Why did Paolo Ballesteros cry over messages from family members, Maine Mendoza, Dabarkads?

IMAGE Noel Orsal

Paolo Ballesteros on his MMFF 2016 entry Die Beautiful: "Kung manalo, kung magtop grosser, that's the icing on the cake."



Naiyak si Paolo Ballesteros sa grand media conference ng Die Beautiful na ginanap sa Valencia Events Place sa Quezon City noong December 5.

Ang Die Beautiful ay isa sa mga official entries ng 2016 Metro Manila Film Festival na dini-distribute ng Regal Entertainment Inc.  Mapapanood ito simula sa December 25.

Naluha si Paolo habang ipalalabas ang video greetings sa kanya ng kanyang pamilya, partikular na ang kanyang kapatid na si Chiqui.

Nakatanggap rin siya ng mensahe mula sa mga showbiz friends at ang Dabarkads ng Eat Bulaga! dahil sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon. May mga nagbigay rin ng post-birthday greetings para sa 34-year-old actor.

Sabi ni Maine Mendoza, co-host ni Paolo sa Eat Bulaga, sa kanyang video message: "Habambuhay ko kayong papahalagahan sa puso ko.  Good luck sa movie, Kuya Pao! Sigurado ako maghi-hit ito sa Pasko dahil papanoorin namin lahat talaga iyan sa Pasko. Promise 'yan, Kuya Pao. Love na love kita."



Nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment media pagkatapos ng  presscon proper, naitanong sa kanya ang dahilan ng kanyang pag-iyak.

Pahayag ni Paolo, "Oo nga, kasi nga, tulad ng sinabi ko kanina, one-man-person kasi ako, e.

"One-man-team ako na kapag may projects na ginagawa, ayoko  kasi na may PA [personal assistant] kasi, alam ko kasi yung gagawin ko.

"And so, mahirap talaga, that's why choosy talaga ako sa mga trabahong pinipili ko, kasi ako nga lang ang gumagawa.

"And yun nga,  nakakataba nga ng puso na coming from those people na I've worked with, yun nakikita nila yung efforts na ginagawa ko."

Isang factor din sa pagiging emosyonal niya ay ang katotohanang ang pelikulang ito ang first starring role niya bilang isang aktor at nanalo pa siya bilang Best Actor sa Tokyo 2016 International Film Festival.

Aniya, "Other than that, it's my first leading movie.

"And it actually came at the time na medyo ganyan-ganyan yung time, di ba?

"Kasi nga, nagpahinga ako.

"So parang it's another opportunity na nagbukas and especially working with these guys [production staff of Die Beautiful] na hindi mo mararamdaman na trabaho talaga, e.

"And yung feeling ko, hindi lang ako artista rito, e. It's a collaboration of everyone else."

Sa puntong ito ay naintanong sa kanya kung may pressure ba sa parte niya lalo na't marami ang humuhulang magta-top ito sa box office?

Saad ng Eat Bulaga host, "Gaya nang sinabi nina Direk Jun [Lana], we're not after the awards naman talaga.

"I mean, kung manalo, kung magtop grosser, that's the icing on the cake.

"It's more of mas mapanood nila...kung mas marami ang makapanood, mas masaya, di ba?

"Kumbaga, mas marami ang makakapag-appreciate.

"Pero, kung magiging top grosser, thank you guys."

(To stay updated about the latest news about the MMFF, visit http://www.pep.ph/guide/mmff)



Stories We Are Tracking

Paolo Ballesteros on love scene with guy:
Paolo Ballesteros on love scene with guy: "Nag-rejoice ako!"
<em>Die Beautiful:</em> Scenes from official trailer
Die Beautiful: Scenes from official trailer




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN