan. Depende na dun sa sinumang mamimili, depende na sa mga tao, depende na sa kanila kung ano ang gusto nilang panoorin,” diin niya.

Ang iba pang entries ay Kabisera, Oro, Sunday Beauty Queen, Reklusyon, Vince & Kath & James at Saving Sally.


AWARD REPEAT? Base rin sa opinyon ng marami, posibleng makuha ni Paolo ang pangalawa niyang Best Actor award sa MMFF 2016.

Unang nagwagi si Paolo bilang mahusay na aktor sa Tokyo International Film Festival nitong Oktubre para sa Die Beautiful.

“Ganun? Sino nagsabi?” at tumawa si Paolo.

Natural naman na matapos niyang manalo sa Tokyo ay malaki ang chance na siya rin ang maging Best Actor sa MMFF.

Pagpapakumbaba niya, “Hindi naman… kasi dun sa international, well, nagulat talaga ako nun, dahil  ang akala ko six films lang yung kasali sa amin.

“E, ang dami pala, parang sixteen.

“So nung nandun ako sabi ko, ‘Ay, paano kaya ako makakasungkit ng ano [award]?

“Pero dahil nga yung mga napagdaanan ko dun sa film, yung effort na in-exert naming lahat, ng buong team, tapos ako, pero never naman akong akong nag-expect, e.

“Kasi mas mahirap mag-expect, mahirap yung masasaktan ka, but I’m always hopeful.”

Biniro ba siya ni Bossing Vic na, ‘O, buti pa ang pelikula mo pasok sa MMFF!’?

“Hindi naman,” at tumawa si Paolo.

“Napag-usapan lang namin na parang, ‘O, walang papanoorin ngayon, ano Die Beautiful lang talaga ang papanoorin diyan,’” at muling tumawa si Paolo.

Natuwa naman daw ang mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga! para kay Paolo at sa Die Beautiful.

“I’m sure they’re very happy as well.”


PAOLO'S EDGE.  Ano ang reaction ni Paolo sa mga nagsasabi na malaking tulong na siya lang ang artistang may noontime show kaya malaking promotion mileage na iyon para sa Die Beautiful?

“Hindi ko kasi alam yung… na me may mga box-office na ganun. Alam ko naman parang yung basta maganda lang yung palabas, ganyan.

“Kung ano yung magandang pelikula iyon ang tatauhin,” pahayag niya.

Maganda ang 2016 ni Paolo.

Pagsang-ayon niya, “Yes! Siguro nagkaroon lang ng pagkakataon.

“Tamang pagkakaton lang, tamang panahon, sabi ni Ate Nidora.”



Stories We Are Tracking

MMFF 2016 touted to be
MMFF 2016 touted to be "renaissance in Philippine cinema"
MMFF 2016 officials deny snubbing big franchise films
MMFF 2016 officials deny snubbing big franchise films




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN