Ronnie Alonte sad over missing Seklusyon's world premiere at Macao film fest

IMAGE Noel Orsal

Ronnie Alonte on not being able to attend Seklusyon's world premiere at the International Film Festival & Awards Macao: "Gustung-gusto ko po talaga kasi ito yung first na movie kong gagawin 'tapos Erik Matti pa po 'tapos hindi po ako makakasama dun, sobrang lungkot ko po."



Ikinalungkot ng ABS-CBN actor na si Ronnie Alonte na hindi ito nakasama sa international premiere ng pinagbibidahan nitong pelikula, ang Seklusyon na idinirihe ni Erik Matti.

Kabilang ang nasabing pelikula sa 1st International Film Festival & Awards Macao (IFFAM), kung saan umani ng magandang reviews mula sa foreign film critics ang director's cut ng horror film. 

Ang co-stars ni Ronnie na sina Dominic Roque, Neil Ryan Sese, at Phoebe Walters ang nakasama sa Macau, China kung saan ginanap ang nasabing festival.

Kalahok din ang Seklusyon sa 2016 Metro Manila Film Festival 2016 at magsisimulang ipalabas sa mga sinehan ngayong December 25.


Ayon kay Ronnie, ang kanyang hectic schedule ang pinakadahilan kung bakit hindi ito nakasama sa nasabing international film festival.

Bukod sa Seklusyon, ang pelikula ni Ronnie na Vince & Kath & James kung saan kasama nito si Julia Barretto at Joshua Garcia ay kabilang din sa MMFF 2016. 

Araw-araw din nakikita ang Hashtag member sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.

Kaya naman, nahihiya si Ronnie sa direktor ng kanyang kauna-unahang pelikula na hindi ito nakasama sa world premiere ng horror film na ito.

Ani Ronnie, "Sobrang nahihiya po ako unang-una kay Direk [Erik Matti] at sa [Reality Entertainment] sa nangyari kasi hindi ko na po talaga alam ang gagawin kung pano makasama dito. Kasi gustung-gusto ko po talaga kasi ito yung first na movie kong gagawin 'tapos Erik Matti pa po 'tapos hindi po ako makakasama dun, sobrang lungkot ko po.

Dugtong pa nito, "Kasi minsan lang po yun mangyari kaya sayang po talaga."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Ronnie at iba pang cast members ng Seklusyon sa grand press conference noong December 16 sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City.

Sa nasabing press conference, sinabi ni Direk Erik na naiintindihan nito ang naging dahilan ng aktor kung bakit hindi nakasama ang young actor sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Sinabi ko pa nga sa kanya, 'Ngayon dalawa yung pelikula mo this year, lahat MMFF. After this super mainstream na lahat ng gagawin mo. You may not even have the chance to go to another festival.' Kasi sisikat na siya, e. 'di ba? Pero siyempre hindi naman niya kontrolado lahat ng puwede niyang gawin."

Kuwento pa ni Ronnie, sinubukan rin nitong pilitin ang Star Magic upang payagan siyang makasama sa Macau. Sabi ni Ronnie, "Talagang pinipilit ko at ginagawan ng paraan para makasama kaso medyo hindi pinayagan so ayun po, sininunod ko na lang kung ano yung desisyon ng nasa taas."

Dagdag pa nito, "Hindi naman po [ako naglupasay] pero nagmakaawa ako na, 'Baka po pwede talaga kasi minsan lang po yun at saka maganda din sa tingin ng tao na makapunta ako sa mga film fest.' E, wala pa rin po ako nagawa."

Narito ang mga litrato ng Seklusyon cast na dumalo sa world premiere sa Macau:



From Facebook page of Reality Entertainment





(To stay updated about the latest news about the MMFF, visit http://www.pep.ph/guide/mmff)




Stories We Are Tracking

Dominic Roque on his butt exposure:
Dominic Roque on his butt exposure: "Makinis naman daw."
Seklusyon intl version will have nudity but not MMFF version
Seklusyon intl version will have nudity but not MMFF version




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN