Paolo Ballesteros: "Si 'junjun' [private part] ko ay naka-packing tape."

IMAGE Noel Orsal

Paolo Ballesteros reveals, "Yung mga bakas ng packing tape ay nandoon pa rin sa katawan ko." He used the tape to hide his private part when he transformed into female celebrities.



Aminado si Paolo Ballesteros na biggest break niya ang pelikulang Die Beautiful na isa sa official entries s 2016 Metro Manila Film Festival.

Sa naturang pelikula mula October Train Films at TheIdeaFirst Company, gumaganap si Paolo bilang isang transgender na kontesera.
 
Nagbunga naman ang kanyang mga pagtitiyaga nang kilalanin siya sa 2016 Tokyo International Film Festival bilang Best Actor para sa pelikulang ito.
 
Sa panayam namin sa kanya, inusisa namin kay Paolo kung ano sa tingin niya ang impact sa kanyang career ng pelikulang Die Beautiful?
 
“Kasi siguro, masasabi kong ito ay 16 years in the making, e. Kasi, bata pa lang ako, gusto ko na talagang maging artista. Bata pa lang ako, nakasulat na sa likod ng notebook ko iyong address ng Eat Bulaga at gusto kong sumali sa Mr. Pogi,” panimula ni Paolo.
 
Dagdag pa niya, “Kasi, gusto kong maging artista, gusto kong mag-perform.
 
“So eto nga, 16 years in the making and finally may dumating na isang ganitong project na tinatanggap internationally. I hope na mag-resonate din iyon sa atin dito sa MMFF, marami tayong mga Dabarkads at mga Filipino na open sumuporta sa mga movie.
 
“Masasabi kong parang ito na yung culmination ng lahat ng hirap at pagod ko, kaya kanina ay hindi ko napigilan, naiyak ako. Kasi, overwhelming talaga, e, kasi ang tagal kong hinintay ito at finally, eto na,” nakangiting paliwanag niya.
 
Nang nagbakasyon ka ng six months sa Eat Bulaga, may nag-offer ba sa iyo para lumipat sa ibang show?
 
“Wala, wala…. Mayroong nag-offer ng movies, pero iyong TV show ay wala. I guess kasi, alam nila na 16 years na ako at loyal talaga ako sa Eat Bulaga.”
 
Pero, sumagi ba sa isip mo noon na posibleng hindi ka na makabalik sa Eat Bulaga?

“Of course not,” mabilis na sagot ni Pao. “Kasi we are family nga, e. Kumbaga, sa isang pamilya, kapag nagkamali ba ang anak mo ay itatakwil mo na?
 
“Same with Trisha here sa movie, itinakwil ba siya? Hindi naman, kumbaga, pinalayo, ganyan-ganyan. Pero at the end of the day, pamilya pa rin kayo, e.
 
“So, confident ako na ganoon ko sila kamahal, na ganoon ko kamahal ang trabaho ko. And after 16 years, I guess, confident din ako na mahal nila ako, mahal namin ang isa’t isa.”
 
Sa Q & A naman nang naturang prescon, inusisa si Paolo kung ano ang reaction niya sa mga nagsasabi na dahil sa kanyang pagkapanalo bilang Best Actor ay nakahanay na siya nina Nora Aunor at Jaclyn Jose?
 
Sagot ni Paolo, “Unang-una, siyempre very humbling, kasi ay hindi ko rin naman talaga ine-expect iyon. Kumbaga, ginawa ko lang naman talaga yung… binigyan ko lang ng effort talaga yung role and with the help of Direk Jun and everyone else. At saka hindi lang naman ako iyon e, it’s the whole Die Beautiful team. So, very thankful…”
 
Dagdag pa niya, “Matagal na akong nag-aartista, pero kumbaga ay ngayon lang talaga mula sa pagkabata ko ako nagkaroon ng pagkakataon. So, I’m very excited kasi this is my first, biggest break ko ito. And personal ito sa akin, dahil unang-una, iyon nga, hindi lang ako artista rito, make-up artist din.”

Aniya, malaki ang sacripisyo na ginawa niya para sa Die Beautiful.
 
“Hindi lang kami nag-prepare rito emotionally, physically, I mean yung mga bakas ng packing tape ay nandoon pa rin sa katawan ko. And I think it will stay forever na. Kasi, ayaw niyang matanggal,” nakatawang pahayag pa ni Paolo sa presscon ng naturang pelikula na ginanap sa Valencia Events Place last December 5.
 
Sinabi rin ni Paolo na although Eat Bulaga ang priority niya, nakaka-inspire daw gumawa ng mga tulad ng pelikulang Die Beautiful.
 
“Unang-una, before the award, noong napanood ko na iyong movie and during yung ginagawa namin iyong movie, it was very inspiring talaga. I think siguro, kahit isang movie a year [gagawa ako], kasi ay Eat Bulaga pa rin talaga ang priority ko, e. Always EB ang priority ko, pero nakaka-inspire talagang gumawa ng mga ganoong klase ng pelikula.
 
“Talagang nakaka-inspire lalo na siyempre noong na-recognize. Lahat naman ng effort, kapag naman may project ako, same effort naman ang ginagawa ko.
 
“Ako ang klase ng tao na mahilig sa challenges. Mahilig ako na china-challenge ko ang sarili ko. Kumbaga, kung hindi man siguro mahigitan, pero yung level ng, alam mo iyon? Iyong effort, iyong level ng performance, ay ganoon lagi.”
 
Ang Die Beautiful ay mula sa pamamahala ni Direk Jun Robles Lana. Tampok din dito sina Luis Alandy, Joel Torre, Gladys Reyes, Albie Casino, Inah de Belen, Christian Bables, IC Mendoza, Cedrick Juan, at iba pa.
 
Kung sumali talaga si Pao sa beauty contest, sino kaya ang gagayahin niya?

“Sino ba ang gagayahin ko?” Sagot-tanong niya hang nag-iisip. “Si Pia Wurtzbach, kasi siyempre, siya ang Miss Universe, e.”
 
Kung naging ganoon ka, sino ang gusto mong magmahal sa iyo, kung ikaw ang papipiliin? Iyong lalaki ha?
 
“A, lalaki ba? Kasi sasabihin ko sana, iyong anak ko e,” natatawang tugon niya.
 
Iyong lalaki dapat ang sagot, hirit pang tanong sa kanya sa presscon.
 
“Secret,” nakatawang pakli naman ni Paolo.
 
Sino ba ang crush mo, kung naging girl ka? Kunwari lang naman e, kung naging girl ka?
 
“Kunwari lang naman, hindi ba? Hypothetically, ang ultimate crush ng mga [beki]… si Piolo [Pascual],” tila napilitang sagot naman ni Pao.
 
Siya rin ba ang ultimate crush mo?
 
“Ay hindi, na-Google ko lang iyon, e,” nakatawang saad pa niya.
 
Pahabol pa ni Pao, “At saka si Keanu Reeves…”
 
Pero, matanda na raw iyon e, reaksiyon pa ng ibang kasama sa press.
 
“E, yun nga ang mga gusto ko, e,” nakatawang ulit ni Paolo.
 
Ano yung relasyon mo kay Luis Alandy sa movie?
 
“Well, iyong sa amin ni Luis, magandang part ng istorya iyon e. Kasi, siya iyong parang pinaka-true love, ganyan. Tapos, may twist, hahaha!
 
“Kasi sa role ko rito, wagas akong mapagmahal dito, e. I mean, gusto niya talagang magkaroon ng asawa, kasi may anak siya. So, ibinigay niya iyon kay Luis and ganoon din naman ang naramdaman ni Luis.”
 
Kay Albie, ano ba ang relasyon niyo?
 
“Masarap!” Pabirong saad ni Paolo. “Hindi, iyon ang motivation, siyempre yung sa character iyon. Kasi noong college, siya naman yung aking super crush,” nakangiting paglilinaw pa ni Pao.
 
Natikman mo ba ang super crush mo?
 
“Secret, hahaha!” nakatawang sagot ng Eat Bulaga Dabarkads.
 
Sa lahat ng ginawa mong make-up transformation, ano yung pinaka-challenging?
 
“Unang-unang nahirapan ako, siguro si Beyonce. Kasi parang three weeks ko siyang pina-practice. Kasi parang pa-start pa lang ako noon, e, bago pa lang. So, yun iyong ninakamatagal kong ginawa. So, yun ang pinakamahirap.
 
“But iyong pinaka-challenging talaga ay yung ginawa ko sa Japan na dalawa. Bilang, yun nga, ako lang mag-isa at hindi lang make-up ito, kumbaga, the whole thing. Like, pinacking tape yung tiyan ko na mag-isa lang ako at tapos si ‘junjun’ [private part] ko ay naka-packing tape rin,” nakatawang saad ni Paolo.
 
Dagdag pa niya, “Ang call time namin doon ay three o’clock, ang red carpet ay mga 6 pm. So, nag-start ako, mga 9 o’clock ay nagme-make-up na ako. Tapos siguro mga 11 o’clock, naka-packing tape na si ‘junjun,’ hindi na ako umiihi.
 
“Siyempre after ng red carpet, magdi-dinner kami, may wine-wine pa. May pa-party pa yung festival…. So, si ‘junjun’ nakaganoon, kawawa naman, e,” nakatawang pahayag pa ni Paolo.

(To stay updated about the latest news about the MMFF, visit http://www.pep.ph/guide/mmff)



Stories We Are Tracking

Paolo Ballesteros cries over messages from Maine, Dabarkads
Paolo Ballesteros cries over messages from Maine, Dabarkads
Paolo Ballesteros on love scene with guy:
Paolo Ballesteros on love scene with guy: "Nag-rejoice ako!"




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN