Did Ronnie Alonte outshine his Seklusyon co-stars?

IMAGE Noel Orsal

Hashtags member Ronnie Alonte denies allegations that he has outshone some of his more "senior" co-stars: "Pero hindi po ako nakikipag-kumpetisyon sa mga kasama ko sa showbiz. Kahit na sa kabilang istasyon o mga kasama ko d'yan, hindi po talaga."



Marami ang nagsasabing masuwerte ang newbie aktor na si Ronnie Alonte dahil kasama siya sa dalawang pelikula na pasok sa Magic 8 ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF): ang Vince & Kath & James ng Star Cinema at ang nag-iisang horror movie na Seklusyon ng Reality Films.

“Paano ko sasagutin ‘to?” natatawa niyang sabi nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa pocket presscon ng Seklusyon na ginanap kamakailan sa opisina ng Reality Entertainment/Mothership sa Scout Bayoran, Quezon City.

Ayon kay Ronnie, “Sa tingin ko, siguro si God, nagdarasal ako sa kanya dati na, 'Lord, sana kahit anong mangyari, bigyan mo lang ako ng trabaho sa showbiz, kahit na ano, basta makatulong lang ako sa pamilya ko sa showbiz, kahit na ano, okay na 'ko run.'

“'Kahit extra, kaibigan dito, basta nakikita ko sa TV, okay na ko run.'”

Medyo nagulat kami sa sinabi niyang “basta makatulong siya sa pamilya niya,” dahil marami naman ang nakakaalam na galing siya sa may kayang pamilya ng mga Alonte sa Binan, Laguna.

Breadwinner ba siya?

Sabi niya, “Hindi naman po.

“Kasi, okay naman po ang family ko.

“Mga kapatid ko, nagtatrabaho rin po.

“Pero gusto ko pang makatulong. Gusto kong bumawi sa kanila.

“Hanggang sa dumating sa akin na ‘eto na, mas maganda na hindi ka nag-eexpect. Hintayin mo lang.”


UPSTAGING HIS CO-STARS? Sa Seklusyon, apat silang gumaganap na mga deacons kasama ang dalawang baguhan din na sina Johnvic de Guzman, JR Versales, at si Dominic Roque.

Pero sa kanilang apat, natalbugan pa raw niya kahit ang mas matagal ng artista sa kanya na si Dominic dahil siya raw ang lumalabas na pinakabida sa MMFF movie nila.

“Hindi ko po alam, e, siguro masaya.

“Pero hindi po ako nakikipag-kumpetisyon sa mga kasama ko sa showbiz.

“Kahit na sa kabilang istasyon o mga kasama ko diyan, hindi po talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya lang ako at sa tingin ko, bini-bless ako ni God, kasi talagang pinapakita ko sa mga tao kung ano ko at totoo lang po ako.

“Kung ano ang nakikita niyo on-cam, off-cam, ganun din ako.”

ART IMITATES LIFE? Kung sa pelikula ay isang deacon ang karakter ni Ronnie, sa totoong buhay, hindi raw sumagi sa isipan niya ang mag-pari.

Natawa pa ito nang tanungin namin.

“Hindi po, hindi po talaga,” sabi niya.

Ano ang naging dagdag na kaalaman sa kanya nang gumanap siyang deacon?

“Na-realize ko na hindi pala lahat ng magpapari, walang kasalanan.

“Nagsisinungaling din pala sila,” pakli niya.

Sa palagay niya, hindi kaya mag-react ang Catholic church sa pelikula nila?

Aniya, “Oo nga, e.

“Tingin ko, may magre-react at magre-react po.

“Pero, trabaho lang. Ginawa lang po namin ang movie na ito, ito ang movie namin at kailangan naming gawin.

“Ang importante pong tanong, kung totoo bang nangyayari at sabi naman nila, talagang nangyayari.”

PRESSURE. Ang horror films ang madalas na nakakasama sa mga top-grossing films ng MMFF.

May pressure ba sa kanya bilang siya ang bida sa Seklusyon?

Dasal niya, “Sana, sana, sana, e, sobrang kinakabahan din ako.

“Kasi, siyempre, baka puwedeng sa akin maano.

“Kung mahati man, siyempre, puwedeng sa akin ibato.

“Baka sabihin nila, si Ronnie Alonte kaya hindi kumita, si Ronnie Alonte lang.

“Hindi kagaya sa kabila, may Julia Barretto, may Joshua Garcia, Star Cinema rin.”

Hindi ba niya hinahangad na maging Best Actor?

Pag-amin ni Ronnie, “Hindi ko po ine-expect. Ang daming kalaban, e.

“Sobrang baguhan ko naman po para mag-expect ng talagang Best Actor.”

(To stay updated about the latest news about the MMFF, visit http://www.pep.ph/guide/mmff)



Stories We Are Tracking

Seklusyon intl version will have nudity but not MMFF version
Seklusyon intl version will have nudity but not MMFF version
MMFF 2016 touted to be
MMFF 2016 touted to be "renaissance in Philippine cinema"





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN