Here's why Seklusyon child star Rhed Bustamante is compared to The Exorcist's Linda Blair

Director/producer Erik Matti on why he decided to cast Rhed Bustamante in the MMFF 2016 horror entry Seklusyon: "This girl is really a professional and ang pinaka-biggest talent ni Rhed talaga is kaya mo siyang timplahin. Pwedeng pa-taas, pwedeng mababa [ang acting] which for a young girl like her, mahirap yun tantsahin 'di ba?"



Malaki ang tiwalag binigay ng producer/director na si Erik Matti sa mga baguhang aktor at aktress na kinuha nito upang magbida sa 2016 Metro Manila Film Festival entry na Seklusyon.

Kabilang sina Ronnie Alonte, Dominic Roque, John Vic De Guzman, JR Versales, Rhed Bustamante, at Phoebe Walker sa period-horror film na ito.

Sa press conference ng pelikula noong December 16, ipinaliwanag ng direktor kung bakit mga baguhan ang kinuhang nilang artista para sa MMFF 2016 entry na ito.

Aniya, "We wanted to showcase for this particular story a more realist mix of actors, more realistic in a sense na they're new faces, new talents. At para rin hindi magovershadow dun sa horror story yung name nung artista.

"And on the other hand, for us Reality Entertainment, we wanted to launch a few actors hoping that maybe eventually we could use them in so many other films that we're having.

"We're building our own roster of talents."

Dagdag pa ni Direk Erik, "Ang gusto ko naman sa mga baguhan, kasi raw 'di ba? Kung ano nararamdaman nila, lumalabas. For example, for a time si JR kasi probinsyano siya, di ba? Nako-conscious siya sa tono niya na Bisaya.

"'Tapos sabi ko, 'Kaya nga kita kinuha kasi Bisaya yung tono 'di ba? Para yung tono iba-iba 'di ba?' So 'tsaka lang siya nag-relax, si John Vic din.

"Siyempre, ang malaking takot talaga ng artista 'pag baguhan sila is, 'Ano direk okay ba ako?' Or ayaw nila mag-experimento kasi natatakot sila na hindi naman sinabi ng direktor. So yun yung mga binabalanse namin."


RHED BUSTAMANTE. Pinuri naman ng diretor ang naging performance ng child star na si Rhed Bustamante sa pelikulang ito.

Ang 9-year-old child actress ay gaganap bilang si Anghela Santa Ana, isang pinaniniwalaang nagmimilagrong bata ngunit nababalot ng kababalaghan.

Ilang child stars din daw ang kanilang pinag-audition para sa karakter na ito at si Rhed ang kanilang napili dahil sa husay na ipinakita nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Direk, "We looked at maybe around 15 to 20 kids and ang hirap salain no, because a lot of them are really good. Pero mahirap, iba yung pag hinahanap mo kung ano yung prinoproject niyang essence.

"Maybe, she's one of the last few that I looked out sa dami ng natignan ko. She comes highly recommended by my assistant director, nakita na niya yung [kaya niya] so I tried her.

"Of course, ang una ko talagang titignan sa bata is kung kaya niya bang kumuha ng direksyon."

Patuloy pa niya, "This girl is really a professional and ang pinaka-biggest talent ni Rhed talaga is kaya mo siyang timplahin.

"Pwedeng pa-taas, pwedeng mababa [ang acting] which for a young girl like her, mahirap yun tantsahin 'di ba?"

Inihambing din ni Direk Erik ang husay ni Rhed sa American actress na si Linda Blair na kilala sa pagganap nito sa 1973 classic horror film na The Exorcist.

"I remember nung cinast nila sa Exorcist si Linda Blair, kailangan nila ng medyo adult mag-isip. Si Rhed can really think like an adult so madali kong na-explain sa kanya.

"Siyempre maselan yung gagawin niya kasi parang demonyo yung prinoportray niya, so hindi mo alam kung mae-explain mo ba ng tama sa bata yun nang di siya maguluhan, which came out really, really well."

May tyansa rin daw si Rhed na makakuha ng acting award sa 42nd edition ng MMFF para sa kanyang performance sa Seklusyon.

"I really think, of course there's Eugene Domingo in the roster of actresses, but Rhed is gonna give them a run for their money, matindi talaga.

"And sisihin niyo ako 'pag napanood niyo at sinabi niyong, 'Ay, niloloko lang kami ni Direk!' Kasi hindi talaga, ang galing ng batang ito."


MMFF RULING. Samantala, umani naman ng maraming positive reviews ang kanilang pelikula sa international premiere nito sa katatatapos lang na Macao International Film Festival 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Seklusyon international version will have nudity but not MMFF 2016 version

Pahayag ni Direk Erik, "We were warmly received by the people of Macau. Actually, our reviews are already coming out. The audience is a mix of Filipinos, foreigners, and locals so mukhang masaya naman."

Tinanong din ng press si Direk Erik kung sakaling magiging dahilan din ba ito ng disqualification ng kanilang pelikula sa awards night gaya ng nangyari sa huling MMFF entry nito, ang Honor Thy Father na pinagbidahan ni John Lloyd Cruz.

Paglilinaw ni Direk Erik, maayos na raw ang bagong MMFF ruling tungkol sa bagay na ito.

Aniya, "Yung rules kasi Philippine premiere lang yung hinihingi ng MMFF, but at the same time, kami siyempre naging issue samin 'yan last year, yung sa Seklusyon namin na 'to, international cut siya so hindi siya kapareho nitong ilalabas namin sa MMFF.

"Yung ruling ng MMFF, Philippine premiere lang so kailangan dito unang-una ko siyang maipapalabas.

"Yung issue nila last year, hindi yung sa Cinema One. Yung issue nila, nagpalabas kami sa ibang festival sa abroad. Pero wala na ngayon yung rule na 'yan."



Stories We Are Tracking

Dominic Roque on his butt exposure:
Dominic Roque on his butt exposure: "Makinis naman daw."
Seklusyon intl version will have nudity but not MMFF version
Seklusyon intl version will have nudity but not MMFF version




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN