Iza Calzado to Die Beautiful director: "Thank you for introducing me to the world stage."

IMAGE Noel Orsal



“Actually, cameo lang talaga ako dito, mga four scenes, as myself," ang sabi ni

Iza Calzado tungkol sa 2016 Metro Manila Film Fest entry na Die Beautiful.

“Pero gusto ko talagang suportahan ang pelikulang ito at ipakita at iparamdam kay direk Jun at kay Paolo at kay Mother Liliy ang aking suporta.

“Thank you for making me a part of this film.”

Bida si Paolo Ballesteros sa Die Beautiful sa direksyon ni Jun Lana. Entry ito ng Regal Entertainment, Inc. ni Mother Lily Monteverde sa MMFF 2016.

“At talagang na-flatter ako na ginaya niya ako. Inihanay niya ako kina Julia Roberts at Angelina Jolie, ‘teh!

“And thankful ako kay Direk Jun din kasi recently I was in Hanoi for a film festival, tinatanong nila ako, ‘So what movie was she in?’

“Wala akong ibang masagot na alam nila kundi yung Barber’s Tales at saka itong Die Beautiful. And someone from the Tokyo International Film Festival and sabi niya, ‘I really like your scene,’ so thank you Direk!

“Thank you for introducing me to the world stage, di ba, to the global stage.”
Umani ng papuri sa Tokyo IFF ang Die Beautiful kung saan nanalo pa nga si Paolo bilang Best Actor.

Ani Iza, “Kaya siguro ang panawagan ko lang sa publiko, sinuportahan ito sa ibang bansa so sana tangkilikin ng ating mga  kapwa Pilipino ngayong MMFF.

“At lahat po sana ng pelikula ay suportahan natin.”


ON MMFF CHANGES. Hiningan namin si Iza ng comment tungkol sa “naiibang” MMFF ngayong taong ito, na lahat ng entries ay indie movies.
Ang mga ito ay ang Die Beautiful, Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough, Seklusyon, Saving Sally, Vince & Kath & James, Oro, Sunday Beauty Queen, at Kabisera.

Para sa iba ay tama lamang pero ang iba naman ay hindi natutuwa sa mga pangyayari.

“Well, cameo lang ako dito like I said but yun nga, I’m still part of the film and I’m grateful.

“Sayang nga yung Ilawod, kasi iyon talaga ang film ko sana that we were hoping to be part [of the MMFF], but we started a bit late, hindi umabot.

“We didn’t get to finish it in time.

Ilawod means parang agos pababa. It’s current.”

Pinanghinayangan daw ni Iza na hindi nila natapos ang pelikula para umabot sa MMFF deadline of entries. Ang Ilawod ay horror film ni Iza kasama si Ian Veneracion.

“Oo naman! Feeling namin makakapasok  talaga kami,” at tumawa si Iza. “Kasi

nakita na namin yung mga edited scenes, sabi namin, lahat talaga kami, ‘Dapat pasok ito talaga!’

“Pero, I mean I’m so happy for the films that were chosen, to be part of the eight films.  I know that there’s this whole controversy na parang naging ano siya bigla, parang mainstream versus indie.

“But I mean, Star Cinema is still there, Vince & Kath & James.

“Parang feeling ko lang, baka it’s also a good way for us to give our own audience a different kind of MMFF.

“And parang what happened din is parang November 30, dun na yung… at least nagkaroon pa rin naman sila ng slot.”

Noong November 30 ipinalabas ang “supposed” MMFF entries na Enteng Kabisote 10 and the Abangers at ang The Super Parental Guardians, at December 14 naman ipinalabas ang Mano Po 7: Chinoy.

“I mean, I don’t know nga, e. Naiisip ko din, could it have been parang like fifty-fifty, but they’re all films so parang dapat… pare-pareho naman silang lumaban  I guess?

“And… I don’t know what I’d say except, I like the selection?

“And I mean siyempre wala naman akong… I can’t say that I don’t like any of them, I can’t… di ba?

“But my thing is like we should still support all of these films because they’re all Filipino-made. And tutal we’re celebrating Philippine cinema and we should not… parang just because our films are not there we should not mean that we’re not supporting the MMFF anymore.

“And I think these films also deserve their spotlight and finally deserve the chance to be in the spotlight perhaps.

“And maybe next year, then like more mainstream selections will be part of it, it depends.

"Maybe it’s also, I dunno, maybe things will be a little bit different din next year, I dunno.

“But for this year since nandiyan na, e. Dapat happy lahat na tayo.

“And yung mga pelikulang hindi nakapasok , I’m sure kikita din lahat yun,

kumbaga napanood and mapapanood din naman sila.

“Kami nga, e, yung Ilawod, hindi din kami nakaabot, e, di January naman kami.”



Stories We Are Tracking

MMFF REVIEW: Paolo Ballesteros stands out in Die Beautiful
MMFF REVIEW: Paolo Ballesteros stands out in Die Beautiful
The MMFF2016 Top 4 box-office grossers on opening day are...
The MMFF2016 Top 4 box-office grossers on opening day are...






ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN