Will Eugene Domingo have kissing scene with Jericho Rosales in MMFF 2016 entry?

Eugene Domingo on Ang Babae sa Septic Tank 2 leading man Jericho Rosales: "Yung comedy sa kanya natural."



Dalawang taon din nagpahinga ang premyadong aktres na si Eugene Domingo. The last film she did was Barber’s Tales, directed by Jun Lana, for which she won the Best Actress award at the Tokyo International Film Festival.

Pero nagbabalik-pelikula na si Uge sa Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough na isa sa competing entries sa Metro Manila Film Festival 2016 na magsisimulang ipalabas sa December 25, araw ng Pasko.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Countdown to MMFF 2016 na ginanap sa SM North EDSA Skydome si Miss Uge at nagpahayag siya ng happiness, excitement, and gratefulness sa pagbabalik-pelikula niya.

Bakit natagalan ang iyong comeback sa movies? By choice ba yun?

“Oo, kasi kailangan ko munang magpahinga. Sa movies lang naman ako nagpahinga pero tuloy pa rin naman ang TV show ko. Perfect timing naman ang paggawa ng Septic Tank 2 na sequel because everybody here is so inspired. Ang ganda! Ang perfect ng cast. Perfect ang script. It’s the perfect family movie this Christmas,” wika ni Ms. Uge.

Iniwasan ni Ms. Uge na mag-worry kung mapipili ba sa festival ang Septic Tank 2 na sinulat ni Chris Martinez at dinirek ni Marlon Rivera. Nasa kanyang mga producers daw ang concern sa bagay na ito.

Pero ano ang expectations mo na napili ang pelikula bilang isa sa official entries?

“Ang expectations ko? Wala naman actually pero ang gusto ko ay mag-enjoy sila sa pelikula at kiligin sila kasi masaya, e, lalo na kung dadalhin nila ang barkada nila. Laugh trip ito. Dalhin mo ang family mo, barkada mo, boyfriend mo, girlfriend mo. Basta kikiligin ka sa movie. Yung Septic Tank 1 is about poverty. Dito naman crush na crush kaming lahat. Mararamdaman mo na lahat kami in love,” sabi pa ng Golden Screen Award best actress winner for Ang Babae sa Septic Tank.

Ayon pa kay Eugene, very light at masaya ang atmosphere sa set ng kanilang pelikula. Mabilis sila natapos ng shoot dahil lang cast members ay game na game kaya very positive at masaya silang lahat habang ginagawa ang pelikula.

Marami ang nagsasabi na ang maglalaban sa pagiging number sa box-office ay ang Ang Babae sa Septic Tank 2 at ang Die Beautiful na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros, na nagwagi ng Audience Choice Award sa Tokyo International Film Festival.

“Ang ganda naman ng prediction na iyan. Tatanggapin ko ang prediction na iyan. Sige, oo pero hintayin natin ang Pasko. Gusto ko talaga, iniimadyanin ko talaga na pilahan nila ang Septic Tank. Gusto ko iyan,” masayang pahayag ng aktres.

How different is this from Septic Tank 1?

"Yung Septic 1 kasi naka-focus siya sa pagsali sa international film festival, sa paggawa ng indie film and then Septic Tank 2 is connection niya sa mga mahilig manood ng romantic comedies.

"Yung mga fans nina Bea, John Lloyd, Jericho, Kristine, lalong-lalo na Ms. Sarah Geronimo, ang mga followers nila, they will really enjoy this film. At saka, sino naman ang di gustong ma-in love pag nanonood ng sine, di ba?

Kumusta naman si Jericho Rosales bilang co-star?

“He is very funny and very cooperative.  He is serious in a funny way. Sineseryoso niya ito. Si Jericho, very light saka kwela. Magaan at mapagbiro sa lahat ng tao. Yung comedy sa kanya natural,” ani Ms. Eugene.

Nang tanungin siya kung may kissing scene sila ni Jericho, sagot ni Ms. Eugene, "Secret! Panoorin na lang nila ang pelikula."

How was it like working with Joel Torre?

“Joel Torre is a very good actor. He is my indie hero. Parang namulat ako sa paggawa ng pelikula, lalo na ng indie film, kay Joel Torre. Tribute ko ito kay Joel Torre kasi crush ko siya. Oo, siya ang long time crush ko. High school pa lang ako tapos indie hero ko pa siya tapos nakasama ko pa siya sa mga soap sa ABS-CBN. Up to this day, crush ko pa rin siya. Habang nagkakaedad, lalong gumagwapo. Juicy talaga. Di ba, dapat yummy?

"Eugene Domingo nasasarapan kay Joel Torre. Ayan may pang headline ka na. Pero totoo iyon. Matagal na niyang alam na crush ko siya. Siya nga ang tunay na pag-ibig ko sa Marina."

Excited na ba kayo to show Septic Tank 2?

"Excited kami na maipalabas sa festival ang Septic Tank. Ginagawa pa lang namin ito, excited na kami kasi parang perfect lahat. Perfect ang timing, perfect ang casting, perfect ang material. We were very happy doing it so pag ipinalabas, ang saya. Finally maii-share na namin yung movie sa sinehan sa lahat ng tao. Masaya ito.”


(To stay updated about the latest news about the MMFF, visit http://www.pep.ph/guide/mmff)



Stories We Are Tracking

Scenes from <em>Ang Babae sa Septic Tank 2</em>
Scenes from Ang Babae sa Septic Tank 2
MMFF 2016 touted to be
MMFF 2016 touted to be "renaissance in Philippine cinema"




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN