Why did Rhian Ramos replace child star originally chosen for Saving Sally?

by Nikko Tuazon
Dec 9, 2016
Rhian Ramos is optimistic about moviegoers' support for her Metro Manila Film Festival 2016 entry Saving Sally. She became emotional after finding out that her film is part of MMFF 2016: "Nagulat ako and then like Avid, I cried and I cried some more."


Matapos ang mahigit sampung taon, ipapalabas na rin sa mga sinehan ang indie film na Saving Sally.

Ang pelikulang ito na directed by Avid Liongoren ay isa sa 8 official entries ng 2016 Metro Manila Film Festival.

Sa darating na December 25 magsisimulang ipalabas ang mga pelikulang kalahok sa MMFF 2016.

Nitong nakaraang November 18, opisyal na inanunsiyo ang walong pelikulang kalahok sa pinakamalaking film festival sa Pilipinas.

Dahil dito, hindi napigilan ng lead actress ng pelikula na si Rhian Ramos ang maging emosyunal lalo't matagal-tagal din ang tinahak ng pelikula bago ito maipalabas sa mga sinehan.

Read: MMFF 2016 official entries revealed

Kuwento ni Rhian sa (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press, "Nagulat ako and then like Avid, I cried and I cried some more. And then, I called everyone except Charlene [Sawit-Esguerra, screenwriter], I didn't know her number yet. And then, yeah, I ate some Banh Mi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kanina, December 8, ginanap ang grand press conference ng pelikula sa Victorino's Restaurant sa Quezon City. Kabilang sa mga dumalo ang tatlong lead stars at ang direktor at screenwriter ng pelikula.


Si Rhian ay gaganap bilang si Sally, isang estudyante at gadget inventor sa 2D animated at live action film na ito. Magiging ka-love triangle ni Rhian dito si Enzo Marcos, na gaganap naman bilang si Marty, at ni TJ Trinidad.

SECOND SALLY. Taong 2005 nang simulan ang pelikula ngunit 2010 na nang mapabilang si Rhian bilang lead star ng Saving Sally.

Kuwento ni Rhian, "Actually, I have the shortest [time] nga, e, from everyone. Everyone's been a part of the movie for mga 10 years but for Avid and Charlene, maybe more. But me, six years I've been a part of this film. So I shot it when I was 19. I'm 26 now."

Ang former child star na si Anna Larrucea na kilala sa pagganap nito sa Magic Temple ang naunang gaganap sana sa karakter ni Sally.

Isa raw sa mga dahilan kung bakit hindi na naipagpatuloy ang proyekto ay dahil nais nitong mag-focus sa kanyang buhay pamilya at sa kanyang mga NGO projects.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, naging mahalagang bahagi ang Saving Sally sa buhay ni Rhian dahil ito ang kauna-unahang beses na boluntaryo siyang nag-audition para sa isang movie project.

Kuwento ng Kapuso actress, "I'm very happy and emotional with this film kasi it was the first thing that I went to audition for on my own volition, without anyone telling me to. Kasi parang in GMA and ABS-CBN, or anything mainstream even in the movie industry, most of the time, they kind of just give you the part.

"And then you go, 'Parang gusto ko to so gagawin ko siya.' So this was my first experience na parang, 'I want to do that!' I want to make the choice and do this film, parang ganun."

Hindi inaasahan ng Sinungaling Mong Puso actress na siya ang mapipili sa huli lalo't marami rin siyang kapwa artista na nag-audition din para sa kanyang role.

Saad ni Rhian, "Without mentioning any names, a lot of girls from mainstream showbiz had already auditioned for the part and they were my friends and I heard about it and they told me about this movie also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala naman ako masyadong expectations kasi kung hindi nga nila nakuha, bakit ko makukuha? So may iba silang hinahanap ibig sabihin.

"So baka nagteteleserye acting kami or something, hindi ko alam 'di ba? So ayun, it was a real surprise to me naman na nakuha ko yung part and I was very happy and lucky to do it because we had so much fun doing the whole film."

Kung mabibigyan ulit ng pagkakataon, mag-o-audition ba ulit si Rhian sa para sa mga karakter na nais nitong gampanan?

Sagot nito, "Of course, kasi dati yung dahilan kung bakit hindi ako nag-o-audition is not because naman na parang, 'Alam niyo na dapat kung ano kaya kong gawin, panoorin mo show ko.' Hindi naman ganun, it was just I was never asked to.

"I feel like if I read a story that I like and gusto ko talaga na sa akin mapunta, e, 'di I'm gonna find my ways. I'm gonna go there talaga the way I did with this project."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy pa ni Rhian, "At saka parang this project also taught me to learn how to make decisions for myself, na I could decide what I want and what I don't want for myself.

"So that's also something I putting to practice now in my career lately na I want to be able to decide kung ano yung susunod kong gagawin."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



MMFF 2016.
Samantala, ilang netizens ang nadismaya at nagsabing hindi kikita ang MMFF ngayong taon dahil hindi na bahagi ng kompetisyon ang ilang sikat na box-office hit stars tulad nina Vice Ganda at Vic Sotto.

Naiintindihan naman ni Rhian ang reaksyon ng ilan sa mga pagbabagong naganap sa MMFF ngayong taon.

Aniya, "Maraming pagbabago na nangyari this year and I think usually, 'pag may change just like in our country, di ba? We knew that change is coming, do'n nagkagulo 'di ba? Nagiging magulo talaga yung first experience natin 'pag may nagbabago, di ba?

"This year, it's gonna be a little different. Siyempre, for all of us, I can't tell the future. I don't know kung magkano yung kikitain ng MMFF."

Ngunit umaasa ang aktres na bibigyan din ng pagkakataon ng Filipino moviegoers ang mga MMFF 2016 entries dahil dekalidad na pelikula ang mga napili.

Pahayag pa nito, "Personally, yung hope ko lang is parang bigyan din kami ng chance ng mga viewers. Kasi parang 'pag naririnig mo yung word na indie parang halos nagiging bad word na siya especially this month. Na parang feeling ng tao mabigat pero hindi naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung indie naman at mainstream parehyo lang naman, wala namang laban at hindi rin naman nila kailangang pumili ng isa lang. Puwede nilang panoorin lahat ng mainstream, 'tapos puwede rin nila panoorin lahat ng indie, alam mo yun?

"Walang dapat na maganap na kampihan, kasi wala namang away na ganun. I just hope that, I mean, 'Guys December niyo 'to and Christmas niyo 'to. Maging happy lang tayong lahat.'"


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


(To stay updated about the latest news about the MMFF, visit http://www.pep.ph/guide/mmff)


STORIES WE ARE TRACKING


Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhian Ramos is optimistic about moviegoers' support for her Metro Manila Film Festival 2016 entry Saving Sally. She became emotional after finding out that her film is part of MMFF 2016: "Nagulat ako and then like Avid, I cried and I cried some more."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results