Kabisera producer RJ Agustin debunks rumors insinuating that Nora Aunor is difficult to work with

IMAGE Ruel Mendoza

Kabisera producer RJ Agustin on rumors insinuating that Nora Aunor is difficult to work with: "On our part, wala kaming naging problema with her. From day one na kinausap namin siya, nagkaroon kami ng story conference hanggang sa first shooting day, walang naging problema."



Bilang batang producer ng pelikulang Kabisera, inamin ni RJ Agustin na bago sila nagsimulang mag-shoot, marami na siyang naririnig na hindi magagandang salita tungkol kay Ate Guy.

Nariyan ang mga tsismis na unprofessional daw ito at baka lang daw malugi sila kapag ito ang kinuha nilang bida ng pelikula.

“It’s true na may mga naririnig na akong mga comments na ganyan...

“Na baka maproblema lang kami kay Ate Guy.

“I guess, those talks are coming from people na nakatrabaho si Ate Guy before.

“Baka nga may hindi sila naging magandang experience with her.

“Pero on our part, wala kaming naging problema with her.

“From day one na kinausap namin siya, nagkaroon kami ng story conference hanggang sa first shooting day, walang naging problema,” pag-amin ni RJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Kabisera sa Salu Restaurant noong nakaraang December 12.

SCHEDULING PROBLEMS. Ang naging problema raw kung bakit natagalan matapos ang pelikula ay dahil sa magkakaibang schedule ng cast.

Paglinaw ni RJ, “Kung may problema man, yun ay ang schedule ng buong cast.

“Most of the scenes kasi ay magkakasama yung pamilya na binunuo nila Ate Guy, Ricky Davao, Jason Abalos, JC de Vera, Ronwaldo Martin, and the rest.

“Na-shoot na yung mga individual scenes nila.

“Pero yung family scenes na buo sila, yun ang hindi makunan-kunan kasi dahil hindi nagtutugma ang mga schedules nila.

“Like si Ate Guy, she was doing the teleserye Little Nanay noon. May mga teleserye rin sila Direk Ricky, Jason, and JC.

“Kaya naghintay kami ng availability nilang lahat.

“Pero noong mangyari na nga iyon, we wasted no time at kinunan namin sila para matapos yung movie.”

Hindi nga ini-expect ni RJ na makakapasok bilang isa sa official entries ng MMFF 2016 ang Kabisera dahil may mga malalaking pelikula ang nakasabay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong 2015 MMFF hindi kami nakapasok. Script pa lang kasi ang hinihingi nila noon.

“Pero this time, natapos na namin ang movie at yun ang naipakita namin sa MMFF screening committee.

“We weren’t expecting anything talaga. Pero noong i-announce na pasok ang Kabisera, para kaming nabunutan ng tinik sa dibdib.

“Lahat ng hirap, sakripisyo at pasensya sa pagtapos ng Kabisera was all worth it,” ngiti pa niya.

THANKFUL. Blessing nga raw na this year nakapasok ang Kabisera. Kung nakapasok daw sila last year, tiyak na matatalo raw sila dahil malalaking pelikula ang makakasabay nila.

“We’re thankful na hindi kami nakapasok last year.

“Kasi kasabay namin was the movie of Vic [Sotto] and Ai-Ai [delas Alas] plus AlDub [Alden    Richards and Maine Mendoza] na My Bebe Love.

“Tapos, may Vice Ganda and Coco Martin movie na Beauty and the Bestie.

“E, yun ang mga gustong panoorin ng mga tao. Karamihan mga bata ang audience.

“Kaya mas maganda ang timing ngayon. Tsaka very timely ang story ng Kabisera.

“When we started shooting, wala pa si President Rodrigo Duterte pero ang story namin ay tungkol sa drugs at extrajudicial killings.

“Parang nagkataon lang na yun ang naging issue ngayon sa paligid natin.

“I guess isa yun sa naging merit ng Kabisera dahil sa very timely ang story at siyempre, hindi mo naman matatawaran ang performance ng mga artista natin sa movie.

“Lahat sila award-winning stars. It’s something to look forward to when Kabisera opens on Christmas Day,” masaya niyang pahayag.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN